Leah's POV
Bumalik na nga ba talaga ang feelings ko sa kanya?Yan lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.
"Aaaahhhhh hindi ko alam".sabi ko at nagpagulong-gulong sa higaan ko.Kailangan hindi ko muna siya isipin,dahil marami pa akong gagawin bukas.
Agad na nakatulog ako dahil sa pagod at late na ako nakauwi dahil sa paghahanap ko ng tela na gagamitin ko sa paggawa ng gown ni Eya.
Kinabukasan
Pagkagising ko nang umaga agad na naligo na ako at dumiretso sa botique,hindi na ako nag almusal sa bahay kaya nag pabili na lang ako kay Malou ng breakfast.
Kumain muna ako pagdating ni Malou dala ang breakfast na pinabili ko bago ko inumpisahan ang paggawa sa gown.
Gumawa muna ako ng pattern bago sinimulan ang pagtatahi.Halos ilang oras din ako nagkulong sa favorite place ko dahil ilang beses akong nagkamali sa pagtahi at hindi ko din namalayan ang oras.8:30 am ako nung pumunta dito at ng tignan ko ang oras sa wall clock ko 2:00 pm na ng tanghali at doon ko lang naramdaman ang gutom.
Narinig kong nag ring ang landline ko dito sa office ko kaya agad na sinagot ko ito.
"Hello".sagot ko habang hinihilot-hilot ko ang sentido ko
"May naghahanap po sayo dito Maam,soon to be boyfriend mo daw po".nagtaka naman ako kung sino yung sinasabi ni Malou,at doon ko lang naisip na iisa lang ang pwedeng mag sabi nun,kaya sinabihan ko si Malou na papasukin ito sa office ko.Agad na hinubad ko ang apron ko at lumabas sa favorite place ko.Saktong pagsara ko ng pinto siya namang pagbukas ng pinto sa office ko.
"Ano naman ang kailangan mo at naligaw ka sa shop ko?".tanong ko sa lalaking kakapasok lang ng office ko.
"Ganda naman ng bungad mo sakin babe,by the way dumaan ako dito para bisitahin ka at may dala din akong food,sabi kasi ng secretary mo na hindi ka pa daw kumakain".sabi niya at nilapag ang dala niyang paper bag na may laman na mga pagkain.
"Ako nag luto niyan".sabi niya pa at inilabas ang dala niyang pagkain sa paper bag.
"Salamat".sabi ko,alangan naman hindi ko siya pasalamatan diba,siya na nga nagdala ako pa mag mamaganda.Adobo ang dala niyang ulam at may dala din siyang kanin.
"Oh kain kana o gusto mong subuan kita".nakangising sabi niya.
"Buang,akin na nga".sabi ko at kinuha na ang pagkain,tinikman ko ang ulam na dala niya at nagulat ako sa lasa ng luto niya.
"Wow ang sarap ng luto".puri ko sa luto niya
"Siyempre Gwapo ako eh".proud na sabi niya.Okay anong connect? Hindi ko na lang pinansin ang kayabangan niya at tinuon na lang ang atensyon ko sa pagakain.
"May dragon ba yang tiyan mo?"nang-aasar na tanong niya kaya inismiran ko lang siya.Bakit ba gutom ako eh,kaya wag niya akong asarin.
Bigla akong nasamid ng makita kong nakatitig siya sa akin kaya agad na inabutan niya ako ng tubig.
"Dahan-dahan lang kasi".sabi niya habang hinihimas yung likod ko.
"Okay na ako,tama na yang panananching mo".sabi ko at inalis ang kamay niya na humihimas sa likod ko.
"Grabe ka naman,ako na nga nag magandang loob eh".sabi niya
"Edi salamat".sabi ko at niligpit na ang pinagkainan ko
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
Genel KurguNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1