Chapter 34:Effort

111 1 0
                                    

David's POV
"Lagot ka David.Bineastmode mo".sabi ni Clair habang nakangisi pati nadin yung tatlong babae.tsk

Nakasimangot na umupo ako sa harap ng lamesa.Gutom na ako pero hindi ko maatim kumain dahil sa konsensya na bumabalot sa akin.Alam kong mali ang ginawa nila ng mga kaibigan niya,ayaw ko lang na may makaaway siya.buti na lang hindi nagalit at sinugod kami,nainis nga lang.

"I'm on a beastmode sh*t tayooo~~~".parang gangster na kanta nila Clair.Siyempre pasimuno si Eya na pumatong pa sa upuan at nagsa-sayaw.Yung dalawa naman nakisabay din habang tawa ng tawa sa kabaliwan ng apat na babae nato.

"Tumigil nga kayo".inis na sabi ko.Hindi pa naman ako marunong mang-amo.

"Siomai".out of the blue na sabi ni Ley kaya nagtataka na napalingon ako sa kanya.

"Siomai?".kunot noong tanong ko sa kanya kaya umikot ang dalawa niyang mata dahil sa tanong ko.

"When she hear SIOMAI,that is a magic word for her".sabi niya kaya nakuha ko na kung anong ibig sabihin niya.

"Where did I found that magic word?".tanong ko sa kanya.hindi ko naman kasi alam kung saan ko hahanapin yang magic food nayan tsk.tinaasan naman niya ako ng kila

"It's not my problem anymore! Go and find the magic food for your babe".sabi niya.

"Saan kayo pupunta?".tanong ni Clair,tumigil naman sa pagsayaw si Eya tsaka lumapit samin para malaman kung saan ang pubta namin.

"May bibilhin lang ako".sabi ko tsaka ko kinuha ang pitaka ko na nakatago sa bag pack ni Marlon.

"Sama kami,may bibilhin din kasi kami eh".sabi ni Clair.

"Teka sasama kayo ganyan itsura niyo? Magpalit kayo duon".parang tatay na sabi ni Kervy,nakita ko naman ang pag ikot ng mata ni Eya.

"Bakit ba? Sexy naman kami ah".sabi ni Clair at nag pose pa.

"Ang tunay na Sexy 36,24,36 hindi 33,25,36".asar ni Marlon kaya napatirik na lang sa ere ang mata ni Clair.Hinubad naman ng dalawang lalaki yung damit nila tsaka binigay sa dalawang babae.Ibinigay ni Marlon yung damit niya kay Eya kaya tinaasan siya ng mata neto.

"Isuot mo na yan Eya myloves,alam mo naman na ayaw kitang mabastos".sabi ni Marlon.Tinanggap naman to ni Eya kaya nakangisi na tumingin si Marlon kay Kervy na ngayon ay masama  ang tingin sa kanya.Ibinigay naman ni Kervy yung damit niya kay Clair at agad naman na tinanggap yun ng huli.

Umalis na kami para mag hanap ng magic siomai para kay Leah.Nagpaiwan naman si Ley at Sherwin duon sa cottage tinatamad daw kasi silang mag lakad.Wala pa akong nakikita na nagbebenta ng siomai dahil sa dalawang babae na kasama namin.Wala kasi silang ginawa kung hindi ang huminto sa nga stall ng pagkain na nadadaanan namin.Hihinto sila para tikman yung mga pagkain,merong halos purihin nila dahil daw sa sobrang sarap eh kwek-kwek lang naman yun meron naman na kung laitin nila yung pagkain wagas kasi daw panget ang lasa napapasimangot tuloy yung nagti-tinda.Kaya yung dalawa nakukunsume na lalo pat maraming lalake na tumitingin dito,buti na lang hindi namin kasama si Leah kung hindi baka nakasapak na ako ng mga lalaki na malagkit kung tumingin.

"Hoy lalake!! Ang sakit na ng paa namin! Ano ba kasing hinahanap mo?".tanong ni Eya kaya napahinto naman ako sa kakalingon.

"Paano naman sumakit yang mga paa niyo? Eh hinto nga tayo ng hinto kasi kain kayo ng kain! Tsaka importante tong hinahanap ko".sabi ko at pinagpatuloy na ang paghahanap sa pagkain nayun

"Eh kung sabihin mo kaya yung hinahanap mo na inportante 'kuno' para matulungan ka namin".nakasimangot na sabi ni Eya

"Sio-siomai,nag hahanap ako ng siomai para kay Leah".nahihiyang sabi ko,wala naman akong pake kung pagtawanan pa nila ako,basta ang mahalaga mahanap ko yung pagkain nayun.

"Hahahahahaha ayun lang ba hinahanap mo?".napasimangot naman ako ng pagtawanan ako nung dalawang babae habang yung dalawa namang lalaki napapailing na lang.Akala ko ba tutulangan ako ng dalawang babae nato? Eh tatawanan lang pala ako tsk.

"Nyeta ka David,kanina pa natin nalagpasan yung siomai-yan".pailing-iling na sabi ni Clair.

"Bakit hindi niyo sinabi kagad? Napagod pa tuloy tayo".sabi ko.mediyo nanakit nadin ang paa ko kakahanap sa pagkain nayun tapos hindi ko alam na nalagpasan na pala namin yun.

"Are you crazy man? Hindi mo nga sinabi sa amin kung ano yang hinahanap mo eh! Tara balik tayo".sabi ni Eya at nauna ng maglakad.Hay tanga ko din eh,hindi ko pala sinabi sa kanila kung ano yung hinahanap ko.

Halos gusto kong lumuhod ng makita ko ang stall ng Siomai.Nang umalis kami sa stall ng siomai-yan nagssara na ito dahil kulang na lang pati tindahan niya bilhin ko.

"Grabe!! Gagawin niya talaga lahat mapatawad lang ni buddi".sabi ni Eya tsaka ako tinusok-tusok sa tagiliran.Napatigil ako ng mapagtanto ko ang lahat ng ginawa ko.
Oo halos libutin ko ang mini plaza na ito mahanap lang ang siomai na bitbit ko ngayon.Ibig bang sabihin nito ginagawa ko ito para sa sarili kong nararamdaman o ginagawa ko parin ito para sa dare?. Hindi ko alam sa dalawa kung ano ang dahilan ko basta para sa akin ginagawa ko ito kasi ito ang gusto ko.

Nang makarating kami.Gusto na nila akong papuntahin sa kwarto namin ni Eya para daw makapag usap kami,chineer pa ako ng mga babae.

Namamawis naman ako ng kinausap ko siya buti na lang pinatawad niya ako.Eto na nga halos nakanga-nga na ako habang pinapanood ko si Leah kumain ng Siomai.

Yung totoo? Ilang years to hindi kumain?

"Yung totoo Leah? Ilang years ka hindi kumain?".tanong ni Ley tsaka kumuha ng siomai.Madami naman yun kaya okay lang.Habang ako konti labg ang kinakain,baka kasi kulang pa sa kanya yun eh.Glutton pala to si Leah hahahaha.kidding

"Pake mo? Gutom ako eh".sabi niya habang ang bibig niya punong-puno ng pagkain. Hayy nako parang wala namang table manners tong babae nato kubg kumain.Pero habang nakatingin ako sa babae na parang walang pakelam sa mundo basta kumakain siya,Natutuwa ako

Itutuloy ko pa ba ang laro na inumpisahan namin o ititigil ko na lang ito at uumpisahan kong gawin ito para sa nararamdaman ko??

A/N
Ano sa tingin niyi guys ang sagot sa mga tanong ni David?

Vomments please *u*

#OMHM
#Effort

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon