Nakakainis! Nakakainis talaga ang lalaking yun. Walang isang salita! At ako naman si Tanga umasa sa mga salita niya.
Oo talagang tanga ka Kria. Dahil sinabi mong papalayain mo na ang sarili mo sa kanya. Pero ito ka hinihintay at nangangarap na sana totohanin niya ang mga sinabi niya.
Mag-iisang buwan na hindi parin siya nagpaparamdam. Yun ba ang sinasabi niya? Na gagawin niya ang lahat? Pwe! Isa na namang kasinungalingan. Tsk
"Ouch daw sabi ng Steak" biglang hirit ni Pamu.
Napatingin ako sa kanya.
Tumawa lang siya.
"Kasi naman gutay gutay na yang pagkain mo. Kong nagsasalita lang yan baka nga yun ang sinabi nong steak." Natatawa niyang sabi.
Oh right! Bakit nga ba ako nandito?
Oo nga pala. Kinaladkad ako ng dalawang ito para sa gown fitting.
"Bilisan mo na Krey. Kanina pa tayo hinihintay nina Pat."
Pinunasan ko ang labi ko.
"Kanina pa ako tapos. Ayoko ng steak. Masyadong matabang." Simple kong sabi.
Kumunot naman ang noo nila sa sinabi ko.
"Matabang? E masarap nga at malasang malasa. Malala na yang sense of taste mo Kria ha."
Inirapan ko lang siya dahil wala ako sa mood. Paggising ko kanina pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Ang sakit ng ulo ko. Pinilit ko lang pumasok dahil sa meeting.
"Tara na nga!" Singhal ko sa kanila.
"Uyy excited. May inaabangan." Sabay sundot sa tagiliran ko.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo na. Hindi mo pa kinukwento kong bakit bigla kayong nawala nong nag-bar tayo e. " pangungutya nila.
"Duh, halos isang buwan na ang nakalipas yan padin ang topic niyo. Tsk" sabay irap sa kanila. Nagtawanan lang sila. Ang sarap manapak ngayon. Sige inisin niyo pa ako! Masasakal ko na kayo.
Saakin sila nakisakay dahil hinatid lang naman sila ng mga fiance nila sa Kompanya para masiguradong sasama ako sa fitting.
"Ayy hindi pa sila pumapasok. Ayy oh Krey ang pogi ng jowa mo." Turo niya dun sa kinaroroonan nila.
Nag-uusap usap sila nang makita nila ang kotse ko ay napaayos sila ng tayo.
Bagong gupit siya. Fine! Gwapo na siya.
"Manahimik nga kayo! Walang kami."
Sambit ko.
Nauna silang bumaba saakin. Napahinga muna ako ng malalim bago bumaba. After almost a month makikita ko ulit siya.
"Ayan na. Tagal mong bumaba nagretouch kapa ba?"
Inirapan ko lang siya.
"Bilisan na nga natin! Marami pa akong gagawin!"
Naiinis kong sabi.
"Sungit mo ngayon ha! Tara na nga babe. May buntis dito nagsusungit." A.
Bigla akong nabilaukan sa sarili kong laway sa sinabi ni A.
"Joke lang. Hehe wala ngang jowa mabubuntis pa." Natatawa niyang sabi. Napapikit nalang ako. Gusto kong magmura ng paulit ulit.
.
.
.
"Wow. Babe ang ganda. Bagay sayo." Pat.
![](https://img.wattpad.com/cover/57023338-288-k148889.jpg)
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanficKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...