Chapter 11:Siya Nga

164 4 1
                                    

Leah's POV
Nagising ako na para bang may nakadagan sa akin.Pupungas-pungas kong dinilat ang mata ko,mediyo malabo pa ang image na nakikita ko pero kalaunan nakita ko na din ng malinaw at ang bumungad lang naman sakun ay ang makinis na mukha na para bang ang pimples at blackheads na dumapo sa mukha niya,ang natural na mapula niyang labi,ang matangos niyang ilong at ang mahahaba niyang pilik mata na dinaig pa ang pilik mata ko sa haba.

"Enjoying the view?".nagulat ako ng magsalita at idilat niya ang mediyo may kalakihan niyang mata kaya mariin kong ipinikit ang mata ko.

Shetness nakita niya ata ako.
Wait wait wait!! Pano niya ako nakita?.Don't tell me tatlo mata niya?

Nababaliw nanaman ata ako.
Erase Erase

"Haha wag kana mag tulog-tulugan diyan,alam ko naman na gising kana".sabi niya kaya napadilat ako

"Nyeta ka,alis nga ginawa mo pa akong dantayan mo".sabi ko at inalis ang braso niya na nakapatong sa akin.At dahil feel at home ako dumiretso na ako sa cr niya na parang kasing laki ng kwarto ko,Ok siya na mayaman. maganda din yung cr niya dahil meron doong gawa sa glass na shower room.

"Pano kaya kapag nakalimutan niyang iyong pinto tapos naliligo siya".sabi ko sa sarili ko.Hirap kaya magkaroon ng glass shower room.Hindi naman kasi natin maiwasan na makalimot minsan na ilock ang pinto kaya madali ka lang na masilipan.

Pano kaya kapag ako yung pumasok?

Waaaa ano ba yang naiisip mo Leah??ang laswa na ng utak mo.

Naghilamos na ako para naman mahimasmasan ang utak ko na bigla na lang nagiging mahalay.Nagmumog na din ako at ginamit ang mouth wash niya,siyempre ayaw ko naman humarap sa kanya na bad breath ako no.

Paglabas ko sa cr wala na siya sa loob ng room kaya lumabas na ako.

"Hmmm ang bango".sabi ko pagkalabas ko ng kwarto nang may maamoy akong pagkain.Sinundan ko yung amoy at napadpad ako sa kusina,kung saan nadatnan ko doon si David na nakasuot ng apron na spongebob.

Wait! Spongebob?

Parehas pala kami ng favorite cartoon character.Sa kanang kamay may hawak siyang siyanse habang sa kaliwa namang kamay may hawak siyang path holder.

"Ehem".pagtikhim ko

"Oh hi,wait lang maluluto na iting fried rice".nakangiting sabi niya tsaka niya pinagpatuloy ang pagluluto niya.nakapagluto na din pala siya ng hotdog and bacon.

Nang matapos siya,kumuha na siya ng dalawang plato tsaka niya nilagyan ng sinangag.

"Marunong ka pala magluto!,akala ko kasi puro ka lang yabang eh".sabi ko tsaka kumuha ng bacon and hotdog.

"Mayabang pala tingin mo sakin?".sabi niya at nagsimula na ding kumain.

"Mukha ka kasing puno ng hangin sa katawan kaya hindi ko maiwasang isipin na mayabang ka".sinserong sabi ko.totoo naman kasing para siyang saksakan ng yabang.

"May ipag yayabang naman ako eh".sabi niya sabay kindat.Sabi sa inyo eh ang yabang niya.

"Oo na lang".sabi ko na lang baka kasi magyabang nanaman tong lalaki na to eh.

Nang matapos kaming kumain,nagprisinta ako na ako na ang magliligpit at maghuhugas ng mga pinagkainan namin.Hindi sana siya papayag kung hindi ko lang siya inuhan ng kaingayan ko.hahaha

Kasalukuyan akng nagsasabon ng plato ng may maramdaman akong braso na pumulupot sa bewang ko kaya nangilabot ako.

"Bagay talaga tayo Babe".biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa batok nag bumulong siya sa punong tainga ko.

"A-ano ba David lu-lumayo ka nga".nauutal na sabi ko.Ikaw ba naman bulungan sa punong tainga hindi ka mangilabot.

"Hahahaha,sige mag so-shower muna ako sa tsaka kita ihahatid,or kung gusto mo sabay na tayong mag shower".at ang hinayupak kung ano ano nanaman sinasabi.

"Joke lang babe hahaha shower na ako".sabi niya habang tumatakbo palayo sa akin.inambaan ko kasi siya na ihahampas na sa kanya yung plato kaya ayun agad na tumakbo.

Letcheng lalaki yun,ang landi talaga.

Teka!.Napaka pamilyar talaga ng mata niya

"Oh geez,di kaya siya yun!!"

David's POV
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa naging reaksyon niya kanina.Naligo na ako at agad na natapos.namili na ako ng susootin ko na damit at dahil ihahatid ko lang naman siya sa condo niya sa Ayala,napag-desisyunan ko na mag suot ng khaki short at isang plain navy blue n-neck shirt at crocss na tsinelas.

Paglabas ko ng kwarto naabutan ko siyang tinitignan ang mga frame na naka-display sa sala ko.Mga picture namin yun ng mga kaibigan at may family picture.Yung picture namin ng mga kaibigan ko kuha pa noong 4th year high school ako.At yung family picture naman last year kinyhanan nung umuwi ako ng pilipinas.

Nakita kong titig na titig siya doon sa hawak niyang picture namin ng nga kaibigan ko na sila Kervy at Marlon.4th high school kami noon nung pumunta kami sa MOA.

"Kuha namin yan noon nung pumunta kami sa MOA ng mga kaibigan ko".bigla siyang napalingon sa akin nang marinig niya akong nagsalita sa likuran niya.

"Aaah".sabi niya lang sabay lapag ulit sa table ng frame na hawak niya.

"Tara hatid na kita".aya ko sa kanya,tumango naman siya at saka kinuha ang mga gamit niya.

Bakit kaya titig na titig siya doon sa picture namin ng mga kaibigan ko??

Di kaya may gusto siya kay Kervy o dikaya kay Marlon??

A/N
Naaalala na kaya ni Leah ang lalaking tinatawag niyang MATA way back in high school??

Abangan
------------------~~~~~~~~~~~~_________

At dahil hanggang ngayon nagluluksa pa din ako sa hindi ko napanood ang concert ng EXO,may UD ako for today :).

#OMHM
#SiyaNga

Operation:Make Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon