Chapter 1

182 13 2
                                    

Chapter 1 - Skateboard

Inayos ko ang sintas ng sapatos ko. Bahagya akong yumuko para mas maayos ko itong matali. Halos mapasubsub ako sa kalsada nang may biglang walang kaabog-abog na tumulak sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang paglingon ko ay may batang lalaki na nakahiga malapit sa akin. Nilingon ko ang kotseng mabilis ang patakbo na hindi man lang huminto.

Napa-awang ang bibig ko at agad kong dinaluhan ang bata. Napa-iyak ako.

Niyugyug ko ang papapikit na bata. "Huy... huy.. gising... gising!" napaiyak ako lalo. Nakita ko ang pagdugo ng noo niya.

Bahagya siyang nagmulat ng mata at tinitigan ako. Tinitigan ko siya pabalik.

Napa-awang ang bibig ko ng ngumiti siya bago pumikit.

Napaiyak na ako lalo. Agad na may nakakita sa amin at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

"Ah... hija pwede mo bang isalaysay ang nangyari?"

Tinignan ko lamang ang officer na nasa harapan ko. Binalingan ko ang mama ko.

Ngumiti ito sa akin. "Ah.. pasensya na po pero mukhang hindi pa handa ang anak ko.."

Tumango ang officer. Binalingan ko si mama. "Gusto ko siyang makita.." aniko. Ngumiti siya sakin bago tumango.

Napahinto ako sa isang kwarto nang nakita ko ang isang pamilyar na bata. Ang kanyang mga mata ay sapat na para makilala ko siya.

Napalingon ang mga tao sa loob kabilang na siya pagpasok ko. Nahihiya akong lumakad papasok. Lumapit ako sa may kama niya at bahagya siyang nginitian. Binalingan ko ang kanyang mga magulang na halos isuka ako.

Napatungo ako.

"Okay ka lang?" mahina kong tanong. Hinawi ko ang full bangs ko para maibsan ang kaba. Hindi naman ako ang may kasalanan.... Tinignan ko ang sneakers na suot ko at dinuyanduyan ito. Hindi abot ng paa ko ang sahig kaya malaya kong nauugoy ito.

Napangiti siya. Napatitig lamang ako sa kanya.

"I just hit by a car and yeah I'm fine." Parang sarkastikong aniya.

Awtomatikong lumipad ang kamao ko sa braso niya na agad naman niyang dinaing. Huli na ng malaman ko ang ginawa ko. Narinig ko ang histerikal na singhap mula sa likod.

"Hala! Sorry! Sorry." Paumanhin ko, hinagod ko ang kanyang braso.

"Aww.." daing niya pa ng isa.

"Ikaw na nga itong niligtas, ikaw pa itong nananakit.." nguso niya na parang nagpipigil ng ngiti.

Napatawa ako. Kamukha niya si Takashi! Yung.. yung aso namin!

"Sorry.. and thank you.."

Kung hindi dahil sa kanya ay baka nabundol na ako ng kotse. Hindi niya ako kilala pero pinili niyang iligtas ako kahit pa ang kapalit ay malagay ang sarili niya sa kapahamakan.

Tinitigan niya ako bago tumango. "Next time, huwag kang aalis ng bahay ng wala kang kasama."

Pangaral niya. Ilan taon na nga ba ito? Diba kasing edad ko lang ito?

"Opo, itay." Asar ko.

Ginulo niya ang buhok ko. Ngayon ko lang siya nakilala pero ang mga mata niya ay parang matagal ko ng kilala.

"I just lost my baby sis, parehong sitwasyon.. ang kaibahan nga lang hindi ko siya nailigtas.. I don't want to lose any again.." seryosong aniya.

Napatitig lang ako. Is he considering me as her baby sis?

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon