Danger

2.8K 74 1
                                        



Dylan POV


"What are you doing here?"

Cold at walang emosyon niyang tanong saakin.
Kanina pa ako naghihintay dito sa labas nang unit niya sa BB vill. Buti nga at hindi pa ako ban dito at pwede parin akong makapasok.


"Kria, kailangan nating mag-usap!"

Saad ko sa kanya.


"Wala na tayong dapat pag-usapan! Umalis kana kong ayaw mong mamatay nang wala sa oras"

Sa totoo lang. Hindi ako natakot sa sinabi niya, gusto kong umasa na totoo ang sinabi nina pamu saakin na hindi ako kayang saktan ni kria.


"Kria, hayaan mo naman akong magpaliwanag"

Pagmamakaawa ko.

Gusto ko siyang hawakan. Pero ayoko!

Ibang iba ang Kria na kaharap ko!

Hindi ko man nakikita ang mga mata niya alam kong punong puno nang galit ang emosyon niya,

"Umalis kana..."

Malamig niya paring tugon.


"Ayoko! Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo pakinggan ang side ko."

Oo sabihin na natin na initusan ako ni Tita Kath, pero hindi niya inutos sakin ang mahulog ang loob ko sa anak niya.


"Wala kang mapapala sakin. Kaya umalis kana! Hangga't kaya ko pang magtimpi!!"

Punong puno nang diin ang tinig niya.

Bigla akong kinabahan sa tono nang boses niya.

Pero hindi. Alam ko at ramdam kong hindi ako kayang saktan ni Kria.

"Kria makinig ka naman oh! Kahit limang minuto lang.."

"Please?"


Hindi siya kumibo. Pero hindi rin siya umalis.


"Oo inaamin ko! Inutusan nga ako ni tita para bantayan ka.."

"Inilipat niya ako sa skwelahan mo para mas mabantayan kita nang maayos. Sinundan ko kayo para malaman kong anu ba talaga ang ginagawa niyo. At bakit Master ang tawag nila sayo"

"Hanggang sa malaman ko nga at nasaksihan ko pa ang pakikipaglaban niyo..."

"Nakaramdam ako nang takot. Lalo na nong mahuli mo ako.."

"Nag-offer ka na maging member ako sa inyo. Kesa ang mamatay ako ay tinanggap ko kahit takot na takot sa pupweding mangyari"


"Maniwala ka hindi ko sinabi kay Tita yun.. Kaya nga nong gabing kaarawan nang lolo mo. Kinausap niya ako na layuan na kita. Dahil imbes na paglapitin ko kayo ay inilalayo pa kita sa kanya.."


"Araw araw nagkasama tayo.."

"May mga bagay kang ginagawa na saakin mo lang ginagawa.."


"Ngumingiti ka na bihira ko lang makita.."

"Yong ibang sides mo pinakita mo sakin.."


"Pag-aalaga mo kahit diko nakikita pero nararamdaman ko Kria.."

"Sige sabihin na natin na inutusan ako ni Tita Kath. Pero Kria yong nararamdaman ko totoo..."

"Kria Mahal kita.."


Mahina kong saad.

Ngumisi siya saakin na para bang hindi siya naniniwala.


BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon