Badboy's fall inlove
"I really hate that guy!" Halos lumabas na ang ugat ko sa pagbigkas sa bawat salitang binibitawan ko.
Wala siyang kasing sama. Paano niya nagagawang manakit ng babae? Siya na nga itong hinahangaan. Binibigyan ng regalo. At binibigyan ng atensyon. Siya pa itong may ganang magalit.
Ang kapal ng mukha niya. Oo sige sabihin na nating gwapo siya. Siya yong tipong dadaan palang tutulo na ang laway mo at malalaglag ang panty mo. Na para bang may dumaang sun sa sobrang hot niya. Nasa kanya na ang lahat. Talino. Kagwapohan. Yama! Except sa kabaitan.
Kahit kailangan hinding hindi ako magkakagusto sa isang FINN UNO ANGELO BUENAVISTA. Never. Never in my entire life.
Itaga mo sa bato. Tamaan man ako ng kidlat. Pumuti man ang uwak.
"Hoy girl, tsura mo." Alora.
"Paano ba naman kasi, yang hambog na Angelo na yan. Buhusan ba naman ng juice si Tricia sa mukha? Psh, napakawalang kwenta niya talagang tao. Kong ayaw niya kay Tricia sabihin niya hindi yong ganyan. Aba pinapahiya niya yong tao." Galit galit kong sabi.
Oo na. Hindi naman ako kagandahan. Hindi rin ako matalino siguro average lang. Hindi ko rin kaya si Angelo Pero ayoko lang ng may nababastos na babae.
"Galit na galit teh? Hayaan mo na. Hindi kapa ba sanay kay Uno? First year palang tayo galit na galit kana sa kanya." Alora.
Talagang galit na galit ako sa kanya. Unang pasukan palang nasampolan na ako ng kasamaan niya.
Nagtatanong lang ako sa kanya kong nasaan ba ang section F, aba sinabi ba naman saakin kong stategy ko daw yun para mapansin niya ako pwes lumang luma ng dahilan yun. Hayup na yon, sihe na nong una ko siyang nakita crush ko siya pero dahil sa sama ng ugali niya. No way! Magmamadre nalang ako.
"Alam mo girl? Okey lang naman na magyabang yan si Papa Uno. Nasa kanya nadin naman kasi ang lahat sa kanya. Gwapo na matalino pa." Kinikilig pang sabi ni Alora.
Napangiwi ako.
"Anong silbi ng kagwapohan mo kong pangit naman ang ugali mo." Napailing iling pa ako.
Sa ngayon hahayaan ko siya. Isang taon nalang naman ay graduate na ako at hindi ko na makikita yang pagmumukha niya.
.
.
.
.
"Tigilan mo na ako! Ayoko sa mga babaeng desperada. At sa mga babaeng walang laman ang utak!"
.
Aray ko bhe! Masakit yun ha! Walang laman ang utak? Tinamaan ata ako dun.
Itinapon niya ang regalong binibigay ni Jenny sa kanya.
Wala talagang puso.
Isa palang yun sa mga ginagawa niya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
Minsan pa kapag may nagbigay sa kanya ng mga pagkain, kong hindi niya tinatapon. Binubuhos niya don sa nagbigay.
Hindi ko na ata mabilang kong ilang babae na ang napaiyak niya. Basta sobrang dami na.
Bakla ata yun at ayaw sa mga babae.
Tsk. Tsk sayang kagwapohan. Lalaki din pala ang hanap!

BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...