"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Pagkatapos ng mahabang halik ay nagpalakpakan ang mga tao.
Finally natuloy nadin ang kasal.
Wala talaga silang balak magpakasal hangga't wala daw si Kria.
Kaya naman tuwang tuwa sila ng si Kria Mismo ang nagpakita sa kanila.
Malaki ang utang na loob nila kay Kria.
Kong hindi dahil sa kay Kria daw ay malamang kong saan na sila pupulutin.
Sa Black butterfly nagsimula ang lahat.
Nang maisipan niyang magtayo ng isang gang na sinang-ayunan nina Arisse at Pamu.
Ang pagkakaibigan nila ay mas lalong tumibay sa bawat laban na kanilang pinapanalo. Sa bawat mission na tulong tulong silang nagbubuwis buhay.
Ang Black Butterfly ay hindi lang puro masama o pakikipaglaban.
Meron din itong kabutihang dulot.
Dahil sa BB ay marami silang natutulungan.
Mga taong may pinaglalaban.
Mga taong walang wala dahil sa kahirapan.
Mga taong walang matutuluyan.
Doon ko rin mas nakilala si Kria.
Na ang kanyang panlabas na anyo ay ibang iba kapag ikaw nalang ang kaharap niya.
Yong inaakala mong wala siyang pakialam sayo? Hindi dahil ang totoo ay pinoprotektahan ka niya.
Yong inaakala mong hinahayaan kalang niya?
Hindi. Dahil nasa malapit lang siya nakamasid at sinigurado niyang ligtas ka.
Kong kikilalanin mong mabuti ang isang Kria Candice Padilla?
Isa siyang mapagmahal na nababalutan ng galit at lungkot. But in the end nangingibabaw parin ang pagmamahal sa kanya.
"Mahal okey kalang?" Para siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya.
Maya maya ay napapikit siya.
"Damn! Nasusuka na naman ako.." mahina niyang sabi.
Bakit ba parang gusto kong magsisi na nabuntis si Kria? I mean hindi ako nagsisisi na magkakababy na kami.
Ayoko lang talaga siyang nakikitang nahihirapan. Hindi kasi madali sa kanya ang magbuntis. Masyadong mapili sa pagkain. At ang kinakainis niya ay hindi na niya makain ang paborito niya.
Nagpatuloy ang program ng kasal nila. Nandito lang kami sa gilid malapit sa CR ni Kria dahil maya't maya ay sumusuka siya dahil sa mga naaamoy niyang pagkain.
Napatingin ako kay Kria nang makita ko siyang sumisinghot.
Inakbayan ko siya at yinakap patagilid.
"Baby why?" Sabay halik sa noo niya.
Umiling lang siya. Isa pa to. Nagiging emotional siya. Maya maya makikita ko nalang umiiyak siya.
Kabaliktaran talaga sa Kria na nakilala ko noon.
Bata palang kami noon ay matigas na talaga ang ulo niya.
Kaya nga nangyari ang aksidenting hindi naman namin ginusto.
Akala niya noon ay magagalit ako sa kanya. Ofcourse not! Paano ko magagawang magalit sa taong pinakamamahal ko simula bata palang.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
ФанфикKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...