Chapter 6 - Left
"Huh?"
Nagtiim-labi ako. Paano ko ipapaliwanag sayo na hindi ka talaga gusto ng babaeng gusto mo? Lalo na ngayon na masyado kang nalunod sa kasinungalingang gusto ka rin niya.
"Wala kalimutan mo na. Gusto mo pumasok?"
Ngumiti siya bago tumango. Nakikain siya sa amin. Hindi agad siya umuwi sa kanila dahil nanood pa kami sa kwarto ko.
Ako ang namili ng panunuorin. Syempre kwarto ko 'to. TV ko ang gagamitin, kaya malaya akong piliin ang gusto kong panuorin. Baka masapak ko lang siya kapag horror na naman ang papanuorin namin!"Payat, ano kaya itsura mo kapag nakalugay 'tong mahabang buhok mo?" Napabaling ako sa kanya at agad na iniwas sa kapit niya ang buhok ko.
Ano naman ba?
"Panget. Ayoko maglugay."
Lumapit siya at akmang tatanggalin ang ipit sa buhok ko. Tinampal ko ang kamay niya.
"Wag ka nga! Mainit!" Angal ko.
Nagkibit-balikat siya bago tumingin nang muli sa TV.Ayaw ko talagang maglugay. Hindi dahil mainit ang dahilan kung hindi dahil hindi ako sanay. Simula bata pa ako ay palagi ng nakatali ang mahaba kong buhok. Tuwing naliligo ko lang ito nalulugay. Kaya siguro madalas akong mapagkamalan na tomboy. Oversized tshirt, pants, sneakers, nakatali ang buhok at mahilig sa panlalaking gamit. Hindi ako mahilig sa mga pambabaeng burloloy. Imbis na suklay ay skateboard ang laging kapit ko. Imbis na hikaw o kwintas ay sumbrero ang laging suot ko. Imbis na babae ang bestfriend ko ay lalaki.
Sabi nga nila kapag lalaki ang mga naging kaibigan mo, may tatay ka na. May kuya ka pa. Less drama, more fun.
"Uwi ka na sa inyo." Tapik ko sa braso niya. Inaantok na ako. At isa pa nakahiga siya sa kama kong kasya lang talaga sakin. Kapag nakihiga pa siya ay halos ipit na ako.
"Yoko. Maya na. Patulog muna." Inaantok niyang sagot.
"Eh! Inaantok na din ako! Hindi tayo kasya!"
"Kasya tayo! Lagi naman akong natutulog sa tabi mo ah!"
"Eh! Hindi tayo kasya! Lumobo ka na kaya!"
"Daldal."
Napasigaw ako ng hilagin niya ang braso ko pahiga. Umusog siya ng kaunti para mabigyan ako ng espasyo.
Napasimangot na lang ako at humarap sa kisame. Nakadapa siya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya."Payat..."
Hindi ko siya binalingan.
"Hmm.."Tumihaya siya. Ngayon ay pareho na kaming nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
"Bakit ganun? Am I not worth it? Am I not enough?"
Nagtiim-labi ko at hindi sumagot agad. Bakit ganun? Nakaukit na ba talaga na mabulag ang isang tao sa inakala niyang mahal siya? Tapos iisipin niya na hindi siya mahalaga? Na hindi siya sapat?
"Pakiramdam ko kasi... hindi talaga ako pwede sa kanya."
"Pero kasi.. Nadine, gusto ko siya.. Mahal ko na ata." Bulong niya.Unti-unting lumabo ang paningin ko sa mga gupit-gupit kong papel na nakadikit sa kisame.
Nagbara ang lalamunan ko at pakiramdam ko kapag nagsalita ako ay lalamunin lang iyon ng hikbi.
"Edi ipaglaban mo. Paghirapan mo. Ipakita mong para lang siya sayo."
"Ganun ba, payat?"
Tinanguan ko siya.Tanga ba? Siguro nga. Alam ko na hindi siya mahal ng babae pero mas pinili kong suportahan pa siya lalo doon. Mahal niya e, nakikita ko naman na siya ang kaligayan niya.
Iba siya ngumiti ngayon kaysa dati.
"Salamat, payat. Alam ko namang nandyan ka palagi para sakin."
Nginitian ko siya pabalik. Tumayo na siya bago lumabas ng pinto ay sumenyas pa siya ng pagsaludo. Napangiti ako.Sinunod niya ang lahat ng sinabi ko. Pinagsikapan niyang makuha lalo ang loob ng babae kasi para sa kanya hindi sapat na nakuha niya lang ang oo nito, gusto niya pati ang puso ng babae makuha niya rin.
———————
"Nadine!"
Nilingon ko si Hazel. Kumaway siya sa akin. Tumakbo siya palapit.
"May assignment ka na? Pakopya ako! Terror yung prof natin sa Statistics eh!"
Ngumisi ako at inilahad ang notebook ko.
"Nadine, tawag ka nila Gaizer. Skateboard daw kayo pagkatapos ng school later."
Tinanguan ko lang siya.
Pinasadahan ko ng tingin ang aming malawak na eskwelahan. New school, new memories.
Dapat ko bang ibaon sa limot ang mapait na kahapon? Hindi. Hindi dapat. Ang kahapon ay hindi tinatalikuran. Bitbit iyon haggang ngayon pero ang mga hindi magandang karanasan ng kahapon ang dapat ng bitawan at hindi na isama pa.It's been two years since she left. Walang pasabi, walang dahilan. Basta umalis lang siya. Ang usap-usapan sa school noon ay nabuntis pero hindi ako naniwala.
Ang ikinagagalit ko lang, bakit hindi man lang siya nagsabi sa boyfriend niya?
Oo nga, hindi nga pala niya ito mahal. Hindi siya pumapatol sa masebo.Pero... ang mas hindi ko matanggap ay yung.. umalis din siya.
"Nadine! Tulala ka na naman? Huy, girl! Iniisip mo na naman yung gagong bestfriend mo?"
Sinamaan ko ng tingin si Hazel.Simula nang umalis si James madalas akong lutang. Hindi ko nga alam kung nakakausap pa nila ako ng matino o ano. Hindi ko lang kasi lubos maintindihan... bakit? Bakit siya umalis? Para hanapin o sundan si Ev? Pero bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin? Ano ba ako sa kanya? Diba kaibigan niya ako? Bestfriend niya ako 'diba? Bakit umalis siya ng walang paalam?
Siguro nga kapag si Ev na ang pinag-uusapan nakakalimutan niya ako. Ano ba naman nga ako diba? Isang hamak na kaibigan niya lang. Kaibigan lang.
"Nadz, may meeting daw tayo mamaya sa EARTHS, lahat ng COS na students."
Tinanguan ko lang si Hazel.
Pagkatapos ng morning class ay dumiretso na kami sa EARTHS, dito idinadaos kapag may malawakang pagtitipon sa school.
Pagpasok namin ay agad kong hinanap ang mga kaklase namin kung saan sila banda naka-upo. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin galing sa aircon. Tumingkad ang stage dahil sa ilaw, naging maingay din ang loob dahil sa mga modernong kantang pinatutugtog.
"Nadz, ayun sila!"
Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Hazel. Nakita ko ang kumakaway naming mga kaklase.Dahil maliit ang pagitan ng mga upuan, nahirapan akong pumasok. May mga COEng na nakaupo na kaya mas lalo kaming nahirapan.
"Sorry po!" Napakagat ako sa aking labi nang matapakan ko ang paa ng isang lalaki. Dahil madilim at tanging ilaw lang sa stage ang bukas ay hindi ko maaninag ang ekspresyon ng lalaki.
"Okay lang, ate." Rinig kong aniya.
Umupo na ako agad. Nginitian ako ni Hazel ng makahulugan. Sinamaan ko siya ng tingin."Kuya, usog kayo dito oh. May space pa."
Halos sabunutan ko na si Hazel sa sinai niyang iyon. Naglingunan ang mga lalaki sa amin at agad na tumango. Teka, diba for COS students meeting lang ito? Bakit may COEng?Parang nabasa naman ni Hazel ang nasa isip ko.
"Kuya, diba COEng kayo? Bat kayo nandito?" Ngiti niya sa mga ito.Nagkatinginan sila na parang nag-uusap gamit ang mga mata.
"Sinamahan lang namin 'tong si Bret.. may-- aww! May sisilayan!"
Napataas ang kilay ko. Hinimas ng lalaki ang braso niya ng sapakin ito ng lalaking naapakan ko ang paa kanina.
"Sino? Kilala namin?" Hagikhik ni Hazel. Napa-face palm ako.
"Wala, katabi na niya eh!"
Nalunod ang sinabi ng lalaki ng paulanan siya ng mura ng lalaking katabi ko ngayon na naapakan ko ang paa kanina.

BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
ФанфикPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...