Chapter 3 - Fan
Hinintay ko na matapos sila. Umupo ako sa isang bench 'di kalayuan sa kanila. Nilantakan ko ang ice cream ng 7eleven. Kumuha na din ako ng dalawang piatos.
Anong oras kaya sila matatapos? Ang alam ko ay tatanungin ni James si Ev na kung pwede niya ba itong ligawan. Sa tingin ko ay hindi papayag si Ev. Hindi sa nega ako pero kung ikukumpara sa mga tipo at manliligaw niya ay walang-wala si James. Mataba, dugyot, kung hindi nga lang matalino 'tong si James ay wala na talaga.
Naubos ko na ata lahat ng pagkain na binili ko at mga binili ko pa ay wala parin sila. Lumapit na ako at bahagya silang sinilip.
Halos matawa ako ng nakita na namumula ang tainga ni James. Kinikilig 'to! Napatawa ako sa isip. Tumayo na si Ev na siyang ikinagulat ko. Tapos na?
"Thanks, Jaye. See you tomorrow. " lumapit si Ev. Napataas ako ng kilay sa sumunod na ginawa ni Ev. She kissed James' cheek.
"Sige."
Nang umalis na si Ev ay lumapit na ako. Parang tuod si James doon na hindi pa rin umaalis sa pwesto.
"Huy!" Dinunggo ko sa tagiliran ang tulalang si James.
Nilingon niya ako at halos masuka ako ng makitang naka-plaster na ang ngiti sa kanyang labi.
Pagka-uwi namin ay doon ako dumiretso sa kanila. Katabi lang naman ng bahay nila ang amin kaya alam na ng mga magulang ko na kapag gabi na at wala pa ako sa bahay ay nasa kila James ako.
Sumalampak ako sa kanilang sofa. Namataan ko pa ang pagsulyap sa akin ni Tita, ngitian ko siya. Maganda si Tita pero hindi siya kamukha ni James at iba pa niyang anak. Siguro malakas talaga ang dugo ng banyaga nilang ama kaya ang nakuha lang kay Tita ay ang magandang pilik-mata at katawan.
"Usog." Agad naman akong umayos ng upo. Halos lumundo ang sofa ng umupo si James. Hindi na ako nabigla dahil sa bigat niyang 'yan diba?
Nang nakaupo na siya ay saka ako humiga sa kanyang hita. Nasanay na akong unanan ang hita niya o kahit anong parte ng katawan niya dahil malambot at malapad. Ginalaw-galaw niya ito para maalis ang ulo ko pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
Humalakhak siya."Highblood? Meron ka ba?" Pinitik ko ang kanyang tainga.
"Ewan ko sayo!"
Itinuon nalang namin ang buong atensyon sa pinanonood. Nang may maaalala ay napaayos ako ng upo."Ano nga pala nangyari kanina?"
"Pinayagan ka ba?" Tanong ko.Nginitian niya ako ng malapad. Napasapo ako sa aking mukha sa pinakita niyang itsura. Para siyang siraulong baboy!
"Oo, pero may sinabi siyang kondisyon.."
"Ano na naman?""Dapat daw ayusin ko ang sarili ko." Nguso niya.
Napatawa ako.
"Ang taba mo kasi!" Panga-asar ko.
Pinangigilan niya ang pisngi ko.
"Kapag ako nagka-abs, who you ka sakin!"
Hinampas ko lang siya ng malakas sa tiyan niyang malaki."Nadeng, dito ka ba kakain?" Tanong ni Tita nang sumilip siya sa pinto ng kusina.
"Hindi na po! Nakakahiya po kay taba!"
Aniko at tumakbo na palabas ng pinto nila bago pa pangigilan ulit ni James ang pisngi ko.Nung tumuntong kami ng Grade 9 ay medyo nakitaan ng pagbabago sa pisikal na katangian si James. Oo malaman pa rin siya pero dala na din siguro ng pagdidyeta niya ay bahagya siyang umiimpis. Pero kahit ganun parang kahit pinayagan na siyang ligawan niya si Ev ay wala parin. Parang sa tingin ko nga pinapaasa lang siya ng babae. Kasi naman, magpapacute lang 'tong babae igagawa na siya ng assignment ni Taba! Hihimashimasin lang ang braso niya igagawa na niya ito ng project! Konting ngiti nga lang niya parang tanga na 'tong si James! Naku, mga pa-fall nga naman.
