HER POVPangalawang araw na. Ngunit hindi parin namin mahanap si Dylan. Bawat oras na dumadaan ay lalong gusto kong patayin ang mga hayop na dumukot sa kanya.
Siguraduhin lang nilang pinaghandaan nila ang paghaharap namin dahil kong hindi siguradong dadanak nang dugo.
Maling mali ang kinalaban nila, at lalong mali na si Dylan ang dinukot nila.
Hindi ko na hahayaang may mangyaring masama na naman kay Dylan nang dahil saakin.
Sa nangyayari ngayon, bumabalik saakin ang nakaraan, ang nakaraan na pilit ko nang tinatalikuran.
Mga bata palang kami ni Dylan, siya na ang umiintindi saakin. Palagi niya akong pinapatawa sa mga panahong malungkot ako dahil kay Nanay.
Natawa pa ako tuwing inaalala ko ang una naming pagkikita.
Nasa kompanya ni Nanay kami ni Tatay. Dahil nga namimiss na namin si Nanay. Palagi na kasi itong busy sa trabaho.
Hindi ko nagustuhan ang tinatakbo nang pag-uusap nila kaya lumabas ako at nagtago sa gilid.
Isang payat na lalaki ang lumapit saakin at binibigyan ako nang panyo. Tinaasan ko siya nang kilay. At tinanong siya kong bat niya ako binibigyan nang panyo. Tinawanan niya ako at sinabing, tumutulo ang sipon ko kakaiyak. At mas lalo pa siyang natawa nang hinawakan ko ang ilong ko para e-check kong totoo ba ang sinasabi niya. Pero walang akong nakapa! Hindi ko na siya pinansin hanggang sa umalis siya akala ko hindi na siya babalik, pagbalik niya may bitbit na siyang Ice cream. Hindi ko ito tinanggap, pero dahil sadyang makulit siya inilapit niya pa lalo sa mukha ko dahilan para malagyan nang ice cream ang ilong ko, mas lalo akong nainis sa kanya. Kaya gumanti ako, nilagyan ko din siya nang ice cream sa mukha, hanggang sa maubos ang ice cream sa mga mukha namin! Natapos ang araw na yun na nawala ang pagkainis ko kay Nanay dahil napalitan nang ngiti na hatid ni Dylan.
Araw araw na akong sumama kay Tatay sa kompanya para lang makipaglaro kay Dylan. Kong minsan ay lumalabas kami sa kompanya nang hindi nalalaman nina Nanay, katapat lang kasi sa kompanya ay parke. Maingat kaming nagpupunta doon dahil sa mga sasakyan na dumadaan.
Madalas niya akong pasakayin sa swing at siya naman ang nagduduyan saakin.
Ilang buwan pa ang nakalipas, bago nangyari ang insidente na nagpayanig sa mundo ko!
Isang araw nagpunta kami sa parke. Hapon na! Marami rami narin ang tao!
Dinuduyan niya ako nang may dumapo saakin na Black butterfly. Sinabi ko sa kanya yun ngunit ang sabi niya saakin ay itaboy ko daw dahil isang masamang pangitain yun! May mawawala daw saakin na mahal ko sa buhay! Hindi ako naniwala. Pero dahil naniniwala siya sa pamahiin. Itinaboy niya yun. Nagalit ako sa kanya hanggang sa mag-away kami! Tinalikuran ko siya at saka hinabol ang black butterfly.
Hindi ko namamalayan na nakalabas na pala ako nang parke.
Isang malakas na sigaw ng aking pangalan ang aking narinig.
Itinulak niya ako nang sa ganun ay hindi ako ang masagasaan. Siya!
Pagkatapos nang insidenting yun wala na akong balita sa kanya!
Ang alam ko lang ay ipinadala siya sa ibang bansa para doon magpagamot!At ipinadala din ako sa ibang bansa para magpagamot din dahil sa trauma! Hindi ako makatulog simula ng aksidenteng yun dahil tuwing pipikit ako ay si Dylan na Duguan at walang malay ang nakikita ko.
Nawala na saakin si Dylan. This time hindi ko hahayaan na mawala ulit siya saakin.
"Master, kumain ka muna!"
![](https://img.wattpad.com/cover/57023338-288-k148889.jpg)
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...