Chapter 10 - Panty
Kapag sa canteen kami kumain ay paniguradong maya't-maya ang mga lalapit para magpapicture o kaya ay magpa-autograph. Hindi kami makakain malamang, idagdag pa ang mga kwagong nakamasid sa lamesa namin. Hindi malayo sa mga estudyanteng pagkaguluhan si James dahil uhaw sila da mga gwapo lalo na't sikat daw ito.
"May ganito pala dito? Ngayon ko lang nalaman." Komento ni Bret habang nililibot ang tingin niya sa paligid ng rooftop.
Kapag oras ng klase na subject ay math dito ako tumatambay. Mas naiintindihan ko pa kung kay Hazel ako magpapaturo kaysa makinig sa prof namin na may lahi atang rapper sa sobrang bilis magturo. Laking malas pa dahil sa unahan ako nakaupo at halos magpayong na ako sa mala-ambon na talsik ng laway niya habang nagdi-discuss.
"Nadz, ayaw mo ba? Niluto 'yan ni Mommy. Oh, ahhh..."
Iniwas ko ang bibig ko nang tangkain akong subuan ni James. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bat ka nandito? Kailan ka pa nag-enroll?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Sabay-sabay silang napatitig sa akin pero mabilis ding nag-iwas sila Bret at Hazel.
"Kakainin mo pa 'to, nadeng?" Inilapit ko ang pagkain na binigay sa akin ni James kay Hazel nang hindi nililingon.
"Nakapag-enroll na ako bago pa ako umuwi dito. Ayaw mo ba ako dito?"
Napahinga ako ng malalim ng ngumuso siya na animoy nagtatampong bata. Nanatiling lihim na nakamasid lamang sa amin si Bret.
Bakit dito pa sa school na 'to? Marami namang private university na nagkalat dito ah!
"Magdrop ka. Lumipat ka ng school." Matama kong ani bago umalis.
Hindi pa ako nakakahakbang pababa ng hagdan ay may humigit na sa kamay ko. Napasinghap ako.
"Nadine!"
Hinarap ko siya. Napatitig ako nang madatnan ang seryosong mukha niya.
"I thought we're okay?" Mahina niyang tanong nang hindi ako umimik.
Hinigit ko ang kamay ko sa kapit niya bago ako humalukipkip.
"Maraming private university sa paligid. Ang isang sikat na trainee na katulad mo ay hindi nababagay sa eskwelahan na to." Walang emosyon kong wika.
Kung nakakahigop lang ang mga mata niya ay panigurado kanina pa ako natuyo. Sa sobrang bigat ng titig niya ay halos hindi ko mabuhat.
"Gusto ko dito kasi nandito ka." Simple niyang ani habang nakatitig sa akin.
Ang pares ng mala-tsokolateng mata niya ay nakakapanlambot. Parang unti-unti akong nauupos dahil sa tindi ng init na ibinibigay nito.
"And... how did you know that I'm a.. trainee?" Kuryoso niyang tanong.
Nag-iwas ako ng tingin. Ngumisi ako.
"Trainee ka pala sa DBE? Nag-audition ka pala doon? Wala na ako ngayong ni-isang alam sayo." aniko bago tumalikod at nagpatuloy na sa pagbaba.
Ano pa nga bang aasahan ko? Ilang taon siyang nawala. May mga bagay na nagbago. May mga bagay na nangyari na hindi ko alam kasi wala ako. Wala ako sa tabi niya.
"Anong paborito kong ulam?"
Napahinto ako nang humarang siya sa hagdan.
"Tabi." Inismidan ko siya. Bakit niya tinatanong?
"Ano muna?" Dungaw niya sa mukha ko. Napapikit ako ng mariin bago sumagot.
"Sinigang." Aniko at tinabig siya para makadaan na.
"Anong paborito kong kanta?"
"Statue." Mabilis kong sagot bago siya muling tinabig nang humarang na naman siya.
