Him

2.8K 61 4
                                    



"Mamita, wag na po kayo kakain ng bawal! Ang sabi ng Nurse niyo tumaas daw yong BP niyo dahil sa nakain niyong Lechon" its a relieve ng malaman kong tumaas lang ang BP ni Mamita. Ngayon matanda na siya ay marami ng bawal sa kanya. Particular sa food na kinakain niya! Yun lang daw ang kailangan niyang pag-ingatan bukod doon wala na.

"Hindi na po kayo bumabata Mamita, kaya dapat po sinusunod niyo ang sabi ng Doctor"

Tinawanan lang ako ni Mamita maging sila nanay ay tumawa din.

"Naku Candice matigas talaga ang ulo ni Mommy. Hindi ko nga alam na omorder pala siya ng lechon sa Cebu" natatawang sabi Tito Jc. Karga karga niya ang kanilang Little Junior ni Tita Natalie.

Napabusangot nalang ako. Bakit ba parang hindi nila sini-seryoso ang bagay na ito?

"Apo okey lang ako. Masaya ako at nakita ulit kita. Lalo ka atang gumaganda. Maliwanag ang aura mo ngayon kesa nong huli kitang nakita" pamumuri ni Lola.

"Nagdadalaga na talaga ang prinsesa ko Mom. At hindi ko naman siya masisisi kong bakit maganda siya e maganda ang Nanay niya" sabay yakap kay Nanay kaya panay panunukso sila Tito Jayce sa kanila.

Ilang saglit din ng tumunog ang cellphone ko. Si Joshie.

"Teka lang Mamita sagutin ko lang" paalam ko.

"Ayan na ang boyfriend niya tumatawag na" panunukso ni Tatay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Lumabas din ako kaagad.


"Hello.. Nasan kana? Nakapunta kana sa Dad mo?.. Andito pa ako sa Hospital.. Susunduin mo ba ako?.. Sige hintayin nalang kita dito..okey Bye ingat ka!"

Pagpasok ko nagkakatawanan na sila. Kaya napangiti ako! Para saakin ganitong pamilya ang perpekto sa paningin ko' matagal akong naging bato sa kanila dahil pinaniwala ko ang sarili ko na mag-isa lang ako. But all this time, nasa tabi ko lang sila Sumusuporta tuwing kailangan ko! Hindi ko naapreciate ako bagay na gusto nila makamit ko! Gusto nilang maging independent ako pero minasama ko ang bagay na yun hanggang sa nakagawa na ako ng bagay na maling mali.


"So okey na ang Mamita mo?" Tanong ni Joshua.

"Ahuh!"


"Babalik na tayong states?" Napatingin ako sa kanya.


"Why? May problema ba?" Umiling lang siya." Iniisip ko kasi na okey na naman ang Mamita mo at okey lang din naman si Daddy baka pwede na tayong bumalik. May practice pa kasi akong naiwan. Hindi ako nakapagpaalam"

Sinipat ko siyang mabuti kong nagdadahilan lang ba siya o totoo ang sinasabi niya.

Kilala ko Joshie alam kong hindi siya magsisinungaling saakin. Kahit na hindi kapani-paniwala ang sinabi niya saakin. Hindi din kami katulad ng iba na kapag may sinabi kang hindi mo inaasahan ay hindi na kayo magpapansinan. Sadyang ayoko lang lumayo saakin si Josh, mahihirapan lang akong harapin ang lahat.

"Right after makalabas si Mamita saka tayo babalik sa america."

Ayan na naman siya sa mga titig niya.


"Cmon Josh, hindi mo pa nga ako pinapakilala sa Daddy mo, babalik na agad tayo." Trying to loosen up the mood.

Alam kong hindi ko siya madadaan sa ganyan.

"Halika na nga. Kumain nalang muna tayo nagugutom na ako" nag-cling ako sa braso niya saka hinatak papasok sa isang restaurant dito sa Mall.

Kinikiliti ko siya hanggang sa makapasok kami sa Restaurant.

Bigla kaming napatigil ng may mabangga kami. Agad akong yumuko!

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon