Leah's POV
Natapos na ang gown ni Eya na pinagawa niya sa akin,inubos ko talag ang oras ko para dito,dahil sa susunod na araw ibibigay ko na ito sa kanya.Nakapag tataka lang ngayon kung bakit walang nang gugulo sa akin.
Isa lang ibig sabihin niyan! Namimiss mo na si David
Sabi ng echusera kong utak......teka ayun nga ba ang ibig sabihin nun?? Hay bahala siya kung ayaw niya magpakita...
Tumayo na ako sa tapat nang sawing machine ko at lumabas na sa aking Favorite place.
Maraming mga costumer ang pumupunta ngayon sa shop ko.Buti na lang matapos ng nangyari samin dito ni Hani.
Habang nagtitingin-tingin ako,may napansin akong babae na mukhang hirap na hirap sa pagkuha nang isang dress,mediyo nasa mataas na part kasi nakasampay yung damit isama pa na hindi naman masyadong matangkad si Ate...haha larang ang sama ko naman nakuha ko pang manglait.
Lumapit na ako sa pwesto niya para tulungan siya,haha peace offering para sa panglalait ko sa height niya nyahaha wag niyo sabihin ah,secret lang natin yun.
"Hello po Maam.How can I help you??".tanong ko.humarap naman siya sa akin pagkarinig niya sa tanong ko.....
Maputing babae ang bumungad sa akin pagkaharap niya,hindi masyadong singkit na maliit ang mata kaya hindi mo makakaila na may lahi,matangos ang ilong at hanggang balikat ang buhok na bumagay sa katamtamang laki nang mukha niya.
"Ahm pwede bang paabot naman nito,hindi ko kasi maabot eh.Alam mo na hindi ako nabiyayaan nang height".natatawang sabi niya......hahaha ibang klase din itong costumer namin,nakuha pang laitin ang sarili.
Nang makuha ko iyon,inabot ko na iyon sa kanya,bagay naman sakanya yung dress na pinili niya isama pa ang kulay nitong blue kaya mas lalo siyang pumuti.
"Salamat Miss ha,wag kang mag-alala may tip ka sakin mamaya".sabi niya,magsasalita pa lang sana ako pero tumalikod na siya.Hmp bahala na nga
Palabas na sana ako para maglunch nang may maalala ako.tinignan ko muna to sa bag ko at shoot nakalimutan ko sa office ko.Pabalik na ako sa officr ko nang madaanan ko yung costumer namin na kakatapos lang mag bayad nang babae sa dress na binili niya.
"Psst Miss eto yung tip mo oh".sabi niya at inabutan ako nang pera.
"Wag na po Maam,okay lang po iyon".tanggi ko
"Sige na huwag kanang mahiya,secret lang natin to sa boss mo.Sige na tanggapin mo na".pilit niya pa din.Waaaahhh gutom na ako,kung sa ibang pagkakataon baka kinuha ko na yung binibigay niya kaso hindi naman talaga ako saleslady dito eh o di kaya waiter.
"Hindi po talaga,okay lang po iy-".napuyol yung sasabihin ko nang tawagin ako ni Malou.
"Oh Maam may nakalimutan po ba kayo?".tanong nito sa akin kaya binaling ko muna sa kanya yung atensyo ko.
"May nakalimutan kasi ako sa office ko kaya bumalik ako".sabi ko at ibinalik ulit ang atensyon ko sa costumer namin na mukhang nagtataka.
"Hindi kaba sales lady dito?".nagtatakang tanong niya kaya umiling ako.
"Ah alam ko na...Ikaw yung Manager nila".hula niya pa,pero mali ulit kaya umiling ako habang si Malou naman nag pipogil nang tawa.
"Janitres kaba dito?? pero ang sosyal nang janitres dito ah,may sariling office".tanong niya ulit kaya napangiwi ako.........sa ganda kong to janitres?? Kung hindi ko lang to costumer baka pinatulan ko na ito eh >____<.kaya etong secretary ko halos mamula na sa kakapigil sa tawa .
"Hindi din po Maam".sabi ko na lang
"Eh ano ka pala dito?".tanong niya ulit.tumikhim muna si Malou tsaka siya na ang sumagot sa costumer naming makulit.
"*ehem ehem* siya po ang may ari nitong botique Maam".sabi ni Malou na halata mong konti na lang sasabog na sa pagpigil ng tawa habang yung costumer namin nakanganga na nakatingin kay Malou tsaka lumipat ang tingin niya sakin na ganun parin ang ekspresyon.
"Ay sorry po Maam,ikaw naman kasi hindi mo sinabi eh".sabi niya nang makabawi siya sa gulat kaya ngumiti na lang ako,alangan namang sungitan ko siya no,duuhh costumer parin namin siya kahit na sinabihan niya pa ako na janitres.
"It's okay Maam,it is not a big deal for,by the way I like you Maam sa pagiging makulit mo".sabi ko nang nakangiti.Siyempre dapat palagi kang nakangiti sa mga costumer mo....Kung baga para ka lang nagbebenta nang tooth paste dahil sa palaging nakalabas yung ngipin mo.
"Ahehe pasensya na ah.Ako nga pala si Clair Guanlao".pagpapakilala niya dahilan para lumaki ang dalawa kong mata.
"Oh My God".I exclaimed kaya nagtataka siyang tumingin sa akin maski si Malou na kanina ay nagpipigil nang tawa nang dahil sa naging reaksyon ko.
Nang makabawi ako sa gulat nagpakilala na din ako
"*ehem* I'm Leah,Leah Ellazar".nakangiting pagpapakilala ko kaya kulang na lang lumuwa ang mata niya sa gulat.
"OH MY GULAY na kangkong..Ikaw nga ba yan??".gulat na tanong niya kaya tumango lang ako.
"Kyaaahh Leah namiss kitaaa".sigaw niya tsaka ako niyakap,may mga costumer naman na nakatingin sa amin dahil sa sigaw ni Clair.
"Excuse me muna Maam mukhang magmo-moment pa kayo eh".sabi ni Malou na mukhang nakaramdam na may something samin neto..oops oops oops wag kung ano-ano iniisip niyo ah.
"Kamusta na?? Mukhang asensado kana ah".sabi niya nang makapagbitaw kami sa yakapan moment namin kanina.
"Eto maganda parin".sabi ko ang flipped my hair.hahaha tandaan guys okay lang masabihan na buhat bangko wag mo lang idown ang sarili mo.
"Seriously?? Hahaha oo na lang baka sabihin mo wala tayong pinagsamahan".sabi niya....ay loka to ah,hindi man lang ako sinuportahan.
"Baliw ka talaga hindi mo man lang ako sinuportahan...Tara kain tayo".sabi ko tsaka siya inaya na kumain sa labas.
"Libre mo ah,tutal may shop ka naman na haha".grabe ilang years na ang nakalipas kuripot parin pala talaga tong kaibigan ko na to.
Pumunta kami sa malapit lang na restaurant,next time ko na lang sasabihin kay Eya na nakita ko na ang isa sa mga kaibigan namin na si Clair parang surprise kung baga.baka sabihin niyo nagaala agent ako!! Hindi ho sadyang gusto ko lang sila makita para mabuo na ang grupo namin,sila lang talaga ang lumalapit sa akin kaya nakikita ko sila.Oh diba parang magic lang.
Nalaman ko na isnag Bread and pastry Chef na si Clair.Masaya ako dahil ang akala kong biro niya lang eh kinareer niya na.Marami pa kaming napagkwentuhan ni Clair tungkol sa nangyari samin this past few years.hindi ko muna kinwento ang tungkol kay Eya,siyempre surprise din yun.
Nang matapos kaming kumain nag paalam na kami sa isa't isa and we exchage numbers.
"Clair,gusto mo bang isurprise natin si Eya??".tanong ko sa kanya.
"Oo,kamusta na pala yung baliw na yun?".tanong niya
"Hahaha basta malalaman mo din,kita na lang tayo sa Five Empress Restaurant sa friday...... text na lang kita".sabi ko,Umoo naman siya tsaka kami naghiwalay.
Wala parin talagang pinagbago si Clair.Always baliw parin kausap hahaha.
Siya ang clown nang grupo kaya kapag nakasama mo siya,kulang na lang matae ka sa kakatawa sa kanya.
2 down-2 more
Sana makumpleto na ang barkada.
A/N
New character guys
pagpasensyahan niyo na po kung mediyo magulo ang kwento na aking ginagawa.Wag po kayong mag-alala aayusin ko po ulit ito#OMHM
#Clair
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
General FictionNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1