Sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko. Hindi ko pa magawang idilat mata ko dahil narin sa sakit ng ulo ko. Darn! Bakit ba kasi ang dami kong nainum kagabi!
May naramdaman akong nakadagan sa tiyanan ko, kaya kinapa ko ito!
Kumunot ang noo ko ng mapisil ko ito na matigas.
Nagulat ako gumalaw ito humigpit ang pagkakayakap saakin.
Naimulat ko ng wala sa oras ang mga mata ko.
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko si Dylan sa tabi ko.
Gumalaw ako ng bahagya. Ganun na lamang ang pagngiwi ko ng makaramdam ako ng sakit. Hindi ng ulo. Kundi sa sakit ng ibabang parte ng katawan!
Agad akong napatingin sa katawan kong nakakumot.
"Fuck" mahina kong mura.
Napaupo ako. Kaya unti unti ding gumalaw ang lalaking katabi.
Napasampal ako sa sarili ko! Damn, panu nangyari to?
"Kria.." sambit niya gamit ang bedroom voice niya. Napasinghap ako!
Mukhang hindi siya nagulat na nandito ako sa tabi niya.
"A-Anong nangyari?"
Sht! Kria, yun pa talaga ang tanong mo samantalang obvious na.
Napaupo din siya at humarap siya sakin. Nag-iwas ako tingin sa kanya.
"Im sorry! Hindi ko alam kong san ka nakatira. Ginigising kita kagabi. Hindi ka gumising kaya dinala nalang kita dito sa condo ko."
Biglang uminit ang dugo ko.
"sana sinubukan mo pa akong gisingin Dylan." Mahina kong sabi sa kanya.
"I tried Kria. Kaso sumuka kana kaya dinala nalang kita dito. "
Napailing ako. Bakit ba kahit anong sabihin niya hindi ko magawang maniwala.
"P-Paanong nangyari------" hindi ko ata kayang itanong ang mga bagay na yun.
Siguro ay naintindihan naman niya dahil sinagot niya.
"Kagabi, bigla mong hinubad ang suot mong damit."
"Fuck! Wala kadin palang suot na bra kaya tanging panty lang ang suot mo. Binigyan kita ng towel pero hindi mo tinanggap."
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga naririnig ko.
Ako pala talaga ang nang-akit sa kanya.
Ngayon natatandaan ko na.
Hindi ko tinanggap ang binibigay niyang towel sa halip ay lumapit ako sa kanya para halikan siya. Naalala ko pa ang pagkagulat niya ng gawin ko yun. Masuyo ko siyang hinalikan hanggang sa bumigay na siya sakin!
"Im sorry. " sambit niya.
pakiramdam ko ay ako dapat ang humingi ng tawad. Pero hindi ko yun gagawin, para ko narin siyang napatawad sa ginawa niyang kasalanan.
"walang may kasalanan dito. Kalimutan nalang natin ang nangyari." Malamig kong tugon sa kanya.
Nakita kong nag-igting ang kanyang panga at bigla siyang nagalit sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...