Dylan James POVPagkatapos nang gabing yun hindi ko na nakita si Kria.
Buong araw ko siyang hinintay pero walang Kria na dumating.
Sina Pamu naman ay parang walang alam sa napag-usapan namin dahil hindi naman nila ako pinapauwi o anu.
Ayokong sumuko. Desidido na ako.
Hanggang sa maglunes ay hindi ko siya nakita na pumuntang BB vill. Tinanong ko si Pamu kong bakit wala pa si Master ang sabi lang ay may importante siyang lakad.
Kaya kaming tatlo lang ngayon ang magkakasabay pumasok.
"Hindi daw papasok si Master ngayon." Saad ni Pamu.
"Bakit?!"
Agad na tanong ko.
"Ewan wala namang sinabi eh. Ikaw ha, namimiss mo na ba si Master? Kahapon kapa hindi mapakali ha. Yeeee" panunukso nila sakin.
"Hoy wala ahh. Nagtatanong lang."
"Defensive haha"
Nanahimik nalang ako baka mas lalo lang nila akong tuksuin.
Ang bagal nang takbo nang oras. Wala akong ganang mag-aral ngayon. Parang may kulang, may inis din akong nararamdaman .
Pakiramdam ko kasi kaya absent din si Enrich ay dahil magkasama sila.
Tsk. Bakit ba ako nakakaramdam nang ganito. Mali. Bawal. Masasaktan lang ako.
"Daniel tara na, lunch na"
Sa sobrang lalim nang iniisip ko ay hindi ko na namalayan na lunch na pala.
Sa Blackroom kami dumerecho.
Humiga ako sa couch. Nakakapagod kahit wala naman akong ginagawa.
Nakakapagod bang mag-isip?
"Lalim nang iniisip mo kanina pa. Bakit?" Tinabihan ako ni Pamu.
Umiling lang ako. Alangan naman na sabihin kong namimiss ko talaga si Kamahalan. Sht! Nasabi ko na.
"Asus, alam ko namang si Kamahalan iniisip mo. Crush mo siya no? Nakuu, wala kanang pag-asa. May mahal na yun." Hirit ni Pamu. Kaya mas lalo akong nakaramdam nang inis.
Anu naman kong may mahal na siya ?
"Pero infairness bagay kayo. Pero bumalabs. Mailap yan si Kamahalan. Nakakagulat nga na sinabi niyang boyfriend ka niya."
Kahit pa anong gawin ko. Bawal akong mainlove sa kanya.
Masasaktan lang ako. Kaya hanggat kaya kong pigilan ay gagawin ko.
Maghapon akong wala sa sarili. Ganito ba talaga epekto sakin ni kamahalan? Nawawala ako sa sarili ko kapag hindi ko siya nakikita. Parang dalawang linggo ko palang siyang nakakasama pero malaki na ang epekto niya sakin. Delikado.
Bzzzt bzzzt
Nagvibrate ang phone ko.
Akala ko si Papa.
Unknown number pala.
[bahay. ASAP]
Ito rin yong number na nagtext sakin nong nakaraan. Yong pinapapunta ako sa BR.
Baka si Kamahalan to.
Pero anong gagawin ko sa bahay nila?
Bahala na.
BINABASA MO ANG
BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)
FanfictionKinakatakutan... Iniiwasan... Kinaiinisan... Kinaiinggitan... Siya si KRIA CANDICE PADILLA. Isang Cold headed at walang pakiramdam. Isa siyang leader nang isang Gang. Black Butterfly kong tawagin. Pero walang nakakaalam. Dahil ang makaalam nang sek...