Leah's POV
Pagkatapos naming mag Dinner nagkwentuhan pa kami saglit bago kami nag paalam."Ma! Pa! Alis na po kami".paalam ko
"Alis na po kami Tito! Tita!".paalam din ni David.
"Sige! Mag ingat kayo sa byahe.David bilisan niyo yung paggawa ng apo ko ha?".sabi ni Papa at kinindatan pa si David.Waaaaaaahhh parang binebenta lang ako ni Papa.
"Pa! Aalis na nga kami,kung ano-ano pinagsasabi niyo kay David".sabi ko at hinatak na si David pasakay sa kotse.Natatawang nagda-drive naman si David kaya naasar ako.
"Ano namang tinatawa-tawa mo diyan?".inis na tanong ko
"Wala lang.Natutuwa lang ako sa Papa mo.Pano ba yan Babe,mukhang kailangan na nating magumpisang gunawa ng apo nila".sabi niya tsaka ngumis.
"Ang manyak mo Daviiiiiidd".nanggi-gigil na sabi ko.Si Papa kasi eh kung ano-ano pinagsasabi kay David.
Buong byahe walang ibang topic si David kung hindi ang paggawa daw namin ng baby,na dapat daw magsimula na kami para makarami,na dapat daw ibigay namin yung hiling ni Papa,at kung ano-ano pang tungkol sa paggawa ng Baby.kaya buong byahe inis na inis ako sa kanya.
"Good night Babe.I love you".sabi niya tsaka ako hinalikan sa labi.
"Good night din,ingat sa byahe".nakangiting sabi ko tsaka bumaba sa kotse niya.Inantay ko munang makaalis ang kotse ni David bago ako tumalikod para pumasok sa building.
Papasok na sana ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko sa Gucci pouch ko.
Nakita kong si Clair ang tumatawag.
"Gabi na ah! Bakit kaya tumatawag pa to?".nagtatakang tanong ko sa sarili ko tsaka sinagot yung tawag.
"Hello Clair! Gabi na ah,napatawag ka".sabi ko.Maingay ang background ni Clair.
"Hello Leah!" Sabi niya na mukhang hindi narinig ang sinabi ko.
"Nasaan kaba? Tsaka bakit ang ingay diyan?".tanong ko
"Nandito kami sa Quenne of Frozen Hearts Bar.Kasama namin si Eya dito.Sabi ng napagtanungan namin kanina pa daw naglalasing tong babae na dito.Pinipigilan na namin pero ayaw papigil tapos pumunta sa stage at kulang na lang magborles sa klase ng sayaw niya.Pwede bang puntahan mo kami dito?".mahabang paliwanag niya,at dahil ayaw kong mapahamak ang lokaret kong bestfriend dali-dali akong pumunta sa parking lot tsaka sumakay sa kotse ko.
"Sige pupunta na ako diyan,buksan mo na lang yung GPS mo para ma track ko kayo kung nasaang lupalop man kayo".sabi ko tsaka binaba ang tawag.Nakit kong nagconnect na ang GPS namin kaya tinignan ko kung nasaang lugar sila.Nakita kong nasa makati lang sila kaya agad kong pinaandar ang kotse ko.
Pagdating ko duon agad akong pumasok sa bar at sinalubong ako ng malakas na tugtog,Buti na lang naka bukas parin yung GPS ni Clair kung hindi mahihirapan akong hanapin sila dahil sa dami ng tao dito.
Nakita ko sila Clair at Ley na nakaupo sa mga stool doon sa bar counter kaya agad ko silang nilapitan.
"Guys! Asan na si Eya?".pasigaw na tanong dahil hindi niya ako maririnig sa lakas ng music.
"There oh".sabi niya tsaka tinuro ang pwesto ni Eya.Nakita ko si Eya na nasa stage habang nagsasayaw ng malaswa.Nyeta tama nga ang sinabi ni Clair na kulang na lang mag borles si Eya sa klase ng sayaw nito.At kahit nahihiya akong umakyat sa stage,pinuntahan ko siya duon tsaka hinatak pababa.Punyeta wala ng hiya-hiya kung dignidad ni Eya ang nakataya.Hinatak ko siya palabas habang siya nagpu-pumigkas sa hawak,siyempre hindi ko hahayaan na makawala siya sa hawak ko kaya hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
General FictionNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1