Chapter 61:Hinala

100 2 1
                                    

Leah's POV

After 5 months

It's been 5 months had passed,malaki na ang tiyan ko para tuloy akong nakalunok ng pakawan sa laki ng tiyan ko,at sa 5 months na iyon naging masyadong busy si David,mering late na siya umuwi,minsan hindi na niya ako nasasamahan sa pagpapa-check up kaya naasar ako,pinagpapasensyahan ko na lang dahil alam ko namang para rin naman sa amin iyon,pero ang pasensya ko may hangganan din.Kagaya ngayon,it's sunday and it means rest day pero heto siya nakabihis na at ready na para pumasok sa trabaho.

"Babe alis na ako!".paalam niya.Dedma lang ako,kunwari hindi ko siya narinig.Bwiset! Minsan nag hihinala na ako dito sa lalaki na ito eh. Hindi ko alam kung sa trabaho nga ba siya napunta o may babae siyang kinikita.

"Babe aalis na ako".ulit niya

"Ingat. Paki sara na lang ng pinto".flat na sabi ko sa kanya. Naasar ako sa kanya kasi imbes na bonding namin ngayon,heto siya at papasok.

"Ano ba babe! Hindi mo man lang ba ako lalapitan at hahalikan man lang bilang paalam!".inis na sabi niya.
Ah ganon! Siya pa ngayon ang may ganang mainis samin?.

"Bahala ka sa buhay mo! Letse ka!".inis na sigaw ko sa kanya tsaka ako pumason sa kwarto namin.Nag iinit ang ulo ko sa kanya,parang ang dating ako pa ang may pagkukulang sa amin.

Ine-expect ko na susundan niya ako para suyuin pero nanlumo ako ng marinig ko na sumara ng malakas ang pinto ng unit namin.Naiiyak ako dahil tingin ko nagkakalabuan na ang relasyon namin,kung hindi lang siguro dahil sa buntis ako baka matagal na naming hindi natuloy ang forever namin.

Ilang minuto pa akong nanatili sa kwarto namin ng maisipan kong maligo na lang para mawala ang inis ko kay David.Pagkatapos ko maligo nabihis na ako ng maternity dress.8 months na si Baby sa tiyan ko at next month manganganak na ako,excited na akong makita si baby,hindi ko lang alam sa tatay niya.
Hindi namin inalam ni David ang gender ni baby dahil gusto namin surprice.Nanonood ako ngayon spongebob ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.Nakita ko naman ang mukha ni Eya sa screen ko kaya agad na sinagot ko ito.

"Yes?".tanong ko

"Buddi! Puntahan kita diyan".sabi niya tsaka ako binabaan ng tawag.
Aba'y bastos to ah! Tumawag lang para sabihin yun tapos hindi pa ako pinagsasalita binabaan na ako.

Wala pang kalahating oras ng marinig ko na ginagahasa na ni Eya ang dorrbell ng condo namin ni David. Yes amin,dahil inaangkin ko na namin ito.
Agad na pinuntahan ko ang ointo para pagbuksan si Eya.
Bumungad sa akin ang mukhang pagod na pagod na si Eya at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng unit namin.

Bwiset talaga itong babae na ito!

"Ano naman amg ginagawa mo dito?".masungit na tanong ko.Naabutan ko kasi siya na parang pagod na pagod na nakaupo sa couch namin.

"Wait lang! Pahingahin mo muna ako ng maayos".sabi niya

"Ano bang nangyari sayo at mukhang hingal na hingal ka diyan?".tanong ko ng makaupo ako sa single sofa namin.

"Kagagaling ko lang kasi sa matinding jugjugan kaya hingal na hingal ako".malokong sabi niya. Bwiset na babaitang ito!, kabastos ng bibig.

"Iyang bibig mo nga Eya! Marinig ka ni Baby namin. Baka mamaya paglabas ni Baby alam na niya kaagad iyang jugjugan na iyan".suway ko sa kanya at ang letse na ito tinawanan lang ako.

"Ayaw mo nun,advance learnibg about sex hahahahaha".Aba'y

"Itigil mo nga iyang bibig mo kung ayaw mong salpakan ko ng pipino iyang bibig mo,kebastos eh".sabi ko tsaka siya pinandilatan ng mata.

"Okay lang,masarap naman yun eh,malaki at mahaba yayk!".nakangising sabi niya.Yeah I know masarap ang pipino pero alam kong iba ang nasa isip ng babaitang ito,polluted na utak nito eh!.

"By the way,I here nga pala dahip may nakita ako kanina".umpisa niya.

"Ano naman? Nagparetoke na ba ng mukha si Georginia? Kung ayun lang naman ang pinunta mo dito wala akong pake sa kanya".masungit na sabi ko kaya inikutan niya ako ng mata.

"Pake ko rin naman duon sa babaemg iyon na pinaglihi ata sa clown sa sobrang kulay ng mukha. Pero magkakaroon ka ng pake kapag nalaman mo kung sino talaga ang nakita ko kanina".sabi niya kaya naging seryoso na ako.

"Eh kung inumpisahan mo na kayang sabihin sa akin kung ano iyang nakita mo para magkaroon talaga ako ng pake,pabitin much ka eh".inis na sabi ko,bwiset eh daming segway.

"Hahaha oo na,sungit mo. Anyway nakita ko kanina si David may kasamang babae".sabi niya na parang wala lang.Pake ko naman kung may kasama siya,alam ko naman na katrabaho niya lang iyon.

"Katrabaho niya lang iyon".sabi ko,ayaw ko maging tamang hinala dahil alam kong hindi iyon gagawi  ni David sa akin.Mahal niya ako at may tiwala ako sa kanya.

"May katrabaho bang inaakbayan at hinahalikan sa pisnge at napaka sweet sa isa't-isa?".sabi niya,duon naman ako biglang nakaramdam ng sakit. Oo I just consider myself na hindi totoo iyon,pero ng sabihin sa akin ng bestfriend ko na may kasamang ibang babae si David,nasaktan ako. Sa ilang buwan na nagsama kami alam kong hindi niya ako niloloko,pero sa mga nakalipas na ilang buwan madalas siyang late umuwi at kahit restday niya umaalis siya,meron pang may tumawag sa kanya one time tapos umalis siya sa tabi ko para sagutin ang tawag,hindi naman niya gawain iyon dati dahil kapag may natawag sa kanya hindi siya umaalis sa tabi ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha sa mata ko.Lumalit naman sanakin si Eya at inalo ako.

"Huwag kanang umiyak buddi! Kung gusto mo sundan natin sila para makasigurado tayo".suggest niya.Pinunasan ko naman ang luha ko tsaka siya tinignan.

"Paano naman natin diya masusundan? for sure nasa kung saang lupalop na iyon ngayon kasama ang babae niya dahil kanina mo pa sila nakita".sabi ko.Ibikutan naman ako ng mata ni Eya. Pag ako talaga naasar tutusukin ko mata netong babae na ito eh.

"Duuuuuhhh!! Ano pa ang silbi ng GPS sa phone mo kung hindi natin gagamitin para ma-trace kung nasaan mang lupalop nag punta iyang soon to be husband mo?".sabi niya tsaka ako pina-meywangan. Sorry naman nakalimutan ko. Tssk

"Tara na!".sabi niya.Kinuha ko lang ang bag ko at ang cellphone ko tsaka kami lumabas ng unit ni David.

Lagot ka talaga sa aking lalaki ka. Mahuli lang kita na may kasamang babae.

Itlog mo lang ang walang latay!



A/N
Ihanda mo na ang sarili mo David,dahil parating na ang asawa mo este ang Babaeng minamahal mo! Bwahahahahaha

Konting kembot na lang at matatapos na po ang OMHM.

Enjoy reading. ;*

#OMHM
#Hinala

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon