Chapter 58:Mga Kontrabida

99 3 0
                                    

Leah's POV
Bigla akong nawalan ng gana ng makita ko ang mukha ni Geoginia kasama si Xyra Khaye.Ngayon ko na lang siya ulit nakita,na balitaan ko kasi na lumipat na daw ng ibang condo ito.

"Hey David and Leah! Still together huh!".nakangising sabi nito.Psh

"Kamusta naman ang relasyon niyo? May umaaligid bang ahas kay David Leah?".tanong ni George.

"Oo meron! Gusto mo pangalanan ko iyong isa?".mataray na tanong ko sa kanya.Punyeta siya huwag niyang dagdagan ang init ng ulo ko sa kanya.

"Huwag na! By the way Cousin ko pala si Xyra Khaye".nakangiting pakilala niya sa pinsan niya na mukhang butiki sa sobrang payat.Ah magpinsan pala sila,kaya naman pala parehas na malandi eh.

"He-".na freeze ang sasabihin niya sana ng mapatingin siya kay David.

"I-ikaw! Natatandaan mo pa ako? Ako iyong babae na nakasama mo sa bar and we end up naked to my bed".naiiyak na sabi ni Xyra.Tinignan sa nanlilisik na mata si David na ngayon ay namumutla at hindi makatingin sa akin.

"Ah-Eh!".nauutal na sabi niya.
Walang hiya kang David ka! May kinakalantari ka palang iba! Lagot ka sakin mamaya na lalaki ka!. Nag init bigla ang ulo ko dahil sa narinig ko.

"I'm pregnant and you are the father.Matagal na kitang hinahanap dahil gusto kong malaman mo na nagbunga ang nangyari sa atin".umiiyak na sabi niya.At dahil sa sinabi niya duon na ako tumayo at hinarap siya.I compose myself and stop myself to slap this girl infront of me.

"Excuse me Xyra! May itatanong lang ako sayo! Ilang buwan na iyang tiyan mo?".professional na tanong ko.Ayaw kong magmukhang cheap at walang pinag-aralan kung magsisi-sigaw ako dito.

"The-three months".sabi niya habang nagpupunas ng luha niya.Napangisi naman ako dahil sa sagot niya.Bumaling naman ako kay David na hindi makatingin ng deretso sa akin at binigyan siya ng nakakamatay na tingin.

"Kelan may nangyari sa inyo David?".pigil ang galit na tanong ko sa kanya.Nainis naman ako ng hindi niya ako sinagot.Ipinikit ko ng mariin ang mata ko para pigilan ang galit ko.

"Sasagutin mo ba ang tanong ko David o ibubuhos ko itong red tea sa ulo mo?".nanggigigil na tanong ko.Huwag niyang ubusin ang pasensya ko dahil makakatikim talaga siya sa akin.

"De-december".utal na sabi niya.Bumaling ako kay Xyra Khaye tsaka siya nginisihan.

"So! Paano mo nasabi na si David ang ama ng bata na nasa sinapupunan mo kung December pa pala may nangyari sa inyo? Tapos tinanong kita kung ilang months na iyang nasa tiyan mo at ang sabi mo Three months".nakangiting maganda na sabi ko.Hindi ko naman matatanggap kung sasabihin kong ngiting aso dahil si Georginia lang ang mukhang aso na nakilala ko.

"So! Paano mo ngayon sa akin ipapaliwanag na may nangyari sa inyo ni David noong December pa kung iyang tiyan mo three months palang. Huwag mong idahilan iyang nalate lang baka ihampas ko sa mukh mo itong upuan. Huwag kang maghanap ng lalaki na tatayo bikang ama ng anak mo.Nagpabuntis ka ng hindi mo alam kung sino ang ama tapos bigla mo na lang sasabihin na ang boyfriend ko ang ama ng dinadala mo. Huwag ganun! Pagkatapos mo lumandi tapos nabuntis ka ng sino mang pontsopilato na iyan ipapa-ako mo sa iba iyang anak mo".sabi ko.Marami na rin ang mga tumitingin sa amin kaya nahihiya naman na nagyuko si Xyra.Buti naman tinablan siya ng hiya dahil nakakahiya naman talaga ang ginawa niya.

Bunalingan ko naman si Georginia na pahiyang-pahiya dahil sa mga sinabi ko tungkol sa pinsan niya.

"At ikaw naman Georginia! Pagsabihan mo iyang pinsan mo dahil naninira siya ng may relasyon.Kung hindi lang sa naaawa ako sa bata na nasa ainapupunan niyan ng pinsan mo baka kanina ko pa tinawagan ang kaibigan kong abogado at pinasampahan kayo ng kaso. At bago pa mag bago ang isip ko,umalis na kayo sa harapan ko".nanggagalaiti na sabi ko.Punyeta! Kelan ba mauubos ang mga kontrabida sa lovestory namin ni David?. Dali-dali naman silang umalis sa harapan ko.Inis naman na bumalik ako sa pagkaka-upo ko at ininom ang red tea ko dahil kung hindi nalamigan ang ulo ko baka sumabog na ako sa galit na nararamdaman ko.

"Halika na David! Umuwi na tayo,nawalan na ako ng gana kumain".sabi ko at padabog na tumayo sa kinau-upuan ko.Hindi ko na siya inantay pa at nauna na ako sa parking lot. Narinig ko naman na tumunog na ang kotse ibig sabihin na naka unlock na ito.Hindi ko siya inantay na pagbuksan ako ng pinto dahil pumasok na ako at malakas na isinara ang pinto ng kotse.Inilagay niya muna sa compartment ang mga pinamili niya para kay baby tsaka siya pumunta sa driver seat at pinaandar ito.

"Babe!".tawag niya pero hindi ko siya pinansin.Narinig ko naman na napa-buntong hininga siya at hindi na ulit nagsalita pa.

Buong byahe wala kaming imikan.At parang ang bagal ng oras sa mga panahon na iyon.
Pagka-park ng kotse niya,agad akong bumaba at pumasok sa building ng condo niya. Binati ako ng receptionist pero hindi ko siya pinansin dahil galit ako at baka sa kanya ko pa maibunton ang galit ko kung nagkataon.Inantay ko na bumukas nag elevator,pagbukas ng elevator agad akong pumasok at pinidot ang floor ng unit ni David.Malapit ng magsara ang pinto ng iharang ni David ang kamay niya kaya nagbukas ulit ito at pumasok siya bitbit ang mga gamit para kay Baby.

Wala din kaming imikan sa loob ng elevator hanggang sa makarating kami sa floor ng unit niya.
Nang makapasok kami sa unit niya duon na siya nagsalita.

"Babe! Kausapin mo naman ako".sabi niya.Hindi niya na siguro kaya ang silent treatment na ibinibigay ko sa kanya.

"Anong gusto mong sabihib ko sayo? Kung paano kayo nagka-kilala ni Xyra o kung paano kayo nag-s*x?".galit na sabi ko

"Babe! Matagal na iyon".sabi niya kaya nainis ako duon.

"Wala akong pakialam kung matagal na iyon! Ang point ko may nangyari parin sa inyo".singhal ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang galit ko.

"Eh napatunayan naman natin na hindi akin iyon eh! Simula nung naging tayo Babe hindi na ako nang babae.Oo malandi ako pero nung naging tayo hindi na ako nangbabae dahil iniisip ko na kapag nalaman mo na nambabae ako magagalit ka at may posibilidad na iwan mo ako. Kaya maski minsan simula nung naging tayo hindi ako nangbabae kasi mahal na mahal kiymta at loyal ako sayo".malumanay na sabi niya kaya parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko ang mga paliwanag niya.kaya eto namang puso ko,biglang nawala ang galit na nararamdaman ko.

"Talaga? Hindi ka nangbabae?".paga-assure ko.lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Oo totoo lahat ng sinabi ko.Mahal na mahal kita at hindi ko maimagine na ibang babae ang ihaharap ko sa altar kaya sa sabado ipapakilala na kita sa pamilya ko".sabi niya tsaka ako masuyong hinalikan sa labi.

"Wha-what? Ipapakilala mo ako sa parents mo?".gulat na tanong ko,tumango naman siya.

"Yup! Dahil gusto kong makilala nila ang babae na Mahal na mahal ko at ang babae na magiging ina ng mga anak ko".nakangiting sabi niya tsaka lumuhod sa harap ko kapantay ang tiyan ko.

"Hello Baby! Kamusta kana diyan sa tummy ni Mommy? Magpalaki ka lang diyan ah! Love kita,kayo ng Mommy mo".sabi niya at hinaplos-haplos ang hindi pankalakihan kong tiyan.Napangiti naman ako dahil sa saya na nakikita ko sa mukha niya.

Sigurado ako. Magiging mabait na Daddy si David.

Kailangan kong maghanda sa darating na sabado dahil ipapakilala na ako ni David sa parents niya.

Hooooo! Kaya mo iyan Leah!


A/N
Anong akala mo Xyra! Maiisahan mo ang isang Leah Ellazar!.Wise yata itong si Leah.

Vomments please *u*

#OMHM
#MgaKontrabida

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon