Leah's POV
Grabe para akong bata na binigyan ng maraming candy dahil sa tuwa.Namiss ko kasi ang luneta"Hahaha para kang bata Buddy".natatawang sabi ni Eya
"Namiss ko kasi dito,lalo na nung mga araw na pumupunta tayo ng barkada dito".masayang sabi ko
"Saan naman tayo ngayon pupunta?".salubong na kilay ni Kervy agad ang bumungad sa amin ni Eya pagka-harap na pagka-harap namin.
"Sa impyerno kung gusto mo".malamig na sabi ni Eya.Akala ko pa naman kikiligin tong si Eya dahil sa nakatabi niya ang ultimate crush niyang si Kervy.Pero bakit parang imbes na kiligin ako sa kanila,bigla na lang ako kinabahan dahil sa parang may invisible na kuryente na nakapagitan sa kanilang dalawa.Alam kong nag karoon ng isyu tungkol sa kanila noong nasa senior high pa kami.
"Alam mo kanina ka pa eh,kung hindi ka lang babae kanina pa kita pinatulan".inis na sabi ni Kervy na para bang any moment mangangain na siya dahil sa inis.
Agad na nilapitan ko si Eya para pigilan siya kung sa ano mang gagawin niya.
"Edi patulan mo.Ganyan ka naman hindi ba,mahilig kang manakit ng babae".kulang na lang maging yelo ako dahil sa lamig ng pagkakasabi nun ni Eya.
"Ano bang mga pinagsasabi mong babae ka?Huwag mong sabihin na bitter ka sa ex mo kaya pati sakin bitter ka?".nakakalokong sabi ni Kervy.Kaya eto kaming tatlo palipat-lipat nang tingin sa kanilang dalawa dahil sa palitan nila ng sagutan.
"Huwag mo akong itulad sayo Kervy sa pagiging bitter mo kaya pati ang mga babae na wala namang kasalanan sinasaktan mo".pagkasabi nun ni Eya tinalikuran na niya si Kervy at tumakbo ng mabilis.Buti na lang naka short at rubber shoes si Eya kaya hindi siya makikitaan kapag tumakbo.
"EYA!!".sigaw ko pero mukhang hindi na niya narinig
"Susundan ko lang si Eya".paalam ko.Hindi pa ako nakaka-hakbang nang hatakin ni David ang kamay ko kaya nagtatakang tinignan ko siya.
"Sasamahan kana namin".sabi niya at sumabay na sa akin sa paglalakad habang nakasunod naman samin sila Marlon at Kervy
"Asan na kaya yun?".naiusal ko
Kung saan-saan na kasi kami nakarating pero hindi parin namin nakikita si Eya"Baka umuwi na yun".sabi ni Marlon habang nag-pupunas ng pawis
"Siguro nga,baka kasi sa susunod hindi lang sagutan ang mangyari sa kanilang dalawa".natatawang sabi ni David
"Siraulo".sabi ng kanina pang nana-nahimik na si Kervy tsaka binatukan si David
"Tawagan mo kaya,kanina pa tayo nag papaka-pagod sa paghahanap sa babaeng yun eh".suggest ni Kervy na hanggang ngayon mukhang inis parin kay Eya.At duon ko lang naalala na tawagan si Eya.hayy nako minsan kasi Leah iwan ang kashungahan.
Agad na kinuha ko yung phone ko sa bag tsaka dinial na ang number ni Eya para tawagan.agad na may sumagot sa unang ring palang
"Hello buddy,nasan ka?".nag-aalalang tanong ko,baka kasi ano nang nangyari duon eh
"Hanapin mo~~".aba at ang loka nakuha pang makipag laro sa akin
"Buang ka talaga,nasaan ka nga?".tanong ko ulit
"Nandito ako sa playground".sabi niya.Kelan pa naging bata tong buddy ko?.
"Sige pupuntahan ka namin diyan".sabi ko at tinapos na ang tawag
"Asan daw yung babaeng yun?".tanong ni Kervy
"Sa playground,tara puntahan na natin".sabi ko at nag lakad na papunta sa playground.Nagbayad muna kami para sa ticket para makapasok kami.Maraming bata ang naglalaro.Karamihan na nakikita ko ay ang buong pamilya na nag pi-picnic.
Nakita ko ang isang pamilyar na pigura nang babae na nakikipag-laro sa mga bata at nang mapalingon siya sa direksyon namin dun ko na kumpirmang si Eya nga iyon kaya agad na lumapit ako sa pwesto niya at binatukan siya.
"Baliw ka talagang babae ka,pinag-alala mo ako".sabi ko
"Hehe sorry buddy".sabi niya habang hinihimas ang ulo niyang binatukan ko
"Ate ate tara punta tayo dun".sabi nang batang mediyo chinito ang mata at chubby ang pisngi na lalaking lumapit sa amin.
"Tara dun tayo".sabi ni Eya at nakipag laro na sa bata.
Parang ngayon ko na lang nakita ang buddy ko.I mean nung una kasi naming kita masaya naman ang makikita mo sa mata niya pero iba ngayon ang nakikita kong Eya,ang pilya at masayahin kong kaibigan.
Ano nga ba ang nangyari kay Eya sa nakalipas na panahon.
A/N
Vomment puhhlleeaassee *u*
#OMHM
#WhathappendtoEya?
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
Ficción GeneralNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1