Chapter 52:It Depends

92 5 0
                                    

Leah's POV
Maaga akong pumasok ngayon.Pagkapasok ko sa shop nagulat si Malou ng makita ako.Sino nga bang hindi magugulat kapag nakita ako? Maga ang mata na may malalim na eyebag,walking zombie kung tawagin ko.

"Anyare Maam? Mukha kang adik na kulang sa tulog!".tanong niya ng makabawi sa gulat.

"Nag movie marathon kasi kami kaya napuyat ako,tsaka saan ka naman nakakita ng adik na kasing ganda ko? Wala kang ibang nakita na adik na kasing ganda ko kasi ako lang iyon".sabi ko at nag flip hair.Siyempre hindi ako papayag na tawaging mukhang adik.kasi maganda ako.

Haaaaaay wala ako sa mood mag trabaho ngayon. Punyeta!

Pumasok ako sa office ko at parang tanga na tinitigan ang mga sketch ko sa lamesa.Nasa ganoon akong posisyon ng biglang pumasok ang mga kaibigan kong maiingay.Pag-angat ko ng ulo ko parang may fiesta lang sa dami ng dala jilang pagkain.Ano ako bibitayin?

"Waaaaaaaahh Let's ea- ay shete! What happened to your face Leah?".gulat na tanong ni Clair.Hindi na ako nagtaka na ganyan din ang naging reaksyon niya.

"Kinain kana ba ng sistema kaya ganyan iyang itsura mo?".natatawang sabi ni Eya kaya tinignan ko siya ng masama.Ganun na ba talaga ka hagard ang mukha ko?.

"May nangyari ba?".seryosong tanong ni Ley.Ang galing naman mag inspeksyon ni Ley.Kahit hindi ako magsalita alam na nila ang sagot sa tanong ni Ley dahil bigla na lang akong humagulgol.

Punyeta! Di kaya bigyan na ako nito ng award for being best drama queene.

Lumapit sila sa akin.Hinihimas ni Eya ang likod ko kaya kahit papaano gumaan ang loob ko.

"Spill it out,Buddi".sabi ni Eya at duon na ako nag-umpisang mag kwento.Galit na galit sila Eya at Clair ng sabihin ko na pinaglaruan ako ni David.Si Ley naman kalmado lang.

Nang matapos akong magkwento.Kung pwede lang mamatay ang isang tao sa mga pinagsasabi nila Eya at Clair,malamang sa malamang pinaglalamayan na ngayon si David,pero huwag naman sana,kahit may ginawang masama si David sa akin,hindi ko gustong mawala siya.Mahal ko iyon eh.

"Aaaaargghh sarap niyang paliguan ng asido. Punyeta!".inis na sabi ni Clair bago sumubo ng cake.

"Naku! Nakuuuu! Kapag nakita ko lang siya ibubuhos ko talaga sa kanya itong iniinom ko".inis na sabi ni Eya na umiinom ng starbucks coffee.Si Ley naman parang wala lang.

"Pinag-explain mo ba Leah?".tanong ni Ley habang kumakain ng dinuguan at puto.

"Oo,pero hindi buong detalye.Simula nung inamin niya iyon sa akin,ayaw ko nang marinig ang boses niya".sabi ko. Kung sa ibang pagkakataon baka halos ako na ang umubos ng pagkain na dala nila,pero ngayon kahit masasarap ang dala nila wala akong gana.

"Dapata pinakinggan mo muna ang side niya,malay mo may reason siya kubg bakit niya nagawa iyon".mahinahon na sabi ni Ley.Yeah may point siya,pero tuwing nakikita ko ang mukha ni David at kapag naaalala ko ang ginawa niya,nakakaramdam ako ng galit.

"Yeah tama ka Ley!,pero siyempre pahirapan mo muna siya Leah".sabi ni Clair. Tsk tsk tsk! Sadista talaga nito. Narinig kong may kunatom sa pinto ko at pumasok si Malou.

"Excuse po Maam! May client po na gustong mag pagawa baby dress na katulad daw po sa damit niya.Pinadala na daw niya po ang mga picture thru email".sabi ni Malou.Tumango lang ako,mamaya ko na lang iyon titignan dahil tinatamad ako.Paalis na sana si Malou ng tawagin siya ni Clair.

"Ah Malou! Kapag dumating si David sabihin mo tuloy siya dito".nakangiting sabi ni Clair,yung ngiting alam mong may binabalak na hindi maganda.Naguguluhan man tumango na kang si Malou at lumabas.

"Paano mo naman nasabi na pupunta siya dito? Aber!".tanong ko sa kanya.Inikutan naman niya ako ng mata bago sumagot.

"Like duuuuuh! Malamang susuyuin ka nun.Mahal ka eh".sabi niya. Napaiwas nama  ako ng tingin ng marinig ko ang salitang 'Mahal'. Totoo nga ba na mahal talaga ako ni David o patuloy parin ang laro nila?.

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ng may kumatok at narinig ko ang boses ni David.Naghanda muna si Clair bago ako sinenyasan na papasukin si David.Napaikot na lang ang mata ko tsaka pinapasok si David.
Saktong pagbukas ni David ng pinto sinalubong siya ng cake na hawak ni Clair at sakto sa mukha niya.

"Ang kapal ng kulangot mopara paglaruan ang kaibigan namin. Gago!".galit na sabi ni Clair.Nagtawanan naman yung dalawa na sila Ley at Eya.Nagulat naman si David dahil duon.Hindi pa siya nakaka recover sa pagka-gulat ng buhusan naman siya ni Eya ng frappe na kanina ay iniinom niya.

"Para yan sa pagpapaiyak mo sa Buddi ko".mas malamig pa sa frappe na ibinuhos ni Eya kay David na sabi niya.

Namili pa si Ley ng ibubuhos niya at

O to the M to the G!

Lumapit si Ley kay David at ibinuhos sa ulo nito ang dinuguan na kanina lang ay kinakain niya.Wala lang pakialam si David sa ginawa sa kanya ng kaibigan ko dahil nakatingin lang siya sa akin kaya nag iwas ako sa kanya ng tingin dahil ayaw kong makita niya ang sakit na nararamdaman ko.

"Oh Leah! Ikaw naman magpa-ligo dito hahahaha".itinago ko muna ang emosyon ko bago ko hinarap si David na walang mababakas na kahit na anong emosyon mata.

"Umalis kana dito David.Ayaw kong makita iyang pagmumukha mo".malamig na sabi ko.

"Pwede bang mag usap muna tayo? Please Leah".hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus pumasok ako sa favorite place ko
Bakit ganito? Kahit sinaktan na niya ako nasasaktan pa din ako ng makita kong ang na nasa mata niya.Tumulo nanaman ang lapastangan kong luha.

Kelan ba mauubos ang luha ko sa kakaiyak?

"Leah! Umalis na si David. Pwede kanang lumabas diyan".rinig kong sabi ni Eya.Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako lumabas.

"Pasensya kana sa ginawa namin sa Babe ko ah! Naaasar kasi kami sa kanya eh!".sabi ni Eya tsaka ako inakbayan.

"Okay lang yun. Kasalanan niya namam eh".sabi ko na lang.

"Mabibigyan mo paba siya ng second chance?".tanong ni Ley.Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya kaya nagkibit-balikat ako.

"Sige aalis na kami Leah. Pag-isipan mo yung sinabi ni Ley,pero kung ako ang tatanungin! He deserve to give a second chance,pero nasa saiyo parin ang desisyon".sabi ni Clair.

"Sige mauna na kami.tsaka huwag kang gumawa ng kung ano-ano ah?".sabi ni Ley tumango lang ako at yumakap sa kanila tsaka sila umalis.

Second Chance? It depends

A/N
Papayag ba kayo na bigyan ulit si David ng second chance?

Sagot! Hahahahahaha

Vomments please *u*

#OMHM
#ItDepends

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon