Laugh

3.8K 95 0
                                    




Kria





Napangisi ako nang e-announce na ako ang nanalo againts black demons! Matagal ko nang gustong makalaban ang leader nang black demons pero lagi silang tumatanggi. Now i know kong bakit!


"Grabe master, wala ka manlang kagalos galos" hangang hangang sabi ni Arisse.

Tss. Alam naman nilang madalang lang ako magalusan pagdating sa fight dina sila nasanay.

Hindi ako mayabang. Nagsasabi lang nang totoo.


"I have to go. Hinihintay ako ni Tatay. Umuwi na din kayo may pasok pa tayo bukas"


Nagsalute naman sila.

Mag-isa na naman siguro si Tatay sa bahay kaya tumawag siya sakin. Ramdam ko din ang lungkot sa boses niya kanina habang kausap ko siya. Nanghihina ako kapag ganyan siya. Ayoko siyang kaawaan kasi hindi niya deserve yun. Mas deserve niya ang mahalin.

Pagdating ko sa bahay. Isang malaking ingay ang narinig ko.

Parang may nahulog na babasagin.

Tatakbo na sana ako nang marinig ko ang bosea ni Nanay.


"FUCK DANIEL! PAGOD AKO TAPOS DADRAMAHAN MO LANG AKO?! ANU BANG GUSTO MONG GAWIN KO?! ANG DITO NALANG SA BAHAY MAGMUKMOK KASAMA KA?!"

Fuck?! Drama?

Drama ba yong tawag sa nangamamalimos sa oras?

Drama ba yong tawag sa pakiramdam na gusto mo lang makasama ang taong mahal mo?




Galit! Yun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi naiintindihan ni Nanay na gusto lang ni Tatay makasama siya. Yong magkaroon naman sila nang sweet moment.

Di lang alam ni Nanay kong gaano nasasaktan si Tatay ngayon. Magmula nang mawala si Dane Chandrei. At dahil yun sa kapabayaan niya.

Ayokong makita silang nag-aaway kaya umalis nalang ako nang bahay. Mas lalo lang akong nasasaktan tuwing nakikita ko si Tatay na nagmamakaawa sa oras niya.

I need someone to talk. At si Dylan ang unang pumasok sa isip ko.

Tinawagan ko siya kahit imposibleng sasagutin niya ang tawag ko. After what i did nong nakaraang araw sa kanya? Alam kong hindi niya na ako papansinin. Ginawa ko lang yun para maging ligtas siya.
At magiging ligtas lang siya kapag malayo siya sakin.

Isa sa mahigpit naming kalaban ay alam ang sekreto ko. Wala pa akong idea kong sino basta alam ko lang meron siyang mga clue na pinapadala sakin. Kaya para mailigtas siya ay gusto kong lumayo siya saakin.

Matagal ko nang kilala si Dylan. Alam ko yun nang paimbistigahan ko siya. At meron siyang tinatago saakin.

Alam ko na from the very start ay may iba siyang purpose kong bakit siya sumunod saamin. At nahuli namin siya.

After 3 rings ay sinagot niya pero hindi siya nagsalita.


"I need you please..."

Magkahalong lungkot at pagmamakaawa ang boses ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.


"Nasan ka?"


Napatingin ako sa paligid.

Nandito pala ako sa coffee shop malapit sa school namin. Kaya sinabi ko sa kanya.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon