okey

3K 65 2
                                    




"Kria, hindi kaba talaga kakain?" Halata sa kanya na naiinis na siya. Kanina pa niya ako pinapakain ngunit hindi ko talaga kayang kainin. Ayaw ko sa amoy! Lalo na sa amoy ng bawang.

Dinala niya ako dito sa condo niya para daw maglunch. Kaya maaga pa ay sinundo na niya ako sa office.

Kanina habang nagluluto siya ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong masusuka na ewan. Bumabaliktad ang sikmura ko! Parang kong anong meron sa tiyan ko na hindi maintindihan.





Ngumuso ako. Naiinis ako sa kanya pero gusto kong nasa tabi ko lang siya. Oh Lord, magkakasala na naman ata ako sa magulang ko dahil nagpapadala na naman ako sa panloloko ng lalaking to.





"Ayoko sa amoy niyan. Nagugutom na ako. Pero ayoko talaga sa niluto mo." Nakanguso kong sambit sa kanya.



Kumunot ang noo niya saka niya binitawan ang kobyertos niya.





"Sabi mo kanina gusto mo ng adobo kaya pinagluto kita ng adobo." Kinakalma niya ang sarili niya. Alam kong naiinis na siya saakin.



Sa hindi malamang dahilan biglang tumulo ang luha ko. Nanlaki ang mata niya ng makita akong umiiyak. Lumapit siya saakin at pinahid ang luha ko.





"Sorry. Sorry baby..." Dylan.




"Gusto ko nga ng adobo kaya lang dapat walang bawang." Naiiyak kong sabi.




Matagal niya akong tinitigan bago niya ako halikan sa noo ko at tumayo para pumuntang muli sa kitchen.



Sumunod ako sa kanya at naupo sa may bar ng kitchen niya.



I wonder kong anong nangyari sa Papa niya. Ang sabi niya saakin wala na ang Papa niya. Saan kaya nagpunta?! O baka patay na?

At sinasabi niyang Sarah? Yong haliparot na kasama niya nasan na kaya yun?


Tinanong ko kasi si A baka lang naman kasi may nababanggit si Dylan kay Pat. Lalo na't magbestfriend sila.

Ang sabi ni A. Anak daw ng investor yong Sarah na yun na obviously may gusto kay Dylan.

Hmp! Kong may gusto lang bakit naghahalikan sila?



Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero nagdadalawang isip ako. Natatakot ako na baka sadyang mali lang ang pag-interpret ko sa mga sitwasyon. baka nga nasaktan lang ako sa wala. Pwede ba yun? Masasaktan kalang sa wala? Hindu malabong mangyari yun lalo na't karamihan saatin ay mas pinapaniwalaan ang isip kesa sa puso.



Yong feeling akala mo naka-move on kana sa kanya? Pero hindi parin pala? Kasi sa totoo lang, alam ko sa sarili ko na sa kanya lang ako sasaya. Kahit pa masaktan ako ng paulit-ulit. Mas pipiliin ko nang masaktan basta kay Dylan.

Yong sasabihin ng iba na sobrang katangahan na? Ngunit para saakin pagmamahal ang tawag?

Ilang beses ko man siyang pilit na kalimutan, hindi ko kaya. Makalimutan ko man siya sa isip. Ang puso ko ang pilit na nagpapaalala na si Dylan. Si Dylan ang bukod tanging mamahalin ko maging anu o sino paman siya.








"Baby, ito na." Malambing niyang sabi saakin. Inalalayan niya akong makababa sa counter at pinaupo muli sa dinning area.



Pinaglagyan niya ako ng ulam at kanin sa pinggan ko. Pagtapos ay nagsimula na akong kumain. Siya naman ay pinanuod lang akong kumain. Titig na titig bawat subo ko. Hmp yaan mo siya basta nagugutom na ako.



BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon