Leah's POV
Grabe kahiya.Inamin ko sa kanya na dati niya akong stalker kyaaaaaaaahhh!!!!Nandito kami ngayon sa Garden.Kami ni Mama nagke-kwentuhan habang si Papa at David naglalaro ng Chess,yung dalawa ko namang kapatid? Ewan ko kung saan na sila napadpad.
"Mukhang seryoso naman sayo si David,anak".sabi ni Mama kaya napangiti ako.
"I know Ma! And he respect me".nakangiting sabi ko tsaka tinignan si David na naka-kunot noo habang tutok na tuttok sa harap ng chess.
"Hello Everyone!! I'm here na".napaikot na lang ang mata ko dahil sa ka-conyo-han ni Ate Rhiane.
"Kakarating mo lang ba anak?".tanong ni Mama.
"Yes Mom!".nakangiting sabi nito at napadako ang tingin kay David.
"Kyaaaaaaahh who's this handsome boy infront of me?".kinikilig na tanong nito
"My boyfriend".sabi ko tsaka lumapit kay David para ipakilala kay Ate.
"David this is Ate Rhiane and Ate Rhiane this is David, My boyfriend".pakilala ko.In-extend naman ni David yung kamay niya para makipag shake hands,kinikilig naman na tinanggap yun ni Ate.
"Aww! Sayang taken kana pala".dismayadong sabi ni Ate.Sabunutan ko kaya to si Ate one time lang?
"Tumigil ka nga diyan Babae ka! Boyfriend yan ng kapatid mo".suway ni Mama.
"I know Mom tsaka may Boyfriend na ako no,and by the way,ipapakilala ko pala siua sa inyo sa Sunday".nakangiting sabi nito.
"Sige na! Pumasok kana duon at magpalit kana ng damit".sabi ni Papa
"At ikaw lalaki! Hindi pa tayo tapos sa laro natin".seryosong sabi ni Papa kaya bumalik ulit sa pagkaka-upo si David.
"Pa naman eh! Bakit mo ba tinatakot tong boyfriend ko?".nakasimangot na sabi ko.Kanina pinaghugas ni Papa ng gabundok na hugasan tapos ngayon kinakalaban niya sa Chess.
"Sige na nga,ayoko narin naman mag laro,ang weak ng boyfriend mo eh".nakangising sabi ni Papa.Hindi ko alam kung may topak to si Papa o ano eh.Napakamot naman ng ulo si David.
"Bakit mo naman kasi Pa kinalaban? Tapos magre-reklamo ka kasi weak yung boyfriend ko!".nakasimangot na sabi ko.
"Dito ba kayo magdi-dinner mamaya?".tanong ni Mama kaya napabaling ako sa kanya.
"Yes Ma!".sabi ko
"Oh sige! Kailangan ko munang pumunta sa super market para bumili ng lulutuin mamaya para sa hapunan".sabi ni Mama
"Samahan kana namin Ma!".presinta ko
"O sige. Ikaw Pa? Sasama ka?".tanong ni Mama kay Papa na nakaupo parin sa tapat ng chess.
"Oo! Tara at hapon na din".sabi nito tsaka tumayo sa inuupuan niya.
Kotse ni David yung ginamit namin tutal naman ang magda-drive.Si Ate lang ang naiwan sa bahay,ayaw niya sumama kasi busy siya sa cellphone niya.
Pagdating namin sa super market,dumiretso kami sa Meat Section.Si David ang may dala ng cart dahil pinagdiskitahan nanaman siya ni Papa.
Nagpaalam muna ako sa kanila dahil pupunta ako sa Junkfood station gusto ko kasi kumain ng Piattos.Bata palang ako ito na ang paborito kong junkfood.Pagbalik ko sa pwesto nila mukhang pagod ang mukha ni David habang may hawak na Petchay.
"Oh! Anong nangyari sayo Babe? Mukhang pagod na pagod ka ah!".sabi ko,ngumiti lang siya sa akin tsaka bumaling kay Papa.
"Okay na po ba ito Sir".tanong niya.Tsk tsk si Papa talaga kung ano-ano gusto ipagawa kay David eh.
"Pa! May ginawa nanaman ba kayo?".nakasimangot na tanong ko
"Wala ah! Diba David?".nakangising sabi ni Papa kaya tumango si David.Pagkatapos nun sumunod na si Papa kay Mama na papunta sa Fish Section.
"Pagpasensyahan mo na si Papa ah! Tinotopak nanaman kasi yan eh".sabi ko and apologetically look into his eyes.
"Okay lang yun Babe! Tara sundan na natin sila.Tignan mo ang layo na nila".nakangiting sabi niya tsaka kami sumonod.Buti na lang mahaba ang pasensya ni David.Bumili na din kami ng ingredients at hindi ko na hinayaan na si David ang kumuha ng mga inuutos niya kay David.Baka mamaya pagudin nanaman niya eh.
Pag uwi namin pagod na pagod na umupo kami ni David sa Sofa.Halos makawawa na yung kamay ni David dahil sa kadahilanang siya ang pinagbitbit ni Papa sa lahat ng pinamili namin,tapos ang akala ko na may bibilhin si Papa dagil halos libutin na namin ang super market sa kaka-ikot-ikot yun pala gusto niya lang kami pagudin lalo na si David na kulang na lang lumaylay ang dila sa pagod.Tapos si Mama naman kapag sinasaway ko si Papa pinipigilan niya ako kasi mga tatay lang daw ang mga nakaka-alam nun.Haaaaayyy sarap kutusan ng Nanay at Tatay ko dahil sa pinag-gagawa nila kay David.
"David! Pwede mo ba akong tulungan maghiwa ng mga ingredients para sa lulutuin? Hindi kasi maaasahan sa paghihiwa si Leah eh".Yeah right! Simula nung pinaghiwa ako ni Clair ng calamansi hindi ko namalayan na nahiwa na pala yung daliri ko dahil sa pakikipag-daldalan.
"Sige po Tita".sabi ni David tsaka sumunod kay Mama papunta sa kusina.Tsk tsk tsk! Kawawa naman yung Babe ko.
45 minutes nang bumalik si David na mukhang pagod.
"Pagod kana ba Babe? Sorry talaga sa ginawa ni Papa ah"paghingi ko ulit ng sorry
"Okay lang yun Babe! Kiss mo na lang ako para mawala yung pagod ko".nakangising sabi niya.Psh tsansing lang tong lalaki na to eh.
"*mwah*mwah*mwah* ayan okay na!".sabi ko kaya napangiti naman si David.
"Ehem".nakarinig kami ng pagtikhim kaya nilingon namin kung kanino galing iyon at mukha ni Papa ang nakita namin na madilim ang tingin kay David.
"Kung magtutukaan kayo.Aba wag sa may nakaka-kita sa inyo.Leah dalhin mo siya duon sa kwarto mo at simulan niyo na gumawa ng apo ko".sabi ni Papa at biglang ngumisi kaya biglang namula yung mukha ko.
"Pa!!".reklamo ko.Grabe kanina ang sama ng tingin kay David dahil lang sa smack kiss tapos ngayon bigla na lang sasabihin samin na gumawa kami ng apo niya.Gaaaaahhhd ano ba talagang trip ni Papa?.Umalis na si Papa sa harapan namin na may ngisi sa labi.
"Pano ba yan Babe? May permission na ako kay Tito".nakangsing sabi ni David.Aaaarrgghh kung ano-ano kasi pinahsasabi ni Papa eh.
Next time na lang,kapag ready na ako.
O_________O
A/N
Simpleng talandi din si Leah eh hahahahahaha.Pagbigyan niyo na daw siya minsan lang naman daw eh sabi niya.Vomments please *u*
#OMHM
#AngBoyfriendkongkawawa
BINABASA MO ANG
Operation:Make Her Mine
Fiksi UmumNagsimula sa Truth or Dare Matatapos din kaya sa Truth or Dare?? o magiging totohanan na ito Ang dahilan kung bakit ako naging kanya Operation:Make Her Mine Bewolf Series#1