Chapter 59:Welcome to the Capundan Family

118 4 0
                                    

Leah's POV
"Babe sure ka bang magugustuhan ako ng parents mo?".kinakabahan na tanong ko kay David.

"Oo naman Babe!".sabi niya at hinawakan ang kamay ko na nanlalamig.

"Hahahahaha bakit nanlalamig ang kamay mo Babe?".tatawa-tawang tanong niya. Bwiset na to! Tinawanan pa ako.

"Nyeta ka! Imbes na pagaanin mo ang loob ko dahil sa kaba na nararamdaman ko,pinagtawanan mo lang ako!".nakasimangot na sabi ko.Mas lalo pa akong napasimangot ng tawanan nanaman niya ako.Nang tumigil siya sa kakatawa pinisil niya ang kamay ko tsaka hinalikan.

"Huwag kang mag-alala Babe! Magugustuhan ka nila.Wala naman silang magagawa kahit na hindi ka nila magugustuhan kasi ikaw ang mahal ko,at ipaglalaban kita".sweet na sabi niya kaya mediyo gumaan ang loob ko.

Hour's passed nakarating na kami sa bahay nila dito sa Laguna.Malaki ito at may dalawang palapag.
Ang kaba ko na nawala na kanina ay bumalik nanaman ng maitapak ko ang paa ko sa harap ng bahay nila.

Punyeta! Now I know kung ano ang kaba na naramdaman ni David nung ipapakilala ko siya sa parents ko.

"Calm down Babe. Hindi ka naman nila kakainin ng buhay. Let's go?".nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Pagpasok namin napa-wow ako sa ganda ng loob.Maramibg furnitures,may malaking sala katapat ang 50inch flatscreen t.v nila,may hagdan naman sa hindi kalayuan sa sala at habang paakyat ka sa second floor makikita mo duon ang mga nakasabit na picture ng family niya.

"Mom! Dad! Your son is here".sigaw ni David.May isang babae naman na lumabas galing sa kusina,mukhang nasa mid 50's ito na kamukha ni David.Nakangiti na lumapit ito sa amin at niyakap si David.

"Buti naman bumisita ka dito anak! Ilang buwan ka ring hindi bumibisita dito!".nakangiti na sabi nito na halata mong masaya ng makita ang anak niya.

"Sorry Ma. Naging busy po kasi ako".sabi ni David.Nawala naman ang ngiti sa labi nito nang bumaling siya sa aki at tinaasan ako ng kilay.

"By the way Ma! Si Leah my girlfriend 'soon to be my wife'".sabi ni David.

"Magandang tanghali po.I'm Leah Ellazar".nakangiting sabi ko at hindi ipinahalata ang kaba ko.

"Ilang months na kayo ng anak ko?".nakataas padin ang kilay na tanong nito.

"Mag e-8 months na po".magalang na sabi ko.Huhuhu mukhang ang taray ng Mama niya.Hindi ko keri.

"Ma! Huwag mo ngang takutin yubg Girlfriend ko".ungot ni David.

"Anong tinatakot ka diyan? Ini-interview ko lang eh. Halina kayo sa kusina at kumain na tayo".aya ng Mama niya kaya sumunod na kami sa kanya papunta sa Dinning Area.Naabutan namin duon ang isang lalaki na mukhang kasing edad lang din ng Mama ni David.For sure ito ang Papa ni David.

"Hi Pa!. Girlfriend ko nga pala si Leah. 'Soon to be my wife'".pakilala ulit ni David sa akin kaya nagpakilala ako ulit,sakto naman na dumating ang dalawa niyang kapatid na lalaki.

"Good afternoon po! I'm Leah Ellazar".nakangiting pakilala ko.Ngumiti naman ang papa niya.

"This is my Brother's Leah. Si kuya Dennise at ang bunso namin na si Deniel".pakilala niya.Halatang hindi nila gusto ang letter 'D' ah. Nginitian ko lang din sila.

"Maupo na kayo at mag-umpisa na tayong kumain".sabi ng Papa niya.Pinaghila naman ako ni David ng upuan kaya nag thank you ako.

Nilagyan ako ni David ng kanin at maraming ulam. Ano ako bibitayin?

"Sabi na nga ba eh! Diba ikaw si Leah na Designer?".tanong ng bunsong kapatid ni David na si Deniel.

"Yeah".tipid na sagot ko tsaka ngumiti.

"Napanood ko kasi kayo ni Kuya sa isang fashion runaway sa t.v tapos pinakilala ang lahat ng mga designer at nakita kita".masayang sabi niya.Natutuwa ako sa kanya dahil para siyang babae sa kadaldalan niya.

"Napanood mo pala yun".nakangiting sabi ko.Iyon yung unang beses na inimbitahan ako na imodel ang mga gawa kong design ng damit.

"Yeah at masasabi kong maganda ang mga design mo".sabi niya.awww! Nagandahan siya sa mga gawa ko.

"Thanks".nakangiting pasalamat ko. Mukhang magaan kaagad ang loob sa akin ni Deniel ah! 1 point.

Kumain na kami ulit ng tahimik.Feeling ko hindi pa ako welcome sa ibang miyembro ng family ni David. Huhuhu kawawa naman tayo Baby :'(.

"Nasabi mo nga ija na Designer ka,ibig sabihin may sarili kanang shop?".sabi ng papa ni David.

"Opo".sagot ko

"Pagmamay-ari ba ito ng mga magulang mo o itinayo mo ito ng sarili mo? I'm sure gumagawa kana ng pangalan mo sa industriya".seryosong sabi niya.Grabe parang naga-apply lang ako sa trabaho.

"Hindi pa naman po ako masyadong sikat,kilala lang,and dugo't pawis ko po ang pinuhunan ko para maitayo ang botique ko. Hindi ko po iyon matatawag na akin kung galing po iyon sa mga magulang ko".mahabang paliwanag ko.Napangisi naman ang tatay ni David.

"Maganda naman pala ang background mo ija!. Eh paano naman kung hindi kita gusto para sa anak ko? May magagawa kaba?".nakangising sabi niya.

Sinungaling talaga itong David na ito! Sabi niya magugustuhan ako ng magulang niya,eh ano pala ang tawag niya sa tanong ng papa niya!?. Lumunok muna ako bago ako sumagot.

"Pumunta po kami dito ni David para ipakilala sa inyo na ako po ang girlfriend niya.I know there's a posibility na hindi niyo po ako magustuhan kaya hinanda ko po ang sarili ko,and my instinct is right na hindi niyo po ako magugustuhan.Ang point ko po is nagpunta po kami dito para ipakilala ako sa inyo bilang kasintahan niya. Wala po akong pake kung hindi niyo po ako magustuhan,pero mas masaya po siguro kung tanggap niyo po ako. Kasi ang papakasalan ko naman po ay iyong anak niyo hindi po kayo".mahabang paliwanag ko.

Hooooo! Punyeta! Saan ko naman nakuha ang lakas ng loob ko para sabihin ang lahat ng iyon? Punyeta baka hindi ako lalo magustuhan ng parents niya dahil sa mga pinagsasabi ko.
Nakita ko naman na mas laling lumaki ang ngisi ng Papa ni David hanggang sa maging ngiti ito.

"Hindi ko akalain na ganon ang magiging sagot mo ija!. Sinusubukan lang naman kita ija kung anong gagawin kung hindi kita magustuhan para sa anak ko.I think matapang kang babae at kaya mong mapasunod si David,at dahil sa sagot mo! Tanggap kana namin".WHAT? sinusubukan niya lang ako?. But I'm happy dahil tanggap na ako ng parent's ni David. Grabe para talaga akong nasa interview.

"Haaaaay! Kinabahan po ako duon ah!. Akala ko po hindi niyo po ako gusto sa anak ninyo".nakangiting sabi ko.

"Basta ba bibigyan niyo ako agad ng apo".nakangiting sabi niya.Nagkatinginan naman kami ni David,at sa tingin na iyon nagka-intindihan na kami.

"Actually Dad! She's 3 months pregnant".anounce ni David.Napangiti naman ang Papa ni David at binati naman kami ng mga kapatid niya.Nagulat naman ako ng tumili ang Mama niya.

"Oh my god! Magiging lola na ako!".masayang sabi ng mama niya.

"Thank you po Sir and Maam dahil tinanggap niyo po ako".masayang sabi ko.

"Call me Papa Danny ija".nakangiting sabi ni Papa Danny.

"And call me Mommy Rowena ija".nakangiting sabi din ni Mommy Rowena

"Welcome to the Family Manugang"


A/N
Wooooooaaaah!

Magiging happy ending naba ang lovestory nila?

Stay tunes *muwah*

Vomments please *u*

#OMHM
#WelcometotheCapundanFamily

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon