Puti...
Puro puti ang nakikita ko nang idilat ko ang aking mga mata.
Hindi rin ako makagalaw mula sa kinahihigaan ko. Ang sakit! Ang sakit nang katawan ko! Parang nakalibing yong kalahati nang katawan ko sa lupa.
Anu bang nangyari?
Nasaan ba ako?
Bakit parang ako lang ang tao?
Patay naba ako?
"You're awake Dylan..."
Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan nang boses.
Doon ko nakita sina Pamu at Arisse na kakapasok lang. Iniexpect kong may susunod pang papasok sa kanila. Pero wala na! Umasa na naman ako!
Hayy Dylan, hanggang kelan mo paaasahin ang sarili?!
Bigla akong nakarinig nang tawa.
"May hinahanap kapa bang iba?"
Panunukso ni Arisse.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko pati pagsasalita hindi ko kaya.
"Wag kang mag-alala nandito siya. Binabayaran lang niya yong bill at happy ending na. Hehehe"
Ang light nang aura nila ngayon. Parang saya saya nila. Hindi katulad nang mga nakaraang araw na ang cold nila.
"Okey sige tawagan mo ako kapag may nangyaring kakaiba ha! Mag-iingat ka diyan. Bye"
Boses ni Kria.
Sino kaya yong kausap niya? Bakit parang iba yong pakikipag-usap niya. Malumanay!
"Gising kana pala. Anu gusto mong kainin?"
Sabay lapit saakin.
Nakakapanibago siya.
"Gusto mo ba nang fruits? Teka ipagbabalat kita"
Sinundan ko lang siya nang tingin.
Gaya nang sabi niya pinagbalat niya ako nang mansanas at orange.
Tinulungan niya rin akong maupo sa kama.
Siya narin ang nagsubo sakin nang binalatan niyang prutas.
"Masakit paba ang mukha mo?"
Tanong niya sakin. Habang mainam niyang tinitingnan ang mga sugat ko.
"Akala ko pa naman magaling kana. Dahil yun ang sabi ni Agent yellow. Isang suntok lang bagsak kana? Grabe ka..."
Panu niya nalaman?
Ah baka naman kwenento nila Pamu.
Wala siya dun diba?
"Wag kang mag-alala. Patay na yong gumawa sayo niyan..."
Biglang kumunot ang noo ko.
"Hoyy! Hindi ka parin ba magsasalita? Para na akong tanga dito oh"
Ang cute niyang tingnan habang nagsasalita siya.
"Nakuuu Master napipi na ata si Dylan. HAHAHA"
Hirit ni Arisse.
"Dapat pala Master pinutulan mo muna nang dila yong ungas na yun bago mo patayin"
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
Fiksi PenggemarKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...
