-Pinya
"Hon? Hon? Gising.."
Nagising ako ng may sumipa sa saakin kaya nahulog ako sa hinihigaan ko.
Ouch! Ang sakit ng likod ko.
Bumangon ako at umupo habang hinihilot ko ang likod ko. Ang sakit ng pagkakabagsak ko.
"Kria bakit ba? Anong oras na oh. Matulog kana at magpatulog ka naman.."
Sa totoo lang ay alas dose palang ng gabi. Palagay ko ay kakaidlip ko lang ng gisingin niya ako.
"Gusto ko ng pinya." Sabay nguso niya.
Kumuha ako ng T-shirt sa bag ko at isinuot ito.
Hindi ako nagrereklamo dahil sa mga gusto ni Baby. Pero minsan? Nakakainis narin pala no?
Pagod ka sa trabaho. Ni hindi kana makapag-focus dahil maya't maya may hihingiin siya na hindi naman niya nakakain. Tinititigan niya lang. O di kaya ay ipapatapon..
Kaya saludo ako sa mga lalaking mahaba ang pasensya kapag buntis ang asawa nila.
"Titingnan ko sa baba kong may pinya." Sabi ko sa kanya.
At yong nakakainis? Yong iiyak siya kapag nakikita kana niyang naiinis.
Hindi muna ako bumaba. Tumabi ako sa kanya.
"Baby, im sorry okey? Pagod ako at oo na aaminin ko sayo. Hindi mahaba ang pasensya ko. Kaya sorry kong minsan naiinis na ako."
Apat na buwan na si Baby sa tiyan. Nextmonth ay malalaman na namin ang gender niya.
"Sorry ha. Hindi ko naman ginusto to e. Sana kong hindi ako buntis hindi ka sana nahihirapan ng ganyan."
Napapikit na lamang ako ng mariin. Ayan na naman siya sa mga drama niya kaya ayokong nakikita niya akong naiinis e. Dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.
Pakiramdam ko ako lang ang may gusto dito. Ako lang ang may gustong magka-baby dito.
"Ikukuha lang kita ng pinya." I kissed her forehead bago lumabas.
Nandito parin kami sa bahay nila. Minsan nahihiya na ako sa magulang ni Kria. Anong magagawa ko? Kapag sa condo siya ay walang mag-aalaga sa kanya.
Parang gusto ko narin tumira kami doon. Atleast malapit sa office. At isa pa lagi naman siyang sumasama saakin sa opisina kahit sa mga meeting ko nandoon din siya. Sinisigurado niyang hindi babae ang kameeting ko.
Pagbaba ko madilim na ang buong bahay. Dumerecho ako sa kusina nila para tingnan kong may pinya sila.
Wala.
Saan naman kaya ako hahanap nun?
Wala nang bukas ng palengke.
Bahala na.
Umakyat akong muli sa kwarto para kunin yong susi ng kotse ko. Hindi ko nakita si Kria siguro ay nasa CR.
Bumaba akong muli at lumabas.
Ilang palengke na ang napuntahan ko wala akong makuha dahil sarado na. Malamang. Mag-aalauna na.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Patrick.
Fuck! Ang layo ng bulacan para sa isang pinya lang.
Nakailang ring pa bago niya sagutin.
![](https://img.wattpad.com/cover/57023338-288-k148889.jpg)
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...