"Kria okey kalang ba talaga?" Nag-aalala na ako sa kanya. Kanina pa siya suka ng suka. Mula paggising niya kaninang umaga ay tumakbo agad siya papasok sa CR para sumuka.
Ang sabi din niya saakin na masama ang pakiramdam niya. Nahihilo at parang bumabaliktad ang sikmura.
Ngayon hindi kami makakain ng maasyos ng almusal dahil sa pagsusuka niya.
Pinatapon niya saakin ang kapeng iniinom ko. Dahil matapang daw ang amoy.
Pinalayo niya din ang sinangag na niluto ko dahil ayaw niya sa may bawang. Nafu-frustrate na ako. Hindi ko na alam ang gagawin.
Pinunasan ko ang labi niya. Bakas sa kanya ang panghihina.
Hindi ko kaya to. Pinaupo ko muna siya sa sofa at kumuha ako ng jacket para saaming dalawa at isinuot ko yun sa kanya.
"Baby, halika na. Magpatingin na tayo sa doctor baka kong anu nang nagyayari sayo." Buti nalang ay nagpatianod lang siya saakin.
Nang makarating kami sa hospital ay dumerecho kami sa emergency.
"Doc, anu pong nangyayari sa kanya? Kanina pa ho siya nagsusuka at nahihilo." Nag-alala kong sabi sa Doktor.
Nginitian lang ako na para bang okey lang ang nangyayari.
"Mukhang hindi ho ako ang kailangan niyo Mr. Buenavista." Nakangiti pang tugon sa akin ng doctor. Naiinis ako!
"Anu hong ibig niyong sabihin?" May halong inis kong tanong.
"OB-gyne po ang kailangan niyo Mr."
May tinawag siyang nurse at pinasamahan kami sa sinasabi niyang OB-gyne.
"Wala pong pasyente si Doktora. Pwede na ho kayong pumasok."
Nginitian ko lang siya at inalalayang muli si kria.
"Goodmorning ho. Magpapacheck up lang ho kami. Sinabi ho saamin na dito kami pumunta. Nahihilo ho kasi siya at nagsusuka."
Kinakabahan kong sabi. Baka mamaya malala na pala no? Naku!
"kaano anu niyo ho ang pasyente?"
At yan pa ang naitanong niya saakin.
Kaano anu nga ba?
Kagabi ng sinabi ko sa kanya ang totoo ay naging okey na kami. Pero wala pang label.
Bahala na.
"Siya ho ang mapapangasawa ko balang araw."
Isang kurot ang natanggap ko kaya napangiwi ako. Aba nakuha pang mangurot kahit hinang hina na.
Totoo naman diba? Hindi ko siya girlfriend pero siya ang mapapangasawa ko balang araw.
Sinabi sakin ng Doctor na magkakaroon ng mga test kaya isinama niya si Kria sa isang silid.
Natutuliro ako dito sa labas habang naghihitay.
Juice ko! Wag naman sanang masama anu? Hindi ko na yun kakayanin.
Bakit ba kami nandito sa OB-Gyne?!
Muntik ko nang masuntok ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
Tangina! Check-up.an pala ito ng mga buntis. Kaya pala may mga picture dito ng mga baby.
Possible bang buntis nga si Kria?
Isang oras ang hinintay ko bago lumabas si Kria kasunod ng Doktor. Agad ko namang dinaluhan.
"Congratulations Mr. 3weeks na hong buntis ang mapapangasawa mo. Konting ingat lang ho tayo. Maselan ho ang pagbubuntis niya. Lalo na't first baby ito. Reresitahan ko kayo ng mga vitamins at pampakapit ng bata. Iwasan lang ho natin na mastress at mapagod wala ho tayong magiging problema."
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...
