Lumipas ang ilang buwan nang relasyon namin ni Kria naging mahirap na saakin ang lahat. Naging mahirap para saamin ni Kria ang lahat.
Nandon na yong hindi na kami nakakapag-usap.
Lalo na nang dumating ang krisis sa kompanya. 10% nalang siguro ang chance na maiahon ko ang kompanya.
Araw-araw naglalabas si Papa ng pera at pinanglalaro lang sa Casino. Ni hindi na nga niya nagagawang umuwi at nagpapadala nalang ng pera doon.
Mas lalo akong nahirapan nong sunod sunod ng aberya sa mga sites. May gumuhong building dahil hindi daw ganun katibay ang mga pundasyon ng builing.
Kanda utang utang ako sa iba't ibang bangko para lang mabayaran ang mga damages. Bayaran ang pamilya ng mga namatay na trabahador. At ipuhunang muli para sa mga materials na knakailangan.
Hindi parin ako nagtagumpay. Lalo na't walang ginawa si Papa kundi ang magsugal lang.
Yong mga investors, pinull out nila ang mga shares nila. Kaya mas lalo akong nahirapan bumangon.
Yong pag-aaral ko hindi ko na natapos dahil sa mga problemang dumarating.
Then Sarah came. Anak siya ng isa sa mga investor ng Kompanya. Nakipagkita siya saakin dahil ang sabi tutulungan niya ako kapalit ng pagiging fuck buddy ko sa kanya.
Nong una pumayag ako. Kaya dinala ko siya sa Condo.
Hinalikan niya ako sa elevator. Pero si Kria ang nakita ko kaya naitulak ko siya. Sinabi kong ayoko.
"Im sorry. Hindi ko kayang magtaksil sa kanya."
Yun ang sinabi ko sa kanya. Same that night binuksan ko ang messenger ko only to find out marami na palang message saakin si Kria.
Umuwi siya.
Magtitipa palang sana ako ng message ng biglang hindi na ako pweding makapagreply. In short nagdeactive siya sa FB.
Hindi ako nagsayang nang oras. Pumunta ako sa bahay nila. Ngunit ang tatay niya ang humarap saakin.
Hinarang niya ako.
Sinabi niyang mag-usap kami sa ibang lugar.
Sumunod ako sa kanya. Medyo malamig na dahil madaling araw na kaya naisipan niyang sa isang Coffee shop niya ako dalhin. Siya narin ang nag-order dahil hindi ko alam kong anu ang gagawin ko.
"Anu ba talaga ang plano?" Yun agad ang tanong niya.
Natameme ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.
I cleared my throat ngunit hindi parin ako makapag salita.
He sigh.
![](https://img.wattpad.com/cover/57023338-288-k148889.jpg)
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...