"Para sakin ba 'yan, taba?"
Tinabihan ko siya sa bench at nilantakan na ang pancit na baon ko. Tinitigan ko ang bulaklak na dala niya at chocolate na halatang mamahalin.
May kaya naman sila James kaya nga siya ang panghabang-buhay kong taga-libre!"Kanino pa ba?"
Inirapan ko siya. Dapat pala hindi ko nalang tinanong. Ipinag-diinan tuloy sakin ang katotohanan.
"Bakit ayaw mo pang ibigay? Natotorpe ka na naman?""Hindi ah. May kausap pa eh.." aniya at napalingon ako nang makita siyang may tinitignan sa harap.
Si Ev habang may kausap na lalaking kaklase niya ata. Nagtatawanan sila na animoy close na close.
Binalingan ko si James at aasarin ko sana nang makita ang lungkot sa kanyang mata.
Napailing-iling nalang ako. Kung tutuusin ang babaw ng dahilan ng pagkakagusto niya kay Ev. Dahil maganda at hindi bungi? Pero sabi nga niya sa paglipas ng araw, panahon, hindi nalang yun ang dahilan niya. Pero kung ako ang tatanungin wala namang magandang ipinakita sa kanya ang babae kundi ang magpacute at amuhin siya kapag magpapagawa ng assignment o project sa kanya!
"Magpapayat ka pa daw kasi!" Biro ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Bukas samahan mo ko sa mall ah!"
Kinunutan niya ako ng noo. "Bakit, anong meron?"
Nginitian ko siya ng malapad at ipinagsisikan ang sarili ko sa kanya. "Nandun yung favorite band ko! Gusto ko sila makita syempre!""Sila ba yung nakadikit sa dingding ng kwarto mo? Mas gwapo pa ako sa mga 'yun! Ba't sila pa pinagnanasaan mo? Andito naman ako!" Inayos niya ang kwelyo ng kanyang polo at pinaliit-liit ang mga mata.
Histerikal akong napahalakhak. Ang kapal ng taba! Grabe!
"Hiyang-hiya naman ang Faber Castell sayo!"Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa kanila para gisingin siya. Mag-aalas sais na. Hindi ko nasabi sa kanya na dapat maaga kami dahil gusto kong mapwesto sa unahan. Gusto ko sila makita ng malapitan!
Pagpasok ko ay nakita agad ako ng mama niya pati na rin ang mga kapatid niya. Nginitian ko si Jack habang kinawayan ko si Ate Lauren na nasa lamesa.
"Si Tab-- si James, tita?"
"Nasa kwarto niya, Nadeng. Tulog pa. Bakit? May usapan ba kayo?"
"Opo." Tango ko. "Gisingin mo na." Aniya.Umakyat na ako sa taas nila. Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang aking daliri.
Pagkapasok ko ay napangiti agad ako na makita ang payapang imahe ni James.
Lumapit ako at humiga sa tabi niya. Hindi ko inalintana na basa pa ang buhok ko at maaaring mabasa din ang unan niya.Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya. Bahagya akong bumangon para mabulungan siya.
"Taba.." pinalaki ko ang boses ko.Bahagya siyang umungol. Napatawa ako.
Hinampas ko na ang balikat niya. Ang weirdo ng ungol niya!
"Hoy! Bumangon ka na dyan tanghali na!"
Bahagya siyang nagmulat. Halatang naalimpungatan."Ba't ka nandito? Hindi pa ako nagto-tooth brush..." Angal niya sabay takip ng unan sa mukha niya.
"Parang siraulo! Parang may itatago ka pa sakin? Nakita ko na, naamoy ko na lahat-lahat sayo no!"
"Kahit na! Labas na! Naka-brief lang ako, payat!"
Napatawa lang ako at hinayaan siya sa mga angal niya. Gaya ng sabi ko kanina, nakita, naamoy ko na lahat sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nagi-inarte siya ngayon."Bangon na! Aantayin kita sa baba!" Sigaw ko sa kanya bago lumabas na sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...