"Nadine!"
Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Nasa may pangatlong huling baitang na siya habang ako ay nasa dulo na. Ano bang problema niya?
"Hindi ko alam kung bakit pinapaalis mo ako. Pero anuman ang dahilan mo, mananatili ako."
Nagtiim-labi ako.
"Nung umalis ako may mga nangyaring hindi ko nasabi sayo. Pero tandaan mo na may mga bagay akong gusto na hindi nagbago."
Tinitigan ko siya bago naglakad palayo.
Kung ganun, hanggang ngayon ba si Ev pa rin ang gusto niya? Hindi malayo.
"Si Nadine po, Tita?"
"Nasa kwarto niya, puntahan mo na lang." Rinig kong sinabi ni Mama.
Agad akong tumakbo at kumuha ng tuwalya at mabilis ko itong tinapis sa katawan ko. Ikakandado ko na sana ang pinto nang bigla na lang itong bumukas at iluwa si James na nakabihis na mula ulo hanggang paa.
Agad ko siyang sinabunutan bago pumasok sa CR bitbit ang mga damit ko na nakakalat kanina sa kama.
Bakit ba kasi pinapasok ni Mama 'tong lalaking 'to! Hindi niya ba alam na wala pang panty ang anak niya?! Si Mama talaga kahit kailan!
Mas lalong uminit ang pisngi ko nang marinig ko ang mahina niyang paghalakhak.
Bwisit ka! Humanda ka sa akin mamaya.
"Nadz, kompleto na ba yang damit na dala mo dyan?"
Nangunot ang noo ko at natigilan sa tanong niya. Bakit? Anong ibig niyang sabihin? Hindi kaya...
Agad kong tinignan ang hinablot kong damit sa kama kanina.
"May ano kasi.. panty mo ba 'tong namamahinga sa sahig?"
Halos lumiyab na ang buong katawan ko sa hiya at inis lalo na nang marinig ko ang pagpipigil niya na tumawa ng malakas. Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko bago tumungo.
"JAMES DEMIAN! ISA!" Inis kong sigaw.
"Sandali, wag kang maingay. Bat ka ba sumisigaw?" Panunuya niya.
Nilamukos ko ang tuwalya sa sobrang inis. Bwisit!
"Akin na! Male-late na ako!"
Imbis na sagot ay tawa lang niya ang narinig ko. Bwisit talaga! Nakakainis!
"Isa!"
"Ito na!" Natatawa niyang tugon.
Kinalma ko ang sarili ko bago lumapit sa pinto.
"Oh ito na. Buksan mo na."
Binuksan ko ng maliit ang pinto para maibigay na niya pero hindi nagpakita ang kamay niya.
"James!" Inis kong ani.
"Ay sorry, ang liit kasi ng space. Hindi kasya." Pang-aasar niya kaya nang makuha ko na ang panty ko ay inipit ko ang kamay niya sa pinto.
Malutong na mura ang pinakawalan niya kasunod ang impit na pagdaing.
Napangisi ako. Hindi mo ko maiisahan.
"Napaka-sadista mo talaga!" Angal niya.
Umismid lang ako sa kawalan.
"Sakay na." Aniya sabay lagay ng helmet sa ulo ko. Ngumuso ako nang wala ng bahid na panunuya ang mukha niya. Buti naman dahil kung hindi baka pumasok siyang may pasa.
Dinungaw niya ako bago ngumiti at sumakay na sa motor.
Hindi ako umimik at sumakay na lang.
"Higpitan mo, ayokong mahulog ka." Bulong niya.
Natigilan ako.
Tinitigan ko ang kamay kong maluwag na nakakapit sa jacket niya. Nagtiim-labi ako bago kumapit ng mahigpit.Nahulog na ako, James. Matagal na. 'Yun nga lang, yung taong sasalo sa akin abala sa paghihintay na saluhin ang iba.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...