Hi guys!
Kong mapapansin niyo sa works ko ay marami akong nakapublish na story na hindi naman tapos. Marami kasi talagang pumapasok sa isip ko na mga story, pina-publish ko lang kong may magbabasa ba! Kapag nakita kong nagustuhan naman ng readers doon ko na dinudugtungan :))
Hindi ko din talaga kayang gumawa ng story na hindi KathNiel ang bida' kaya sorry din kong puro KN ang bida sa story ko. :))
Sino po ang nakabasa ng COMPLICATED LOVE na story ko noon?! Yun ang kauna-unahang story ko! Sa hindi malamang dahil ay nabura sa Watty kaya inuulit ko siya ngayon :))😂😘😁
Ms. Piggy17
****
Kanina pa ako paikot ikot sa kwarto ko. Hawak hawak ko rin ang cellphone ko!
Alasnuebe na nang gabi. Alam kong wala pa si Dylan sa Condo niya dahil kadalasan ang uwi niya ay alas onse o alas dose.
Nagpaalam ako kay Tatay pero paniguradong hindi ako papayagan ni Nanay. Kaya ang sabi ni Tatay ay siya na ang bahala kay Nanay. Maaga din naman daw kasi silang natutulog dahil sa pagod sa opisina.
Nanggaling na ako kay Mamita kaninang umaga at kakauwi ko lang din nang bahay.
Nagbihis lang ako ng pullover at leggings. Hindi pa ako makalabas ng kwarto dahil naririnig ko pa ang boses ni Nanay sa sala.
Maya maya ay may kumatok kaya dali dali akong umupo sa kama at kinuha ang libro sa lamesa.
Nakahinga ako ng maluwag ng si Tatay ang pumasok.
"Matutulog kana ba? Hindi ba bawal matulog ng nakasapatos?" Biro ni Tatay. Napasimangot nalang ako.
"Hayy ang anak ko, inlove na nga! Ang bilis mo namang magdalaga anak. Parang hindi pa kita kayang bitawan."
Hmmm! Naglalambing ang tatay ko.
"Tay naman. Hindi pa naman ako mag-aasawa. Boyfriend palang naman. Tsaka 19 na ako. Nasa legal age na ako."
"Walang legal age sa Tatay Candice. Kahit mag trenta kapa kong dipa kita kayang bitawan. Mananatili kang prinsesa saakin. At hindi kapa pweding maging Reyna ng iba."
Napangiti ako sa sinabi ni Tatay.
"Mananatili akong Prinsesa mo Tay. Kahit tumanda pa ako. Kahit uugod ugod pa ako. Mananatili akong prinsesa mo." Natawa naman siya sa sinabi ko. Mas mauuna padaw siyang maging uugod udog kesa saakin.
"Basta wag ko lang makita ang mga luha mo Anak, hindi ako magiging hadlang. Ayokong matulad ka saakin noon, hindi ko nagawang ipaglaban kay Dad ang Nanay mo. Kaya nagtagal bago ko siya Makasamang muli. Naniniwala ako, na hindi dapat hinahadlangan ang pag-ibig. Dapat hindi ka nahihirapan sa pag-ibig. Dahil ang pag-ibig dapat masaya kalang kasama ng taong pinakamamahal mo."
Masyado kaming naging emosyonal ni Tatay sa usapan namin.
Ito na siguro ang unang beses na nag-usap kami ni Tatay.
Nakakatawa nga dahil noon si Nanay lang ang iniiyakan at pinag-uusapan namin. Ngayon ibang tao na'.
"Itong mga luhang to. Ito na ang huli na makikita ko yan ha." Sabay punas sa mga luha ko.
Tumango naman ako.
"Sige na. Umalis kana! Nasa kwarto ang Nanay mo. Ito ang susi ng chevy ko. Ingatan mo. Baby pa yan." Natatawang sabi ni Tatay.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanficKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...
