f*ck

3.3K 64 11
                                    

Nakailang mura ako sa utak ko ng mapagtanto ko na hindi ako nananaginip. Si Dylan nga ang nandito. Ayokong lumingon. Natatakot ako! Natatakot akong maging salungat ang sinasabi ng puso ko at ng utak ko.

Lumapit siya kay Patrick. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakatalikod naman ako sa kinaroroonan niya. Sila pamu at A ay natahimik at nakatingin nalang ito saakin.

Umiling ako ng bahagya.

Hindi ako makakatagal dito kong nandito siya. Mamamatay ako kapag tumagal pa to.

"Dude, sorry nagkaroon ako ng Meeting." Paghingi niya ng paumanhin kay Pat.

Si Pat naman ay napatingin sa akin. Napasinghap ako ng pati siya napatingin saakin. Bahagya siyang nagulat ng makita ako.

"D-Dude, you remember Kria right?"
Tanong ni Pat.

Darn! Bakit biglang uminit dito?

"Y-Yeah.. K-Kria.." sambit niya.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Damn stay cool Kria.

Tumayo ako. Pakiramdam ko lahat ng mata nila nasakin.

"Hi, nice to see you again." Inilahad ko pa ang kamay ko sa kanya.

Stay calm Kria. Hindi ito ang oras para maging mahina.

Unti-unti niyang inangat ang kamay niya para makipagshakehands sakin. Ewan ko kong guni guni ko lang yun o anu. Pakiramdam ko nakuryente ako ng hawakan niya ang kamay ko.

Inalis ni Pamu ang tensyon sa pagitang namin.

"alumni ba ngayon? O reunion din ng BB" bahagya pa siyang tumawa.

"tamang tama lang ang dating mo Dylan. Nagkaayaan kasi kaming mag-chill ngayon since matagal nadin ng huli kayong magkasama ni Pat. Why don't you join us?"

Napatingin siyang muli saakin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Sure. But i need to change." Naka-office suit pa siya alangan naman dumerecho siya ng ganyan ang suot.

"don't worry D, ihahatid padin namin si Alice kina Mommy. And magbibihis din kami." Nakangiting sabi ni A.

"Ikaw Krey? May dala kabang Car? Or ihahatid ka namin?"

"Ahh no, dala ko yong kotse ko. Just text me the location. Dederetso nalang ako doon."



Kailangan ko ng makaalis dito. Hindi ko na kaya! Parang any moment ay bibigay na ako!


"Una na ako sa inyo. See you later." Paalam ko sa kanila.


Buti nalang at hindi na nagprotest sila A. At nakaalis ako ng matiwasay.

Napahampas ako agad sa monobela ng makapasok ako sa Kotse ko.

Ang lakas parin ng kalabog ng puso ko.


Huminga ako ng malalim bago ako magsimulang magmaneho.






Kanina pa ako pumipili ng damit pero wala akong mapili. Hindi ako makapagdecide. Anu ba ang dapat kong isuot?




Nakakainis! Urgh! Nakakainis. Bakit ba naging concious ako sa susuotin ko?! Ghad, Kria nahihibang kana talaga.


At the end. Mas pinili kong magsuot ng white fitted dress. Nag-apply ako ng nude make-up.


Napapikit ako ng mariin kasabay ng buntong hininga. Nahihibang kana talaga Kria.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon