Hindi ko maitatanggi na nalulungkot ako dahil sa pag-alis namin ni Dylan. Pero dahil hindi habang buhay ay kayang naming magtago dito kailangan naming umalis. Kailangan naming harapin ang realidad. Ang realidad kong saan maraming naghihintay saakin. Si Nanay, Si Tatay ang buong pamilya ko si Joshua. Mahaba habang paliwanag ang kakailanganin ko para matanggap ni Kami ni Dylan.
Panghahawakan ko ang pangako namin sa isa't isa ni Dylan. Aayusin namin ang dapat ayusin.
Babalik ako sa America para ipagpatuloy ang pag-aaral ko, at siya naman ay pag-aaralan niyang mabuti ang kilos ng tatay niya.
Mahirap para sa kanya alam ko. Lalo pa't hindi niya parin matanggap na ang tinuring niyang Tatay ay magiging kasing sama ngayon. Meron talagang mga taong hindi natin inaasahang makakagawa ng mga bagay na hindi kapani-paniwala.
Mahal ko si Dylan kaya kailangan kong magtiis na malayo sa kanya. Kailangan naming magsakripisyo para magbunga ang paghihirapan namin, sana nga ay makayanan namin' sabi nga niya kong nakaya namin noon ay makakaya din namin ngayon. Lalo pat napagdesisyonan naming pagkatapos nang graduation ko ay uuwi ako dito sa Pilipinas. Sana kapag dumating ang araw na yun maging madali nalang saamin ang lahat ni Dylan.
"Natawagan mo na ang Nanay mo?" Tanong niya saakin.
Napangiti ako sa kanya. Busy siya sa pagmamaneho ngunit di niya mabitawan ang kamay ko. Natatakot tuloy ako na baka madisgrasya kami.
"Yeah! Sinabi kong uuwi na ako. Nasa bahay sila ni Mamita. Nakalabas na kasi si Lola" sagot ko.
Hindi na siya muling nagsalita kaya nakatitig nalang ako sa kanya. Gusto kong kabisaduhin ang mukha niya. Yong mata niyang mapupungay kahit malaki ang eye bags, yong ilong niyang matangos, yong lips niyang mamula mula at malambot na kahit ata ilang beses mong halikan hindi mo pagsasawahan.
Mamismiss ko siya kapag nakabalik na ako sa America. In two days ay babalik na kami ni Josh, ngunit mananatili dito sila Nanay para mabantayan si Mamita.
"Mamimiss din kita.." Pinamulahan ako ng pisnge. Hindi ko alam kong marunong lang ba siyang bumasa ng isip o nasabi ko talaga ng malakas ang katagang yun.
Nagstop over muna kami sa isang fastfood dahil hindi naman kami nakapag-almusal dahil sa madaling araw kaming bumyahe. Siya na ang nag-order para saamin, na pinagsisihan ko na dapat ako nalang pala. Halatang halata naman kasi ang pagpapacute ng kahira. Ang sarap sabihing" hey back off, he's mine" kaya lang natatakot akong mapahiya. Wala naman kasing label ang relasyon namin ngayon ni Dylan. Hindi naman niya kasi ako tinanong kong pwede niya ba akong maging girlfriend. O ako ba dapat ang magtanong nun? Ewan!
Wala akong alam diyan. Hanggang crush palang ang alam ko na kong hindi pa sinabi ni Josh saakin ang kahulugan nun ay hindi ko pa malalaman.
"Bakit nakabusangot ang kamahalan ko?" Malambing niyang tinig. Umiling lang ako. Alangan namang sabihin ko sa kanya na gusto kong patayin ang kahirang nag-asikaso sa order niya.
Hanggang matapos kaming kumain ay wala parin akong imik.
"May problema ba tayo?" Tanong niya ng makapasok kami sa kotse niya.
"Wala!" Naiirita kong saad.
Kumunot ang noo niya.
"Hindi kita maintindihan Baby, kanina okey kapa naman ngayon hindi na maipinta ang mukha mo"
Mas lalo lang akong nairita sa sinasabi niya. Baby?! Fuck! Halatang sanay sanay siya sa pagtawag ng ganyan. Ilang babae na kaya ang natawag niyang baby?!
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
Fiksi PenggemarKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...
