Chapter 63:Christian Dale Capundan

100 2 1
                                    

David's POV

"Daviiiiiiiiiiiiiiid!!!".impit na sigaw ni Leah kaya mas lalo ko pang pinabilis ang pagmamaneho. Wala na akong pake kung mahuli man aki ng pulis dahil sa bilis ng takbo ng kotse ko.

Manganganak na kasi si Leah kaya eto ako hindi mapakali dahil sa kaba na baka may mangyari sa kanila ni baby,buti na lang kasama namin si Clair na ngayon ay inaalalayan si Leah.

Halos mag pasalamat ako sa lahat ng santo ng makarating kami sa hospital.Agad na inilagay ng mga nurse sa stretcher si Leah,kami naman ni Clair sumunod agad.

"Huhuhu David ang sakiiiiiit!".umiiyak na sabi niya.Hinawakan ko naman ang kamay niya ng mahigpit.Nang malapit na kami sa ER ipinaiwan na ako ng mga nurse dahil bawal pumasok sa loob pero si Leah hindi binitawan ang kamay ko.

"Sumama ka Daviiiiiiid!".umiiyak na sabi ni Leah habang mahigpit na hawak ang kamay ko.

"Babe hindi na ako pwede sumama sayo sa loob".sabi ko mas lalo namang humigpit ang kapit niya sa kamay ko na para bang ayaw ako paalisin.

"KAPAG HINDI KA SUMAMA,HINDI KO ILALABAS ITONG ANAK MO".galit na sigaw niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa loob.Binigyan naman ako kaagad ng mga nurse ng Lab dress at mask.Pagkatapos ko isuot ang mga iyon agad akong lumapit kay Leah na ngayon ay hirap na hirap sa sakit na nararamdaman niya ngayon.hinawakan ang kamay ng mahigpit ang kamay niya.

Naaawa ako sa kanya dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon.Ngayon alam ko na ang mga paghihirap ng mga babae.Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman ngayon ni Leah kinuha ko na pero hindi eh. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay ang hawakan ang kamay niya,tingin ko parang wala akong kwenta dahil wala man lang akong maitulong sa kanya ngayon habang nararansan niya ang sakit.

"Shhh Babe! Saglit lang ang sakit na iyan,paglabas ni Baby mawawala na iyan".pag-alo ko sa kanya pero isang malakas na sabunot lang ang natanggap ko sa kanya. Damn! Ang sakit!

"HAYOP KA! ANONG SAGLIT? WALANG HIYA KA,HINDI NA KITA PAGBIBIGYAN SA SUSUNOD Aaaahhhh".galit na sigaw niya tsaka ako sinabunutan.

"Push lang po Maam".sabi ng doctor.Wala namang tigil sa pagsigaw at sabunot ko si Leah.Tingin ko matatanggal na lahat ng buhok ko sa anit dahil sa lakas ng sabunot niya.

"Isang malakas na iri pa Maam,nakikita ko na iyong ulo ng baby niyo".sabi ng doktor,lumipat naman ang kamay ni Leah sa kamay ko at duon kumuha ng lakas sa pag iri.

"Ahhhmmp Aaaaaahh".sigaw niya at duon naman ako nanigas ng marinig ko ang munting iyak ng aming anghel.

"Congratulations Sir and Maam. It's ang healthy baby boy".bati sa amin ng doctor.Agad na inilagay ng doctor sa lababo ang baby namin para linisan.Nakatulala lang ako,napabalik lang ako sa wisyo ng kurutin ako ni Leah na ngayon ay nanghihina.

"Kunin mo yung pranela ni Baby. Tanga mo babe".nanghihina na sabi niya kaya agad-agad akong lumabas sa ER para kunin kay Clair ang gamit ni Baby.Paglabas ko nakita ko duon ang pamilya ko at pamilya ni Leah.

"Kamusta ang anak ko David?".agad na tanong sa akin ni Mama bibeth.

"Okay naman na po siya Mama,balik po muna ako sa loob ibibigay ko lang po itong damit ni baby".paalam ko tsaka nagma-madaling pumasok ulit sa ER.Agad na ibinigay ko sa doctor ang pranela at nang maibalot iyon kay baby nagulat ako ng inaabot sa akin ng doctor ang baby namin.Hindi ko pa sana kukunin ng marinig ko ang boses ni Leah na pinapakuha sa akin si Baby.Kahit na natatakot akong kunin ang anghel namin dahil baka mapitpit ko siya.Nang nasa bisig ko na siya napangiti ako ng makita ko ang cute na cute naming anghel.Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa mata dahil sa saya na nararamdaman ki ngayon.

Lunapit ako kay Leah na ngayon ay nanghihina pa dahil sa panganganak at inilapit sa kanya ang baby namin.

"Ang cute cute naman ng baby natin".masayang sabi ni Leah at may butil din ng luha na tumulo sa mata niya.

"Thank you babe".masayang sabi ko at hinalikan siya sa labi.Ibinigay ko naman sa nurse ang baby boy namin para dalhin sa Baby station.Pinalabas na din ako ng doctor dahil lilinisan na nila si Leah para mailipat na sa kwarto si Leah.

Paglabas ko ng ER nagsitayuan sila agad na akala mo nasasa-akin ang lahat ng sagot sa mga katanungan nila na isip.

"Okay naba ang anak ko? Eh ang apo ko kamukha ko ba?".agad na tanong sa akin ni Papa Ernesto.

"Okay na po si Leah.Ililipat na din po siya sa kwarto. Si baby po nasa baby station na. Kayo na lang po ang maghusga kung kamukha niyo po,pero tingin ko kamukha ko eh,parehas kaming gwapo".nakangising sabi ko.Natawa na lang sila sa sinabi ko si papa ko naman nakangisi lang din.Nawala na ang kanina'y pag-aalala na nakita ko sa mukha nila kanina at napalitan ito ng saya.Nandito nadin ang mga barkada na sila Marlon,Kervy,Ley,Clair, at Eya.

"Congratulations Daddy David".masayang bati nila.Masaya naman na nagpasalamat ako sa kanila.Nagpa-alam naman ang pamilya ni Leah at pamilya ko na pupuntahan lang si Baby.

Nakangisi naman na tinignan ko ang barkada.

"Sino na kaya sa inyo ang susunod sa amin ni Leah?".nakangising sabi ko.Agad naman na nagsi-alisan sa harapan ko.

Hahaha I know na hindi pa sila handa pero tingin ko may susunod na sa amin.

Tinignan ko naman ang papalayong bulto ni Kervy at Eya.

Mahimbing na natutulog ngayon si Leah at halata mo ang pagod nito sa maganda niyang mukha.Hindi ko mapigilan ang mapangiti,hindi ko akalain na ang isang dare na pinagawa sa akin ni Kervy at mauuwi sa isang masayang relasyon namin ni Leah.Napakasaya ko dahil umabot kami sa ganito ni Leah na magkakaroon kami ng anak.

Agad na lumapit ako sa kanya ng makita ko siyang gumalaw.

"Babe!".tawag ko sa kanya.Napangiti siya nang makita ako.agad na hinalika  ko siya sa labi at nakangiting tinignan siya.

"Asan si baby?".agad na tanong niya.Nagpupumilit naman siya na tumayo na maka-ulo kaya tinulungan ko siya.Sakto naman na pumasok ang isang nurse dala-dala ang baby namin.

"Hello po. Eto na po ang cute na cute niyong baby".nakangiting sabi ng nurse tsaka inabot kay Leah si baby.

"Ano pong ipapangalan niyo kay Baby boy?".tanong nito.Nakapag usap na kami ni Leah tungkol sa magiging pangalan ng baby namin kung babae man ito o lalaki.

"Dale. Christian Dale Capundan".sabay na sabi namin ni Leah.

"Welcome to the world Baby Dale".masayang sabi nami  ni Leah

Nakangiting tinignan ko si Leah,ganun din ang ginawa niya tsaka ko siya hinalikan sa labi.

"I love you Babe"

"I love you too Babe"





A/N
Welcome baby Dale.

#OMHM
#ChristianDaleCapundan

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon