Isang buwan na ang nakalipas mula ng makabalik ako dito sa Amerika. So far maayos naman ang lahat para saakin.Nagpatuloy ako sa pagpasok ng dalawang sem,talagang hindi naging madali saakin. Lalo na kong graduating ka at pagsasabayin mo ang mga Major subjects. Kong minsan pa ay nagsasabay sasabay sa pagbibigay ng Project. Mabuti nalang at nandiyan si Kiel para tulungan ako. Hindi ako ganun katalino katulad ni Kiel, ngunit palagi naman akong nasa Top.
Pagkakatapos nang klase ko ako taga bantay sa dalawang anak ni Kuya Bugoy na si Jameson at Jon, pang-gabi kasi ang trabaho ni Kuya. Okey lang naman saakin dahil papakainin ko lang naman sila at papatulugin, minsan naman ay nasa bahay kami ni at Xyrel lalo na kapag wala akong pasok kinabukasan. Atleast nagkakaroon din ako ng oras para makipaglaro kay Xymond.
Si Kiel na ang umako sa responsibilidad sa pag-aasikaso at pakikipag'meeting sa taong inutusan namin na mag-invest sa kompanya nila Tatay. Wala na naman daw problema dahil nakabawi na ito lalo na nang tumulong si Tatay sa pagpapatakbo.
Hindi pa nakakabalik dito sila Nanay, masyado daw busy si Tatay sa Kompanya, ayaw naman niyang iwan si tatay sa Manila. Sinabi ko naman sa kanila na okey lang kami ni Kiel dito.
Si Joshua, nagiging mailap siya saakin simula ng bumalik kami dito. Kakausapin niya lang ako kapag meron siyang itatanong. Madalas din siyang wala sa bahay. Sabihin nalang natin na nagtatampo ako. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Nagalit siya saakin ng husto dahil kay Dylan.
Kami ni Dylan going strong relationship namin. Tuwing madaling araw sa Pilipinas lang kami nagkakausap dahil narin siguro sa sobrang busy ko sa school.
Kami na nga siguro ang magpapatunay na meron ngang forever. HAHAHA
Nararamdaman ko parin ang pag-eeffort niya kahit nasa malayo siya.
Tuwing mamimiss ko siya ay hahawakan ko lang ang singsing na binigay niya sakin, nawawala na ang pagkamiss ko sa kanya.
"Baby, hindi kana nagsalita." Ka-video call ko sa messenger ngayon si Dylan.
"Sorry. Hmm' kamusta ang studies mo?" Tanong ko sa kanya.
"Okey naman. Kaya naman! Medyo pagod lang ako sa opisina. Ngayon naiintindihan ko na si Tita kath kong bakit halos tumira na siya sa kompanya. Kailangan pala talagang hands-on ka sa pagpapatakbo." Tumango tango pa siya sabay hilot sa sentido niya.
"Pagod kana ba? Matulog kana D." malambing kong himig.
umiling lang siya kasabay nang paglingon niya sa likod ko. papalapit sa akin si Jameson at papungay pungay pa ang mata. halatang bagong gising lang. kinarga ko si Jameson at pinaharap sa Camera.
"kaway kaway ka Jameson, say hi to tito Dylan.." winawagayway ko pa ang kamay ni Dylan. hindi ako sinunod ni Jameson dahil wala pa siya sa mood.
"hi buddy, im your Tito Dylan." pahayag ni DYlan.
Hindi siya pinansin ni Dylan bagkus ay yumakap ito saakin.
Hindi narin nagtagal ang pakikipag-usap ko kay Dylan dahil narin sa nakikita kong pagod na pagod siya. Gusto ko pa siyang makausap ng matagal ngunit hindi na ata niya kakayanin. Ala una na ng madaling araw sa kanila.
"Bye Baby. I love you so much. Miss na miss na kita sobra kamahalan." Malambing niyang tinig.
"Mahal na mahal din kita Dylan. At mas namimiss kita." Tugon ko sa kanya.
Inilapit ko ang mukha ko sa screen para mahalikan ko siya ganun din ang ginawa niya.
Araw-araw ganun ang nagiging sitwasyon namin ni Dylan sa loob ng isang buwan.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanficKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...