Chapter 5:Meet the Ellazar Family

237 5 3
                                    

Leah's POV
"LEAHHH".sigaw ni Mama pagkakita niya sakin.

"Hi Ma".sabi ko at niyakap siya nang makalapit ako.

"Halika na anak sa loob".aya ni Mama at nagsimula na kaming maglakad pa pasok sa bahay.Naabutan kong naghahabulan ang dalawa kong kuya habang si ate naman nakaupo sa couch habang busy sa kakatingin sa kuko niya.

"Oy kayong dalawang matanda,tumigil nga kayo diyan,para kayong mga bata".sita sa kanila ni Mama kaya napunta sa amin ang atensyon nilang dalawa.

"NEEGRAAA".sigaw nilang dalawa sabay nagunahang tumakbo papunta sa pwesto ko sabay yakap.Gandang salubong eh no.LAIT -____-.

"KUYAA NEGROO"
"KUYAA TULOOG"

Ganting sigaw ko na may halong lait hahaha ganyan namin ka mahal ang isa't-isa,naglalaitan.Si kuya Oliver ang panganay samin,maitim kasi siya kaya kuya negro ang tawag ko sa kanya,Si kuya Chester naman ang pangalawa,singkit kasi siya at sa sobrang singkit niya kahit gising mukha siyang tulog,kaya kuya tulog ang tawag ko sa kanya.

"Owh Hi Little sissy,your here na pala".conyong sabi ng ate ko.Si ate Rhiane naman ang pangatlo,ang conyo samin.

"Hi Ate Conyo".asar ko sa kanya.Conyongita kasi siya kaya Miss.Conyo ang tawag ko sa kanya.

"Conyo ka diyan hmp".sabi niya at inirapan pa ako hahaha.

"May bitbit ka pala,akina ako na magbibitbit".sabi ni kuya Chester

"Gluton".sabi ni kuya Oliver kaya napatawa naman ako.

"Ang Ca-crazy niyo kuya".conyong sabi ni Ate.hahaha muntanga lang

"Tumigil ka nga kaka conyo mo,mukha kang timang eh".sita sa kanya ni kuya Oliver

"Eh care mo ba".ayaw talaga paawat ni Ate kaka-conyo.

"Dinner is Ready".sigaw ni Mama kaya agad naman kaming pumunta doon.

"Oh andito na pala si bunso eh".Dad notice me,nang makita ko siya ay tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I miss you Dad".sabi ko at kiniss siya sa cheeks.Close kasi kami ni Papa,dati siya ang taga tahi namin at si Papa din ang naghahatid sa akin sa school kaya naging close kami.

"Ganon ang Papa mo may 'I miss you' ako wala hmp".gumana nanaman po ang pagiging matampuhin ni Mama.

"Okay.Take two".sabi ng dalawa kong kuya na baliw,kaya nakisakay na din ako.

"Waaaahh I miss you Mom".sabi ko at niyakap din si Mama ng mahigpit sabay kiss sa cheeks niya.

"Namiss din kita Anak".hahaha nakisakay din si Mama sa trip namin nila kuya.parang teenager talaga si Mama.kaya natawa na lang si Papa sa kakulitan namin.

"Halina kayo at maghahapunan na tayo".aya ni Papa kaya pumwesto na kami sa upuan,kukuha na sana ako ng pagkain ng tumikhim si Papa.Ay nakalimutan ko palang may prayer pa kami bago magsimulang kumain.Ako na ang naglead ng prayer.

"Thank you po lord sa lahat aming natatamasa ngayon at sa lahat po nang masasarap namin na pagkain sa hapag at ang kompleto,masigla,malusog at masayang pamilya.

                                  Amen"

Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain eh nagkekwentuhan kami,sila kuya ang madalas magkwento at ako naman eh naike-kwento ko din ang mga ginagawa ko sa trabaho.

Andito kami ngayon sa garden ng family ko,parang bonding na din.

"Dito kana magpalipas ng gabi anak".biglang sabi ni Mama

"Sorry po Ma,kelangan ko po kasing umuwi ngayon,dahil marami pa po akong gagawin na trabaho bukas".paghing paumanhin ko.Marami kasi akong aasikasuhin bukas kaya hindi talaga ako makapayag sa gusto ni Mama.Bigla namang lumungkot ang ekpresyon ni Mama kaya tumayo ako sa kinauupuan ko para iback hug si Mama para lambingin.

"Sorry po talaga Ma,wag po kayong mag-alala babawi po ako sa susunod".lambing ko at niyakap pa si Mama ng mahigpit.

"Promise mo yan ah".pagpayag ni Mama

"Opo promise po".sabi ko at tinaas pa ang kanang kamay ko.
Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago ko magpagdesisyunang umuwi.

"Mag-ingat sa byahe ah".paalala ni Papa

"Opo,mag-ingat din po kayo
Bye Ma,Pa,Kuya and Ate".sabi ko at nag wave ng kamay.

"Bye Negra".sabay na sabi ng mga kapatid ko kaya natatawang umalis na ako sa bahay.Masaya ako dahil nakasama ko ang family ko,Once a week lang kasi ako bumisita sa kanila,minsan naman hindi ako maka-punta dahil sa dami ng ginagawa ko.Nakarating ako sa bahay ng 10:00 p.m.Nagpahinga muna ako sandali bago maglinis ng katawan.Chineck ko din ang Social Media ko at madaming naglike sa throwback picture na pinost ko kanina.Pagkatapos nun naramdaman ko na lang na nakatulog na ako.

A/N
Short update
Advance Merry Christmas kabewolf.tumatanggap na po ako ng regalo XD.

Baka matagalan po ako sa pag update dahil sira po ang aking cellphone ko XD.

#OMHM
#MeettheEllazarFamily

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon