David's POV
Pag dating ko sa bahay,ang mga siraulo kong mga kaibigan ang sumalubong sa akin."Anong ginagawa niyo dito?".tanong ko
"Binibisita ka,namiss ka namin eh pakiss nga".sabi ng siraulong si Marlon at ngumuso pa
"Dugyot mo pare".sabi ko at dinampot ang unan na nasa upuan na uupuan ko.
"Eh ikaw,san ka galing at bakit ngayon ka lang umuwi?Bigla ka na lang nawala kagabi".parang nanay na tanong ni Kervy.Sa aming magbabarkada si Kervy ang tinuturing namin na nanay dahil madalas siyang mag-alala kapag nawawala ang isa sa amin ni Marlon.
"Edi siyempre,nambabae".sagot ni Marlon.Ngumiti lang ako at alam na nila ang ibig sabihin nun.
"Landi mo langya ka".sigaw ni Kervy
"Mana lang kami sayo no hahaha".natatawang sabi ko at munasok sa kwarto ko,nagpahinga muna ako saglit at
pumasok na sa banyo para maligo.Nagbihis na ako ng isang khaki short at v-neck shirt.Paglabas ko nakita kong nanonood silang dalawa ng basketball habang kumakain ng junkfood.
"Pagtapos niyo kumain diyan,linisin niyo yung pinagkainan niyo".paalala ko
"Sige".sabi nilang dalawa na hindi man lang tumitingin sa akin.Grabe pinagpalit ba naman ako sa basketball.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone at nakita kong may txt ako galing sa manager ko.Magkakaroon daw ako ng photo shoot at modeling this coming October.
Isa kasi akong Model.part time ko lang ang pagmo-model dahil may pinapatakbo akong negosyo ng mga pabango minsan ako din ang nagmomodel ng pabango na gawa ko.Walang masayadong nakakakilala sa akin dito sa pilipinas dahil isa akong model sa america at hindi ako tulad ng mga ibang pilipino na hindi na masyadong nakakapag salita ng tagalog dahil sa tagal nilang nakatira sa America.Doon ako nag-umpisang mag model.Dinala kasi ako ng manager ko sa ibang bansa para doon ako itrain.Last year lang ako nakabalik dahil nagtayo din ako ng isa pang branch ng pabango doon.Nag sabi ako sa manager ko na uuwi ako sa pilipinas dahil masyado akong nai-stress sa mga reporters na gustong halungkatin ang buhay ko.Pero nagtaka naman ako ng makatanggap ako ng txt galing kay Manager para sa fashion show,pero tinanggap ko na din.Hindi naman sa naghihirap na ako,trip ko lang na mag model kahit minsan lang.
"Pare luto ka,kain tayo lunch na din eh".utos ni Marlon,halos maubos na nga niya yung stock ng mga pagkain ko dito tapos magpapaluto pa siya.
"Kapal mo,dun ka kumain sa inyo".sabi ko,pero nag luto pa rin ako.Siyempre nakakaramdam din ng gutom ang mga Gwapo no hahaha.
Nagluto ako ng pinakbet,mahilig kasi ako sa gulay.Nang matapos akong magluto tinawag ko na sila para kumain.
Nagsimula na kaming kumain ng itanong sa akin ni Kervy ang dare niya sa akin."Oy David,yung dare ko sayo nagawa mo na ba?".tanong niya sa akin sabay subo ng kalabasa.
"Hindi pa,tsaka kagabi ko lang din nalaman kung saan siya nakatira.Mukhang mahihirapan nga ako dito kay Leah.Alam mo bang hindi man lang tinamaan ng karisma ko".sabi ko,kasi naman sa lahat ng mga babae siya lang ang hindi natamaan ng karisma ko.
"Hahaha,Leah pala pangalan niya".sabi ni Marlon
"Oo,Leah Ellazar".pagkompleto ko sa pangalan niya ng maalala ko.
"Mediyo Familiar yung pangalan niya".biglang sabi ni Kervy.
"Baka naging isa sa mga naikama mo".sagot ni Marlon na puno ng pagkain ang bunganga
"Gago hindi,basta Familiar yung name niya".sabi niya at pinagpatuloy na ang pagkain.
Nangmatapos kami kumain,eto lang naman po ang nangyari"Hoy Kervy ikaw na maghugas,ako na magliligpit ng lamesa".sabi ni Marlon
"Sige nga,pano mo maliligpit yung lamesa?".Kervy
"Ay oo nga no.Ako na mag huhugas bahala ka diyang tiklupin yung lamesa".sabi ni Marlon at agad na pinuntahan yung mga hugasan.
Haha minsan shunga din tong si Marlon eh,kaya ayun si Kervy ngiting tagumpay at nilinis na ang lamesa.
Nang matapos si Marlon mag hugas nagulat siya nang"Hala,hoy Kervy bakit hindi mo pa nililigpit tong lamesa?".sugaw ni Marlon
"Ano ba yan Marlon,minsan kasi gamitin ang utak,hindi kasi yan nililigpit,nililinis yan ang tanga mo".sabi ni Kervy.
"Gago ka,ako lang pala gusto mong paghugasin siraulo ka".at dun na po sila nag umpisang mag wrestling.
Ang babaliw talaga ng mga kaibigan ko
A/N
Kamusta naman po ang katangahan ni Marlon?hahahaAdvance happy new year kabewolf.
Iwasan po ang mag paputok sa loob lalo na kapag nasa kwarto hahaha#OMHM
#MyIdentity
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
General FictionNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1