2nd half

3.1K 73 9
                                    



Her POV

Ganito pala ang feeling ng malaya no? Yong wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo. Hindi mo maiisip kong may masasaktan ka o wala kasi malayo kana mula sa sakit! Sa sakit na nagmumula sa mga hindi mo inaasahan na sila pala ang makakasakit sayo.

Malaya kang ngumiti at tumawa. Malaya kang ipahayag ang tunay mong nararamdaman. At higit sa lahat malaya kang magpakita ng emosyon!

Mahigit dalawang taon na! At sa totoo lang ngayon lang ako sumaya ng ganito. Parang ngayon ko lang nakamtan ang kalayaan ko.


"Emo kana naman.." Joshua.


Inirapan ko siya. May atraso pa siya saakin. Iwan ba naman ako sa bar at makipag one night stand sa amerikanang kita gilagid. Yuck!


"Hoy! Ahh hindi mo ako papansinin?" Tumabi siya saakin kaya tumayo ako.

Bahala ka diyan' kadiri kang pervert ka.


"Naku joshi, ginalit mo na naman ang prinsesa ko ha" biro ni kuya bugoy.

Inirapan ko lang ulit sila.

Nakarinig naman ako ng hagalpak mula sa kanila.


"Urgh' bwisit kayo! Sa susunod hindi na ako sasama sayo. Pervert ka! Napaka-pangit naman ng... Ng... Ahhh basta! Kita gilagid! Yuck"

Singhal ko kay Joshua.

Tumayo siya ng natatawa pa at lumapit saakin.


"Wag kanang magselos babe, kahit ilang babae pa ang----ARAY!"

Sinapak ko nga! Huh' malakas padin naman akong manuntok.


"Sige ituloy mo ang sasabihin mo at bubungiin kita.."

Bastos tong lalaking to. Makapag-ayos na nga at baka malate pa ako sa klase ko. Mukhang walang balak pumasok si Unggoy eh!



"Kheezy, wag mong kalimutan na darating si Tatay ngayon ha" ani ni kuya habang karga karga ang bunso nilang anak si Cameron.

Tumango ako.



"Alam ko kuya, nagkausap na kami' ako ang susundo sa kanya. Well kong sasama si Kumag." Inaasahan ko din naman na sasama si Kumag. Hindi narin naman ako nasanay na wala siya sa tabi ko. Kahit nga pinapauwi na yun ang Daddy niya ay hindi uuwi e' sabi niya uuwi lang siya kong uuwi din ako ng Pilipinas. Which is malabong mangyari.


"Sasama yun. Baliw yun sayo e" panunuya ni kuya.


Inirapan ko siya saka lumapit kay Cameron at hinalikan ito.

"Bye little buddy..." Kumaway kamay pa ako. Isang ngiti lang ang tinugon sakin ni Cameron.


Bumaba na ako at dumeretso sa kusina. Kumain lang ako ng cerials at lumabas din.


"Ready kana pala. Tara na?" Joshie!


"Akala ko dika papasok?" Taas kilay kong sabi.

Ngumisi siya saakin sabay akbay.


"Kelan pa ako umabsent Kheezy? At kelan mo ako hinayaan mag-absent? Kahit nga may hang over ako ay hinahatak mo ako palabas kahit wala akong ligo.."


"Halika na nga" sabay hatak sa kanya.


"Excited kana namang pumasok dahil makikita mo na naman si Thomas. Naku! Kahit pinoy yun may lahing kano padin yun, malaki ang anu----."



BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon