David's POV
Pinagmamasdan ko lang sila Leah na nasa dagat,may naghahabulan tapos lalagyan ng basang buhangin,may nagbabasaan sa tubig at may parang may nagse-senti lang.Habang kaming tatlo nandito lang sa may cottage,si Marlon ayun parang patay gutom na kumakain habang si Kervy naninigarilyo lang sa tabi"Pare ang ganda ng katawan ni Clair no,ang laki ng balakang".ang manyak talaga to si Marlon.
"Tangna mo ang manyak mo talaga".sabi ko habang nakatingin parin kila Leah.
"Pero wala talaga tatalo kay Eya my loves.Dibdib palang talo na ang mga kalaban".kanina si Clair ang pinapantasya,ngayon naman si Eya.
"Gago ka wag mo manyakin si Eya,malalagot ka sakin".napalingon naman kami ni Marlon dahil sa sinabi ni Kervy.
"Woooaaahh pare,kelan kapa naging protective sa kaaway mo?".nakangising tanong ko.Knowing them na parang aso't pusa kapag nagkikita o nagkakasama.
"Pake mo pare,basta wag mong manyakin si Eya".banta nito kaya napataas na lang ni Marlon ang kamay niya na parang sumusuko.
Nakita kong palapit na sila Leah sa amin mukhang nagsawa na sa kakababad sa tubig.
"Oh magpunas ka muna".sabi ko tsaka ko inabot yung towel sa kanya.
"Thanks".nakangiting sabi niya tsaka kinuha yung towel sa akin at nagpunas.
"Hindi ba kayo maliligo?".tanong niya tsaka kumuha ng Barbeque.
"Mamaya na kang siguro,mga hapon".sabi ko.Habang nakatitig ako sa kanya hindi ko alam kung bakit habang tumatagal nagagandahan ako sa kanya.Maganda naman talaga si Leah,slim ang katawan at matangkad kaya hindi na kataka-taka kung bakit maraming napapatingin sa kanya.Kung hindi lang nakaka-agaw ng pansin baka nasapak ko na yung mga lalaki na tumitingin sa kanya eh.
"Tara punta muna tayo duon".aya ko sa kanya,pumayag naman siya at nagbaon ng dalawang barbeque.Hindi ko alam kung saan niya nilalagay lahat ng kinakain niya dahil sa lakas niya kumain pero hindi naman siya tumataba.
Naglakad-lakad lang kami sa tabing dagat,alas tres narin naman kaya hindi na masyadong mainit.sa kakalakad namin nakarating kami sa nga batuhan.
"Nagugutom pa ako".atungal niya tsaka hinimas-himas ang tiyan niya.
"Lakas mo naman kumain".bulong ko buti na lang hindi niya narinig.
"Ano yun? May sinasabi ka?".tanong niya kaya umiling lang ako.
Tinitigan ko lang siya habang nakatingin siya sa dalampasigan.Minsan itinatanong ko sa sarili ko kung ginagawa ko pa ba ito para sa Dare o ginagawa ko ito para sa akin.Walang iniisip na iba kung hindi kaming dalawa lang.
"Huwag mo nga akong titigan,naiilang ako eh".nahihiyang sabi niya kaya napangiti ako.Minsan hindi siya nahihiya kung ano man ang sinasabi niya,minsa naman nahihiya siya.Moddy
"Ang ganda mo kasi".sabi ko tsaka ngumiti kaya nakita kong bigla na lang siya namula
"Matagal ko ng alam yun".pagbubuhat niya ng sariling bangko.Yeah maganda siya at mabait,malakas nga lang kumain.
"Tara balik na tayo,baka sabihin nila gumagawa na tayo ng milagro".sabi niya tsaka tumayo sa bato na inuupuan niya.Minsan napaka straight forward niya.Lahat naman sila ganun kaya lang iba ang pagiging straight forward ni Leah,kung si Leah mild lang ang pagiging straight forward,si Eya at Clair naman grabe mam-rangka,ewan ko lang kay Ley.
Inalalayan ko lang siya tumayo tsaka kami umalis duon.
"Swimming tayo mamaya ah".sabi niya kaya tumango lang ako.Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa mga lalaki tumitingin sa kanya kaya agad kong inakbayan si Leah,mahirap na uso pa naman ang mga manunulit ng may girlfriend ng may girlfriend.Nang makarating kami sa cottage mga nakangising mukha nila ang naabutan namin.
"Ayos mukha men".sabi ni Leah tsaka kumuha ng barbeque
"Nakagawa na ba kayo ng inaanak namin?".nakangising sabi ni Ley kaya bigla na lang napatigil sa pagkain si Leah.
"Ulul ka Ley,nyeta kayo kaya pala mga nakangisi kayo yun pala mga nilulumot nanaman yang utak niyo,aarggg lagot kayo sakinnn".sabi ni Leah tsaka hinabol ang mga kaibigan niya,at ayun nag umpisa na silang mag habulan at pumunta sa dagat.
"Tara pare ligo nadin tayo".sabi ni Marlon at hinubad na ang damit na suot niya kaya naghubad nadin ako.Pumunta na kami sa dagat,marunong naman kaming lumangoy tatlo kaya wala nang kaso samin.
"Hooooy bumalik kayo ditoo".sigaw ni Leah nasa pampang lang kasi siya habang ang mga hinahabol niya naman nasa tubig na at tinatawanan siya.
"Bakit ayaw mo sila habulin? Tara puntahan natin sila".sabi ko napaiwas naman siya ng tingin ng titigan ko siya sa mata.
"Hi-hindi kasi ako marunong lu-lumangoy".nahihiyang sabi niya,ah kaya pala nakaupo lang siya kanina sa huhanginan na naaubatan ng alon dahil sa hindi pala siya marunong lumangoy habang ang mga kaibigan niya nagbabasaan.Napangiti naman ako dahil duon.
"Ano ningingiti-ngiti mo diyan? Siguro natutuwa ka kasi hindi ako marunong lumangoy tapos ang lakas-lakas kong mag-aya na mag swimming na tayo tapos hindi pala ako marunong lumangoy.Hmmp babalik na nga lang ako sa kwarto".sabi niya at tumalikod na,siyempre hindi ko suya hahayang bumalik no.
"Huwag kanang sumimangot diyan,hindi ako natutuwa dahil sa hindi ka marunong lumangoy,natutuwa ako kasi pwede kitang matsansingan,kaya tara na".nakangising sabi ko kaya nakatanggap naman ako ng isang hampas sa braso.
"Ang bastos mo kamo,paano kung malunod ako?".tanong niya
"Hindi ka malulunod diyan,malulunod ka sa pagmamahal ko".banat na sabi ko. Corny ko na ba? Pagbigyan niyo na ako,minsan lang to."Corny ha,tara na nga".sabi niya.
Sabi niya at mahigpit na kumapit sa kamay ko."Hokage moves David".sabi nila Marlon at Kervy kaya pinalipad ko ang isang middle finger ko sa kanila kaya tinawanan lang nila ako.
"David lumalalim na".kinakabahan na sabi ni Leah kaya tinanggal ko ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko tsaka ko nilipat sa bewang niya.
"Huwag ka mag-alala hawak naman kita eh".sabi ko
"Sabihin mo chansing ka lang hmp".sabi niya kaya napatawa lang ako.Nakalapit na din kami kila Eya.
"Leah may nagsabi sakin dito na may shokoy daw na nangunguha ng flatchested dito hahahaha".sabi ni Eya kaya nagtawanan kami ng makita naming napasimangot si Leah at Clair
"Alam mo din ba Eya na may nakapagsabi din sa akin na may nangunguha din dito ng mga walang pwet".sabi ni Clair kaya this time sila naman ni Leah ang tumatawa.
"Hmp,may pwet ako no!! Hindi lang malaki".sabi ni Eya kaya natawa na lang kami sa sinagot niya.
Natapos kaming magbabad na si Eya palagi ang tinutukso nila,gumaganti naman din ng tukso si Eya at dahil dalawa sila Leah na nang-aasar talo parin siya sa asaran.
Hahaha kawawang Eya
A/N
Pasensya na po sa aking lame update,nagka-writer's block po kasi ako XD.Vomments please *u*
#OMHM
#Feelings
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
General FictionNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1