Nanay

3.1K 71 7
                                        



HER POV

Kakalabas ko lang sa underground nang salubungin ako nina A at Pamu. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Master.."

Parang may pag-aalinlangan sila kong sasabihin ba nila saakin o anu.

"Anu?! Bat nandito kayo? Diba sabi ko bantayan niyo si dylan"

Bigla silang nagtinginang dalawa.

"Master si Dylan, may dumukot sa kanya."



"ANU?!"

"Hindi na namin siya naabutan. Kakarating lang namin nang makita naming sinasakay na siya sa isang puting Van.."

"Sht!"

Nagmadali akong tumakbo patungo sa sasakyan ko. Baka sakaling may naiwang sulat o anu.
Hindi ko na kailangan pang manghula kong sino ang dumukot kay Dylan dahil slam na alam ko na kong sino ang hayop na yun!
Talagang hindi niya ako titigilan hangga't di niya naaagaw sakin ang trono!

Abala ako sa paghahanap nang biglang lumapit na naman saakin sina Pamu.

"Master, video call galing sa leader nang Evil warrior"

Naiyukom ko agad ang kamao ko nang makita ko si Dylan na nakatali sa upuan. Walang malay, duguan ang mukha at parang hinang hina!

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa kanya?! Isa kang duwag!"

Sigaw ko. Isang malademonyong tawa ang natanggap ko mula sa kanya.


"Kita mo nga naman! Binggo pala ako. Dahil nahuli ko ang kahinaan nang isang Black Butterfly.."

Mapangutya niyang saad.

Mas lalo lang akong nanggigigil.

Mapapatay kitang hayop ka!


"Pakawalan mo siya at ako ang harapin mo!!"

Halos lumabas na ang mga ugat ko kakasigaw sa kanya.

Puro tawa at ngisi ang tinutugon niya.


"Wag kang mag-alala. Pakakawalan ko rin siya. Sa isang kondisyon.."

Kinabahan ako sa magiging kondisyon niya. Sa mundo nang mga gang ay kahit anong kondisyon kamatayan parin ang nagiging kapalit.

Noon hindi ako natatakot na mamatay. Pero ngayon takot na takot na akong mawala. Hindi ko kayang maiwan si Tatay. Ang pamilya ko, si Dylan.

Sa tuwing mag-iisa ka! Doon mo marerealize na bakit mo sasayangin ang buhay mo? Kong may mga tao paring pinapahalagahan ka at gustong gustong mahalin ka ngunit pilit mo namang itinataboy dahil natatakot ka na baka maiwan kana naman.

Si Dylan alam kong nagsasabi siya nang totoo. Alam ko at ramdam ko na mahal niya ako. Ngunit pilit kong winawaksi sa isip ko dahil natatakot ako na baka iwan niya ako ulit.


"A-anong kondisyon.."

Bigla siyang humalakhak.


"Wala pa nga akong sinasabi natatakot kana?"

Napapikit ako nang mariin, oo natatakot ako na baka buhay ang kapalit nang kondisyon niya.


"Sa susunod na linggo na ang pinakamalaking laban. Gusto kong papanalunin mo sa laban na yun."

Sabay ngisi saakin.

Hindi. Ang sinabi niyang papanalunin ko siya ay para narin niyang sinabi saakin na mamatay na ako. Dahil paniguradong mamamatay na talaga ako.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon