Leah's POV
Nagulat si Clair nang sabihin ko na si David at ang ultimate crush ko ay iisa.Kaya parang tanga na kinikilig si Clair at sabihin sa akin na "Bwahahaha buti na lang sayo napunta si Fafa David,hindi dun sa mukhang germs na si Georginia Bwahahaha".kaya kami ni Buddi tawa ng tawa dahil sa mga panlalait ni Clair.Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan.Nalaman ko din kay Clair na kaka-break niya lang sa long time boyfriend niya na si Cj.Kilala ng barkada si Cj dahil grade 10 palang sila na ni Clair.Naging kaclose din namin yun,lalo na ni Eya na akala mo matagal na silang close dahil kapag inaasar siya ni Cj nakakatanggap lang naman siya ng sabunot galing kay Eya kahit na 6footer ito.hahahaha ganyan ka bayolente si Eya,hindi lang halata dahil sa features nito.
"Sayang naman,ilang years din kayo nun ni Cj,Hayyy naniniwala na talaga ako na walang FOREVER".sabi ni Eya.Yeah mga kasabihan ng mga taong bitter hahahaha.Human ampalaya nga pala si Eya.
"Ewan ko sayo Eya,Ampalaya ka talaga hahahaha".sabi ni Clair kaya inikutan lang siya ng mata ni Eya.
"Girls,nakita niyo ba yung babae kagabi sa balita?".pagcha-change topic ni Eya hahahaha,umiiwas talaga.
"Nope,bakit anong meron duon sa babae?".tanong ni Clair.
"Her name is Ley,Ley Sanchez ang may ala-Nadine Lustre na mukha na Abogado".sabi ni Eya kaya nanlaki ang mata namin ni Clair habang si Eya na nakangisi.
"WHAAAAAT? Si Ley na kaibigan natin?".hindi makapaniwalang tanong ni Clair.
"According to my research.I find out na dati siyang ICT student nung grade 11 & 12,nung collage naman kumuha siya ng course na Law at sabi pa sa article na nabasa ko,kaya siya nag abogado dahil gusto niya mabigyan ng hustisya ang papa niya na pinatay".mahabang paliwanag niya at isa lang ang babaeng nagke-kwento sa amin nun kundi si Ley,isa sa barkada.
"Waaaaaaahhh pano ba natin siya makikita? Alam mo ba kung saan siya nakatira?".sunod-sunod na tanong ni Clair
"Hindi eh".balewalang sagot ni Eya
"Waaaaaaahhh pano ba natin siya makikita?".tanong ko.miss ko na din kasi ang isang yun kahit na madalas namin siyang lait-laitin nila Clair at Eya,hindi niya parin kami inaaway,hindi naman kasi siya asar talo.
"Tawagan na kang natin siya".sabi ni Eya at kinuha ang Iphone niya sa bag.
"Paano mo naman tatawagan kung wala ka namang number?".tanong ko
"Ako paba! Ano pang silbi ng mga hacker para hindi ko ipahack ang private info niya".Edi siya na mautak hahahaha.ni loud speaker niya yung phone niya para marinig din namin ni Clair ang pag-uusapan nila.
"Hello. This is atty.Sanchez,who's this?".tanong ng kausap namin sa kabilang linya.aba ang pormal naman ni Ley kausap.
"Pwede ba tayong magkita sa starbucks sa Moa? May gusto kasi akong sampahan ng kaso".sabi ni Eya habang kami ni Clair mataman lang na nakikinig sa usapan nila.
"Sige,magkita na lang tayo duin ngayon".sabi ni Ley at ibinaba na ang tawag
"So our problem is solve,Let's go".sabi ni Eya at tumayo na sa sofa para umalis.
"Wait wait,maliligo pa ako".sabi ko at nag ala the flash na pumasok sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para maligo.Hanggang sa pagligo para akong si the flash dahil sa kakamadali pati na din ang pagbibihis.Isang fitted shirt at skinny jeans na pinartneran ko ng step-in.
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
General FictionNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1