Katotohanan

3K 79 4
                                    



Ngayong araw pagbibigyan ko ang sarili kong makapiling si Dylan. Ngayong araw magpapaubaya ako sa kanya, ngayong araw magiging masaya ako para saaming dalawa. Ngayong araw ipaparamdam ko sa kanyang mahal na mahal ko siya. Ngayong araw magpapanggap akong okey lang ang ginagawa namin! Ngayon araw lang bibigyan ko ng laya ang sarili.

Pilitin ko mang itago sa sarili ko alam kong masaya ako na nakita ko siya. Masaya ako na nakasama ko siya. Pero dahil ako parin si Kria, kayang kaya kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.


"Argh! Dylan tama na" hindi siya nakinig tawa lang siya ng tawa habang binubuhusan niya ako ng tubig na napupunta sa mata ko.


Ah ganun ha! Linabanan ko siya sa ginagawa niya. Siya naman ngayon ang napupuwing ng tubig at nakakalunok ng tubig. HAHAHAHA ako naman ang tawa ng tawa! Hindi siya magkamayaw sa pagpunas ng tubig sa mata niya.



"Oo na panalo kana' ang daya mo mahina lang yun akin yong sayo buong alon" reklamo niya. Hindi parin ako tumigil dahil gusto ko yong part na kinukusot niya ang mata niya. Ang cute, para siyang bata!

Unti unti siyang lumapit saakin, hindi parin ako tumitigil sa paggawa ng alon papunta sa kanya.


"Huli ka!"

Literal na tumalon ang puso ko ng yumakap siya saakin. Fuck! Kria, hindi ka dapat ganyan makaramdam!

Hindi ako makakilos, nanatili lamang siyang nakayakap saakin. Ngayon mas nakakailang, titig na titig siya saakin.

Nang hindi ako nakatingin sa kanya inangat niya ang mukha ko at pinantayan niya ang tingin ko. Mas lalo lang lumakas ang pintig ng puso ko, hindi ko na alam kong anu ba talaga ang nararamdaman ko, yong tiyan ko parang punong puno ng hangin, at parang lumulutang lang ako sa ire. Nawawala din ako sa sarili kong pag-iisip!

Kasabay ng paglapit ng mukha niya ay ang pagpikit ng aking mga mata.

Damn! Maling mali to pero nagugustuhan ko ang halik niya.

Mababaw na halik lamang ang ginawad niya saakin.

Kasabay din nang pag-alis ng mukha niya ay ang pagdilat ng mga mata ko.

Pulang pula ang mukha niya maging ang tenga niya. Palagay ko ay ganun din ako! Mainit ang magkabilang pisnge ko!

Akala ko ay lalayo na siya saakin ngunit hindi pa pala. Yinakap niya ako ng sobrang higpit.


"Thank you Kamahalan." Bulong niya.


Alam niyo yong feeling na pinipigilan mo pero para itong fireworks na kusang sumabog sa puso ko.

Pero hindi ito maaari. Hindi ang ganitong sitwasyon ang pweding makasira sa lahat ng plinano ko para sa pangarap.


"Thank you Kria, masayang masaya ako. Sobra sobra."

Gusto ko ring sabihin na masaya ako ngayon dahil nakasama ko siya pero maraming pumipigil saakin. Si Nanay, Si Tatay, Si Joshua alam kong magagalit sila saakin kapag nagpaubaya na naman ako.

Gaya nga nang sinabi saakin ni Nanay, katulad na katulad ko siya. Malakas lang sa panlabas na anyo, ngunit ang isip at puso ko madaling sirain sa oras na hinayaan kong may makapasok sa puso ko.

Mangyayari yun kong papapasukin kong muli si Dylan, taon bago ako makarecover mula sa nangyari noon, ayokong mangyari ulit yun. Hindi ngayon!


Alas syete ng gabi ng magpasya kaming umahon na sa dagat.

Tahimik lang kaming naglalakad papasok sa bahay. Hawak hawak niya parin ang kamay ko na para bang wala na siyang balak bitawan pa! Panay nalang ang singhap ko sa hangin ng makahinga naman ako kahit papano! Malaki parin talaga ang epekto saakin ni Dylan. Noon tuwing magdidikit kami ay parang may boltahi na dumadaloy sa katawan ko. Hanggang ngayon ganun parin ang nararamdaman ko! Nakukuryente ako sa kanya! Kuryente na hindi naman nakakamatay! Yong kilig atang nararamdaman ko ang papatay sa akin.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon