David's POV
Tang*na! Tang*na! Eto na ba ang kinatatakutan ko? Ang iwan ako ni Leah? Sa sobrang frustrait ko nasapak ko ang salamin ng kwarto ko na naging dahilan ng nang pagkabasag nito.Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong iniwan na ako ni Leah.Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa mini bar ng unit ko at kumuha ng isang alak.Tinungga ko ang isang bote ng chivas regal na hawak kong alak.Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak,baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
Malapit ko ng maubos ang alak na iniinom ko pero parang wala lang nangyayari dahil nandito parin yung sakit sa dibdib ko.
Bumabalik parin sa isipan ko na iniwan na ako ni Leah,na nakipaghiwalay na siya sa akin dahil sa katarantaduhan na ginawa ko.Sa sobrang inis na nararamdaman ko sa sarili ko,binato ko ang hawak kong bote sa pader ng unit ko.Gusto ko munang makalimutan ang nangyri ngayon.Kaya lahat ng mahawakan kong bagay nababasag.Halos maubos na ang gamit sa loob ng unit ko dahil lahat mg iyon nabasag ko.
Nang mapagod ako,sumalampak ako ng higa sa carpet ng sahig.Hindi naman ako naging ganito sa mga naging past girlfriend ko.
Kasi nga mahal mo siya,at iba siya sa mga naging past girlfriend mo.
Natawa na lang akk sa sinabi ng isip ko.Hindi ko akalain na darating ako sa punto na magmamahal ako ng ganito,pero mukhang pinaparusahan ako ng tadhana dahil sa mga nagawa king kasalanan sa mga babaeng sinaktan ko.Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luho ko.
Mga ilang oras lang akong nasa ganuong posisyon ng marinig kong bumukas ang pinto ng unit ko.Agad akong tumayo sa pagkaka-salampak ko sa sahig dahil nagba-bakasakali akong binalikan ako ni Leah.Pero hibang na yata ako,dahil nag expect pa akong babalik si Leah sa kabila ng ginawa ko sa kanya.
Nadismaya ako ng makita ko sila Kervy at Marlon na gulat ang ekspresyon ng mukha ng makita na parang pinasok ng masasamang loob ang itsura ng unit ko na magulo at may mga basag na gamit pa.
"Anong nangyari dito sa condo mo David? Ni raid kaba dito?".sabi ni Marlon.Hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus nag punta ako ulit sa mini bar ko at kumuha ulit ng alak.
"Spill it out David".sabi ni Kervy tsaka tumabi sa akin sa stool.Hindi ako nagsalita,pero kailangan ko itong mailabas baka bigla na lang ako mabaliw dahil sa frustration na nararamdaman ko.Malalalim akong nag buntong hininga.
"Wala na kami ni Leah".umpisa ko,nagulat naman na tumingin sa akin iyong dalawa pero hindi ko na iyon pinansin pa at itinuloy na ang sasabihin ko.
"Alam na niya na laro lang ang naging relasyon namin,pero para sa akin hindi ko inisip na laro lang iyon dahil mahal ko siya.Mahal na mahal ko siya pare! Sinabi ko iyon sa kanya pero iniwan niya parin ako.Masakit pare! Pero deserve ko itong sakit na nararamdaman ko dahil inilihim ko pa ito sa kanya.Nagsisi ako dahil hindi ko sa kanya ito sinabi ng maaga,kung sinabi ko ito sa kanya ng maaga siguro hindi niya ako iiwan".mahabanh sabi ko.Hindi ko namalayan na basa na pala ng luha ang mata ko. Wala akong pakialam kung nakikita man nila na umiiyak ako.Tinapik ni Kervy ang balikat ko na para bang pinapagaan ang loob ko,pero wala epekto.
"Ang maganda mong gawin David kesa na mag inom ka! Gumawa ka ng paraan para bumalik sayo si Leah.Sa tingin mo ba babalik sayo si Leah kapag nagpaka lunod ka sa alak at basagin ang mga gamit mo dito?".sabi ni Marlon.Yeah tama siya walang magagawa ang pag lalasing ko at ang pagbabasag ng gamit ko,dahil hindi naman nito maibabalik ang babaeng mahal ko.
"Simulan mo iyon bukas.Mainit pa ang ulo ni Leah ngayon at matindi pa ang galit niya sayo ngayon.Maghanda ka na lang muna kung paano mo siya maibabalik sayo,sa ngayon linisin mo muna itong unit mo baka magaya ito sa unit ni Marlon".sabi ni Kervy kaya binatukan naman siya ni Marlon.
"Gago!".singhal ni Marlon at nag wrestling na sila ni Kervy.Hindi ko na sila pinansin bagkus dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo.Pagkatapos ko maligo nag linis na ako,tinulungan din naman ako ng dalawa.Nang matapos kaming maglinis nag request si Marlon na ipagluto ko sila,pinagluto ko naman sila dahil ayun na ang bayad ko sa kanila sa pagtulong nila sa akin mag linis.
Pagkatapos ko mag luto iniwan ko na sila duon at nag isip na ako ng paraan kung paano ko maibabalik si Leah.
You are mine Leah. Only mine
Kinabukasan pumunta ako sa shop niya.Sinalubong ko si Malou na may dalang mga damit.
"Good moring Malou! Andiyan ba si Leah?".nakangiting tanong ko.
"Yes Sir! Punta na lang po kayo sa office niya".sabi ni Malou at nginitian ako ng makahulugan.Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na ako sa office niya.
"Leah".sabi ko at kumatok ng tatlong beses.narinig ko ang boses ni Leah na pumasok na ako.Saktong pagbukas ko ng pinto sinalubong ako ng cake sa mukha ni Clair.Narinig ko naman na nagtawanan sila.
"Ang kapal ng kulangot mo para paglaruan ang kaibigan namin! Gago!".galit na sabi ni Clair.Hindi pa ako nakakahupa sa gulat ng buhusan naman ako ni Eya ng Frappe niya.
"Para yan sa pagpapa-iyak mo sa buddi ko".malamig na sabi niya.Kompleto silang magkakaibigan na andito.Sila Clair at Eya palang ang nagbubuhos sa akin ng pagkain kaya inaantay ko sila Ley at Leah na buhusan din ako.Wala akong pakialam kung maghalo-halo man ang amoy ko kung ito naman ang ikakawala ng galit sa akin ni Leah,tatanggapin ko.
"Hmmm ano kayang pipiliin ko? Ah ito na lang hihihi".sabi ni Ley at lumapit sa akin at ibinuhos sa ulo ko ang dinuguan.Tinanggap ko iyon kahit na nandidiri na ako sa mga pagkain na nasa katawan.Wala akong pakialam.
"Oh Leah! Ikaw naman mag paligo dito hahahaha".natatawang sabi ni Clair.Tinignan naman ako ni Leah ng walang emosyon.Nasaktan ako dahil duon.Dati tuwing titignan ko siya sa mga mata niya wala akong ibang makita kung hindi saya at pagmamahal kapag kasama niya ako,pero ngayon maski isa sa emosyon na nabanggit ko.Wala.
"Umalis kana dito David.Ayaw kong makita iyang pagmumukha mo".malamig na sabi niya.
"Pwedeng mag-usap muna tayo Leah? Please".pagmamaka-awa ko.Tinalikuran niya lang ako at pumasom siya sa pinagga-gawan niya ng damit na kubg tawagin niya favorite place.Nanlulumo akong umalis sa shop niya,naka salubong ko pa si Malou na gulat na gulat sa itsura ko maski ang ibang costumer napa tingin sa akin.Hindi ko na sila linansin at dumiretso na ako sa kotse ko.
My first experience to get back my queen is Hell.Tiis-tiis lang David
A/N
Tiis tiis lang Fafa David.
Ano kayang amoy ng pinaghalong frappe,cake and dinuguan? HahahahaGrabe naman magpaligo ang kaibigan ni Leah.
Kaya guys! Tandaan bawal paiyakin si Leah,baka mapaliguan kayo ng kanyang mga kaibigan ng mga pagkain hahahahahaha xd.
Vomments please *u*
#OMHM
#David'sFirstExperience
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
General FictionNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1