Possesive

3.5K 92 4
                                    



Thank you sa comment and vote guys :))



***

Her POV



Nagdaan ang agahan na puro kulitan, kwentuhan at tawanan ang ginawa namin sa hapag kainan.

Panay kantyaw kasi saamin si Lolo. Magmula kasi kanina ay hindi na kami mapaghiwalay ni Dylan.

Natutuwa rin ako na bumalik na ang sigla ni Dylan. Madalas ko na ulit makita ang mga ngiti niya na nawala simula nang pinilit ko siyang saktan.

Dumating kanina ang kabarka nina Tatay at Nanay kasama ang mga anak nila kaya domuble ang mga nang'aasar saamin. Lalong lalo na sila Tito Kats at Tito Les. Parang gusto ko silang isumpa. Nakakaramdam tuloy ako nang hiya kay Dylan.

Pinapalabas kasi nila na ako ang patay na patay kay Dylan. -__-

Buti nalang nong bandang lunch na ay naisipan na nilang kumilos para sa party ni lolo mamayang gabi kaya nagkaroon kami nang chance na makapagswimming kasama sina Arisse at Pamu.

Heto ako ngayon nagpalit nang two piece pero pinatungan ko naman nang short short.

Inaayos ko ang buhok ko nang may kumatok sa kwarto ko.

"Hmm sandali matatapos na ako" sigaw ko.

Nagmadali akong kinuha yong camera ko na water proof at lumabas na.

Si Dylan ang sumalubong sakin na unti unting nawala ang ngiti nang makita ako kaya nagtaka ako.

Tiningnan niya rin ang suot na mas lalong nairita ang mukha niya.

"Yan ang isusuot mo?!" May halong inis ang pagbigkas niya.

"Oo, why?" Takang tanong ko.

"Anong why? Magpalit ka!" Galit niyang sabi.

"Ha?! Bakit? Okey naman ang suot ko ah" medyo naiinis nadin ako.


"Okey? Ahh okey? Okey... Wag na tayong mamasyal. Dito nalang tayo."

Sarkastiko niyang tugon. Aalis na sana siya nang pigilan ko siya.

"Anu bang problema mo sa suot ko?! Deretsohin mo kasi ako. Panget ba? O anu??"

Napapasabunot na siya sa sobrang inis.

Nagsisigawan nadin kami. Buti nalang busy sila kaya hindi nila kami naririnig.

"Fine. Bagay okey! Bagay na bagay Kria. Pero hindi bagay kong bigla nalang akong makasuntok habang namamasyal tayo, kaya utang na loob magpalit kana!"

Sigaw niya kaya natagalan mag-sink in sakin ang sinabi niya.

In a cue. Bigla akong nagblush nang makuha ko ang gusto niyang ipahiwatig.

Para matakpan ang kilig ko ay inirapan ko siya.

"Li-linawin mo kasi.." Medyo nabulol pa ako.

Wala akong nagawa kundi nagpalit nang suot.

Crop top ang isinuot ko naka-short padin ako.

Lumabas din ako agad pagkatapos kong magbihis.

Ayan na naman yang masama niyang tingin.

Nagulat nalang ako nang suotan niya ako nang T-shirt niya na nagmukhang daster sakin.

"Sabi ko na nga ba at maikli parin ang isusuot mo buti kumuha ako nang shirt. Yan mas sexy ka diyan dahil simple kalang"


Sabay ngisi pa siya kaya sobra na yong kilig ko na kusa nalang akong ngumiti.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon