Chapter 57:Paglilihi

122 5 0
                                    

David's POV
"Daviiiiiiiiiiid!".bigla akong nataranta ng marinig ko ang sigaw ni Leah kaya dali-dali akong pumunta sa sala.

"Bakit Babe?".kinakabahan na tanong ko.baka kasi mabato nanaman ako ng takong nito eh.Ayaw ko na mabukulan.

"Gusto ko ng Siomai na walang wrapper".sabi niya.Teka meron ba nun?

"Babe wala namang ganun eh".wala naman ganun na siomai eh.

"Meron".giit niya.Ganito ba talaga kapag nagbubuntis ang mga babae? Mga pagkain na posible ang hinahanap.

"Babe walangang ganun na siomai. Masisira ang siomai kapag walang wrapper".giit ko din.Mahirap kasi maghanap ng ganun at ang masaklap pa walang nagtitinda ng siomai na walang wrapper.

"Ang sabihin mo gusto mo kaming gutumin ni Baby!! Huwag kang tatabi sa akin mamaya!".galit na sabi niya tsaka pumasok sa kwarto namin.At dahil ayaw kong matulog sa kabilang kwarto,kinatok ko siya.

"Babe! Wala naman kasing ganun na siomai eh".sabi ko pero hindi niya ako pinagbuksan. Fuck! Outside the kulambo ako!

Tatlong buwan na ang tiyan ni Leah kaya naguumpisa na din siyang maglihi.Pinalipat ko na din siya dito sa condo ko,nung una ayaw niya pa lumipat pero hindi ako pumayag na hindi siya lumipat dito sa condo unit ko lalo pa't buntis siya,ayaw kong may mangyari sa kanyang masama pati na din sa baby namin.

Napabuntong hininga na lang ako ng ilang minuto na akong kumakatok sa pinto ng kwarto pero hindi niya ako pinagbuksan.Mukhang matutulog ako sa kabilang kwarto.Naglinis na lang ako ng
buong unit ko.Alam na din nila Kervy at Marlon na buntis si Leah,they congratulate me dahil nakabuo daw kami kaagad,tinukso pa ako ni Marlon na 'ang galing mong shooter pare' kaya binatukan ko siya.

Sobrang saya ko dahil pinatawad na ako ni Leah,ayaw niya daw kasi na habang lumalaki ang tiyan niya nagiisip pa siya ng mga bagay na pagpapahirap sa akin,makaka stress lang daw yun sa kanila ni Baby.Buti na lang talaga dumating si Baby sa amin,mukhang magiging kakampi ko din siya dahil hindi pa siya nakakalabas napagtanggol na kaagad niya ako sa mommy niya.
Alam na din ng parents ni Leah na buntis siya kaya muntik pa akong mabugbog ng Papa at mga kuya niya dahil daw binuntis ko kaagad ang bunso nila ng hindi pa nagpapakasal samantalang sila naman ang nanghihingi kaagad ng apo.Haaaaay! Hirap talaga kapag matatanda na.Tinakot pa nila ako na kapag daw niloko ko ang anak nila hindi daw nila ipapakita sa akin si Leah at ang anak ko sakin.Sapol ako dun dahil naloko ko na si Leah,kaya nakangisi akong tinignan ni Leah habang ako napapalunok sa kaba.Baka kasi sabihin niya ang kasalanan ko sa kanya edi hindi ko na sila nakita at iyon ang ayaw kong mangyari.
Ang problema ko na lang,kung kailan ko ipapakilala si Leah bilang girlfriend ko na 'soon to be wife ko' at buntis na ito.Sure ako na magtatampo nito si Mama.Kaya bago pa lumaki ang tiyan ni Leah tinawagan ko na si Mama na pupunta ako sa bahay sa sabado at may ipapakilala ako.

Natapos na ako sa paglilinis,at dahil mediyo may kalakihan ang unit ko pawis na pawis ako.Nagpahinga lang ako saglit at dumiretso sa kabilang kwarto.May banyo naman duon kaya duon na lang ako maliligo dahil wala naman ako ibang choice.Buti na lang pakalat-kalat lang sa kung saan-saang cabinet ang mga damit ko kaya may masusuot ako.Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako sa kwarto na pansamantalang tutulugan ko.Paglabas ko nakita ko si Leah na nanonood ng spongebob,isa iyon sa pinaglilihian niya.Minsan nga natatakot na ako sa kakapanood niya niyan,baka kasi paglabas ng baby namin maging kamukha na niya si Spongebob.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa gilid niya.Kailangan kong lambingin si Leah dahil ayaw kong magalit siya sa akin.

"Babe! Galit ka?".malambing na tanong ko sa kanya tsaka sumiksik sa leeg niya.

"Hindi. Ako nga dapat ang magtanong niyan sayo kasi palagi kitang pinapahirapan *hik* kasi kung ano-anong pinapahanap ko sayong pagkain *sob* siguro napapagod kana sa akin".sabi niya habang umiiyak na parang bata.Kinusot-kusot niya pa ang mata niya na akala mo inaway ng isang kalaro.

"Husssshh! Huwag kanang umiyak!. Gusto mo paglabas ni Baby maga na ang mata niya kasi umiiyak ka?".sabi ko sa kanya kaya tinignan niya ako ng masama.

"Hindi ako galit dahil sa pagiging moody mo,at lalo nang hindi ako mapapagod na ibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo kahit na minsan napaka-imposible ng mga pinapahanap mo sa akin.Diba nga sabi ko sayo gagawin ko ang lahat para sayo kasi mahal na mahal kita pati nadin si Baby".sweet na sabi ko.Ngumiti naman siya tsaka ako binigyan ng smack kiss sa labi.

"I love too Babe".nakangiting sabi niya.So bati na kami,madali lang naman kaming nagkakabati.Inakbayan ko siya tsaka namin pinanood ang spongebob.Hanggang sa matapos ang spongebob naka-akbay lang ako sa kanya,minsan naman yayakapin ko siya at hahalikan sa pisngi.

"Babe gusto ko magmall".aya niya.Pumayag na lang ako dahil kapag tumanggi ako magagalit nanaman siya.

Nagbihis lang kami saglit tsaka kami pumunta sa mall.Una naming pinuntahan ay yung Baby section,actually ako ang may gusto na pumunta dito.Gusto ko kasing bumili ng gamit para kay Baby at ngayon nga malapit nang mapuno ang cart na dala namin.

"Babe! Ano kaba? Hindi pa nga natin alam kung ano gender ni Baby tapos bili ka diyan ng bili".nakasimangot na sabi niya.Niyakap ko siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa pisngi.

"Uni-sex naman yung pinamili ko eh".dahilan ko.

"Kahit na! Tsaka hindi pa dapat tayo bumibili ng mga ganyan ka- dami na mga gamit,hindi naman niya sabay-sabay gagamitin iyang mga iyan,dapat paunti-unti lang".sabi niya.Mukhang magiging strict mommy itong si babe ko ah!

"Last na iyan Babe! Halika na bayaran na natin".sabi ko at hinatak na ang cart papunta sa cashier.

Pagkatapos namin bayaran yung mga pinamili ko nag-aya si Leah na kumain dahil nagutom daw sila ni Baby sa pamimili ko.Sa Tokyo Tokyo namin naisipan na kumain dahil bigla daw siya nag crave sa Tempura.Pagdating ng mga pagkain agad na nilantakan ni Leah ang Tempura.Napapa-ngiti naman ako kapag napapatingin ako kay Leah na walang pakialam sa mundo kumain kahit na nagkakalat ang mga sauce sa labi niya kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya.

"Ang kalat mo Babe kumain".natatawang sabi ko.Nginitian niya lang ako at nagpasalamat.
Kasalukuyan kaming kumakain ng marinig ko na may tumawag sa akin,at nanlaki ang mata ko ng makita ko sila

Georginia at

















Xyra Khaye





A/N
Magkakaroon kaya ng third wheel ang relasyon ng team #DALE

stay tunes :*

Vomments please *u*

#OMHM
#Paglilihi

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon