special chapter 4

3.6K 73 6
                                        

-Finn Uno Angelo

"AAAAAAHHHHHH Dylan manganganak na ako."

Halos mayanig ang kaluluwa ko sa pagsigaw ni kria. Nataranta ako kaya nahulog ako sa kama. Patulog palang sana ako ng sumigaw siya.

Nagpaikot ikot ako sa kwarto na parang may kukunin na hindi ko naman alam kong anu.

"Dylan. Sht! Dalhin mo na ako sa hospital ang sakit na ng tiyan ko!" Sigaw na naman niya kaya mas lalo akong nataranta.

"Oo sige." Kinuha ko yong susi ng kotse at saka lumabas na ng kwarto.

Nasa kalahating hagdan palang ako ng...

"Tangina Dylan, saan ka pupunta? Alalayan mo ako!"

Jusko! Paano?!

Bumalik ulit ako at inalalayan na siya pababa. Sinasabunutan pa niya ako sa inis niya.

"Dylan? Kria?" Si Nanay.

"Nay, manganganak na ako.! Ay hindi si Kria pala"

Tangna! Nalilito na tuloy ako.

"O sige sasama kami. Si Daniel na ang magmamaneho."

Lumabas si tatay na nakapajama pa.

Ang sakit na ng anit ko kakasabunot niya saakin.

Hanggang sa makarating na kami sa Hospital ay hindi niya parin binibitawan ang buhok ko. Panay mura at sumbat pa siya saakin.

"Last na talaga to! Urgh! Ang sakit!" Sigaw niya ulit. Masakit na nga ang anit ko pati ba naman ang tenga ko.

"O ghad! Pumutok na ang panubigan niya." Sigaw naman ni Nanay.

Bakit ba kailangan sumigaw?!

Linapitan agad kami ng mga nurse na may dalang kama na may gulong. Agad na inihiga doon si Kria kaya nalipat ang hawak niya sa kamay ko.

Namumula na ang mukha niya. Umiiyak narin siya marahil ay masakit talaga ang nararamdaman niya.

Nagpaiwan sila Nanay sa labas at ako lang ang pinapasok.

"Aaaahhhhhhh!"

"Sige pa Misis. Ire pa."

"Ahhhhhhhh!"

"One last."

Isang mahabang ire ang ang binitawan ni Kria bago namin marinig ang unang iyak ni Uno.

Napatingin akong muli kay Kria. Ngumiti siya bago siya nawalan ng malay. Medyo naghysterical pa ako kasi baka napano na. Sabi ng doktor normal lang yun. Nakatulog lang dahil sa pagod.

Ibinigay saakin ng doktor ang gunting na nagtaka naman ako kong para saan.

"Kayo ho ang gumupit sa pusod ng anak niyo." Nakangiting sambit ng doktor.

Nanginginig ang kamay ko.

Inalalayan ako kong saan ko gugupitin ang pusod.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon