Nagmamakaawa

2.9K 87 9
                                    



Pangalawang araw ko sa resthouse ni Dylan, nanatili lamang ako sa loob ng kwarto. Tanging si Yen lamang ang nakakausap ko, kong hindi ko pa ni-request na manatili si Yen sa tabi ko ay paniguradong mamatay na ako sa kalungkutan.

Dahil din kay Yen ay nakakausap ko si Nanay,Tatay at Joshua! Sinasabi ko lang sa kanila na wag nang mag-alala at nagbakasyon lamang kami ng mga dati kong kaibigan.

Nagpapasalamat narin ako kay Joshua na hindi niya sinabi kina Nanay at Tatay na kasama ko si Dylan. Bakas sa kanya ang galit,lungkot at pag-aalala. Gaya nang sabi ko sa kanya wala na kaming magagawa!

Ilang araw ko naring pinag-aaralan ang resthouse. Mahirap makalabas dito. Tadtad ng CCTV, matataas ang bakod at maraming nakabantay. Napaka-imposible! Kong hindi ka mismo dadaan sa Main Door ay hindi ka makakalabas.

Bantay sarado din Ako kay Dylan. Minu-minuto ay papasok siya nang walang pasabi sa kwarto para e-check ako.

Hanggang ngayon, bumabaon parin saakin ang sinabi niya. Yong yakap niya ramdam ko parin. Iniisip ko nalang nahindi totoo dahil pagkatapos nun ay naging cold na siya saakin.

"Master may gusto kabang kainin?" Tanong ni Yen.

"Wala Yen okey lang ako." Napatingin akong muli sa labas. Maganda ang panahon. Ang sikat nang araw napakaperpekto. Yong tubig sa dagat nakaka-engganyo. Parang sarap sarap magtampisaw.

"Ang ganda dito no?" Sabay lapit saakin ni Yen.


"Yeah! Maganda sana kong nandito ang pamilya ko, ang kaibigan ko. Alam mo kasi Yen, walang kwenta ang ganda nang lugar kong hindi mo naman kasama ang mga mahal mo sa buhay. Yun ang natutunan ko sa loob ng mahigit apat na taon. Matagal kong kinamuhian ang Nanay ko, pero alam mo kong anu ang pinakamasarap? Yong magpatawad at tumanggap ng mga pagkakamali. Naging masamang anak ako noon, pero masaya ako dahil marami akong natutunan sa mga pinagdaanan ko. Ikaw? Nasan ang pamilya mo? Matagal kana ba dito?"

"Wala pang isang taon Master. Patay na ang mga magulang ko sampung taon na ang lumipas. Sa ampunan ako lumaki, nang binigyan nila kami nang laya, napadpad ako dito, nakita ko sa labas nila na nangangailangan sila nang mga maid kaya nag-apply ako"

Bakit ganun? Kong sino pa ang may malalaking problema ay sila pa yong kayang ngumiti na parang walang iniinda.

Gaya ni Yen, masiyahin at pala ngiti. Hindi halatang ulila na siya. Kong ako yun? Hindi ko kakayanin.

"Maaga pa Yen, gusto ko sanang magswimming" nahihiya kong saad.


"Pwede naman Master, pero para mas sure magpaalam ka kay Supremo, paniguradong papayag yun." Tuwang tuwang sabi niya.


"Sige basta sama ka ha! Boring kapag mag-isa lang. Teka nasaan ba si Dylan?" Takang tanong ko. Hindi pa kasi siya napasok sa kwarto. Hindi naman sa nag-eexpect ako nakapagtataka lang.


"Uyy si Master namimiss niya si Supremo. Hehe" sabay hagikhik niya.

Bago pa ako makapagreact meron ng nagreact sa likod namin kaya napatakip ng bibig si Yen. Pinandilata ko siya ng mata dahil patuloy parin siya sa paghagikhik.


"Sinong namimiss?" Kunot noo niyang tanong. Mabilis kaming umiling na dalawa.


"W-Wala yun. Anu yong anu ni Yen magulang. Namimiss niya" nauutal kong pahayag.


"Ahh.."


"Anu Dylan, magpapaalam lang sana ako. Gusto sana naming magswimming ni Yen kahit sandali lang. Kong okey lang sayo" paalam ko.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon