Chapter 14:Familiar

127 3 1
                                    

David's POV
Nagkayayaan kaming magba-barkada na kumain sa Five Empress Restaurant malapit sa botique ni Leah.Oh gulat kayo no? Dahil alam ko kung saan ang botique ni Leah.Siyempre Gwapo ako kaya nalaman ko.

"Diba si Leah yun".sabi ni Marlon tsaka tinuro yung babaeng nakatalikod na mahaba ang buhok na may kausap na babaeng hanggang balikat ang buhok,morena,at may maala egyptian na mata.

"Wow pare ang galing mo naman,nakatalikod na lahat-lahat alam mo agad kung sino yun".sabi ko

"Malalaman ko ba yun kung hindi ko siya nakitang tumingin sa left side niya,kaya nakita ko yung side na mukha niya".poker face na sabi ni Marlon.

"Kung lapitan niyo kaya,para malaman niyo".poker face din na sabi ni Kervy,Poker face day ba ngayon kaya nakiki-in tong dalawa na to??.

"Leah".sigaw ko sa pangalan ni Leah kaya napalingon naman sa akin ang babaeng pinagtatalunan namin ni Marlon kanina.

"Sabi ko lapitan,hindi sigawan".poker face pa din na sabi ni Kervy.hindi ko na kang pinansin si Kervy na mukha atang may dalaw at pinuntahan ko na si Leah sa pwesto niya.Nang makalapit ako sa pwesto nila nang kausap niya,ito agad ang bungad niya.

"Ano namang ginagawa mo dito?".ang gandang bungad no!,wala man lang 'Hello' or 'Hi'.

"Bakit?bawal ba kaming pumunta dito?".tanong ko,kaya inikutan niya ako ng mata,at nag-usap na sila ulit ng kliyente niya ata to.

Nakita kong naningkit ang mata ng babaeng kausap ni Leah ng mapatingin siya sa akin.

Kilala niya kaya ako??

"MATA?"

Sabi niya.Ganun ba kaganda ang mata ko para yun agad ang mapansin niya sa akin??

"Oh,Hi Miss I'm David,David Rye Capundan".pagpapa-kilala ko sabay stretch ng kamay ko para makipag shake hand.Tinanggap naman niya yung kamay na inoffer ko at nag pakilala din.

"I'm Eya Green Eñumerables".straight na sabi ni Eya,yung walang mababakas na emosyon,hindi kagaya kanina habang kausap niya si Leah.

Bigla namang lumapit si Marlon,at isa lang ang ibig sabihin nun.

Para landiin si Eya

"Hi Eya,can I call you Mine?".oh diba ang galing ko,alam ko na kagad ang gagawin ni Marlon.

"I have my own name,excuse me marami pa akong gagawin.Bye Buddy see you around".hahahaha boom taob si Marlon.Suplada pala si Eya.

"Bye Buddy".paalam ni Leah at nagyakapan na sila.Pagkatapos nila magyakapan agad na umalis si Eya at pumasok sa kitchen ng Restaurant.

Bakit kaya siya pumasok doon?
Cook kaya siya dito? o siya may ari nito?

"Suplada naman nun,Hi Leah.Ako nga pala si Marlon,kaibigan ni David".bulong ni Marlon bago nagpakilala kay Leah.

"Hello,Ikaw naman si Kervy diba".pukaw ni Leah sa tahimik na si Kervy habang nakatingin sa dinaanan kanina ni Eya.Napunta naman ang atensyon niya kay Leah nang banggitin nito ang pangalan niya.

"Oo,pano mo nalaman?".tanong niya.

"Secret,sige alis na ako,marami din kasi akong gagawin".aalis na sana siya ng hawakan ko siya sa braso para pigilan kaya nag-salubong ang dalawa niyang kilay.

"*tsup* ingat ka babe".sabi ko pagkatapos ko siyang halikan sa labi,I mean smack kiss lang pala.

"Damoves mo pare".Marlon

"Pasimple".Kervy

"Punyeta ka.halik ka ng halik,Isubsob kita eh".masungit na sabi niya kaya napangisi ako.

"Saan?sa labi mo?".hahaha nakita ko namang namula siya sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo".sabi niya at umalis na.

Napapailing na umupo ako sa upuan na inuupuan kanina nila Leah at Eya.Dalawa lang ang upuan kaya humatak na lang ng isang upuan si Marlon.

May lumapit na wauter sa pwesto namin para linisin ang table namin sa tsaka kami binigyan ng Menu.

Umorder ako ng Tempura,Sashimi at isang ginsing soup.

"Ikaw Kervy,anong order mo?".tanong ko sa kanina pa tulalang si Kervy.

"Kagaya na lang din ng sayo".sabi niya.Nagtaka ako ng sabihin niya yun,alam ko kasi na hindi kumakain ng sashimi si Kervy dahil daw sa malangsa ito,kaya nung sinabi niya na kagaya na lang daw ng sa akin ang order niya,hindi ko na lang sinama yung sashimi.Sa pagkatulala niya siguro,hindi niya napansin ang inorder ko.

"May problema ba Kervy? Mukhang kanina ka pa tulala diyan ah".pukaw sa kanya ni Marlon.

"Mukha kasing pamilyar sa akin yung babaeng kausap ni Leah kanina".sabi niya at napa-buntong hininga.

"Baka isa sa mga naging babae mo".sabi ko kaya napangisi naman si Marlon at kinantyawan si Kervy.

"Siraulo hindi".sabi niya.
Edi hindi sabi niya eh.

Dumating na ang order namin kaya agad naming nilantakan ang mga inorder namin.Habang kumakain kami,si Marlon ayun habang kumakain,nilalandi ang mga dumadaang waitress sa pwesto namin.

"Punyeta ka Marlon,walang kakupas-kupas yang kalandian mo".natatawang sabi ko.pati ba naman kasi dito dinala na niya ang kalandian niya.

"Anong base kana David kay Leah?".biglang tanong ni Kervy na kanina ay tulala at ngayon naman ay nakangisi.

"Anong base?".nagtatakang tanong ko

"Wag mong sabihin na kinalimutan mo na ang Dare ko sayo?".sabi ni Kervy at doon ko lang napagtanto kung anong base ang tinatanong niya.

"Mukhang napapalapit na siya sa akin".sabi ko.Kailangan ko nang gumawa ng hakbang para mapasaakin siya at nang matapos ko na ang Dare.

"Okay,tuloy parin ang pustahan natin".nakangising sabi ni Kervy.Bigla naman kaming nakarinig ng pagbagsak ng isang babasagin na baso kaya napalingon kami sa pinanggalingan nun at nakita namin na kay Eya ang baso na iyon na nakatingin sa amin ng masama.

"Anna,pakiligpit nga yung baso na nabagsak ko,at baka kapag hindi ako nakapagpigil maisaksak ko to sa mga taong WALANG KWENTA".Galit na sabi ni Eya habang nakatingin samin.

"Mukha ba tayong walang kwenta?".parang tangang tanong ni Marlon sa amin.

"Sa gwapo kong to,magmumukha akong walang kwenta?".sabi ko habang hinihimas-himas yung baba ko.

"Mga siraulo.Tara na baka bigla na lang tayo matunaw dito".nakangising sabi ni Kervy at tumingin kay Eya na kulang na lang ay bumuga ng apoy sa sama ng tingin niya samin nila Kervy.

May galit ba siya samin??

A/N
Vote and Comment kaBEWOLF :).

#OMHM
#Familiar

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon