Chapter 21 - Club
"Do boys tend to cheat in a relationship?"
Tumirik ang mata ko nang marindi sa sigawan ng mga kaklase ko bilang pagsang-ayon o pagtutol.
"Yes!!" Malakas na sigaw ng mga babae.
"Hindi naman lahat! May mga loyal oh! Respeto naman!" Depensa ng mga lalaki.
"They will, Miss! Eventually kapag nagsawa na sila!" Ani ng isa kong kaklaseng babae.
Mas lalong naging maingay ang kwarto.
Napailing-iling nalang ako. Is this part of our lesson, Miss? Gusto kong itanong sa sub-prof namin kaya lang ay baka pag-initan ako. She's a way too young to teach college students actually. Parang classmate lang namin siya kaya madalas ay natutukso siya ng mga kaklase naming lalaki.
And she's a bit too friendly! Specially with boys! Kaya mas lalo akong naiirita!"You,"
Nag-angat ako ng tingin nang mapansin ang pananahimik ng paligid.
"The girl who have a hmm.. black cheap hat."
Napataas ang kilay ko. Nadatnan ko ang titig niya sa akin.A what? Black cheap hat? Cheap hat? Nagtiim-bagang ako. Sinusubukan talaga nito ang pasensya ko.
"Stand up," utos sa akin ni Miss Dana Imperial.
"Do boys tend to cheat in a relationship?" Ulit niya sa tanong kanina.
Muntik na akong umirap sa kanyang harap, buti nalang napigilan ko.Kung tutuusin ay sobrang layo nito sa topic naming chemicals. Pakialam ko ba sa mga love whereabouts na 'yan?
Tahimik na nag-aantay ng sagot ko ang mga kaklase ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Boys might cheat. A man doesn't."
Walang emosyon kong sagot bago tahimik na bumalik sa upuan.Pinasadahan ko ang paligid na halos ganun pa rin ang ayos. They're obviously stunned with my answer.
Nagkibit-balikat lang ako.
Actually I don't really know the answer. Who am I? God? Do I know what's playing inside their minds? Specially boys? Nasa tao kung magloloko siya o hindi. They might but I believe a real man will never cheat. Why would they, anyway? Kasi sawa na? Hindi na nila mahal? Then, that's not a real love! Its just a fucking love with an expiration date!
"Fuck, ang hot ng sagot." Rinig kong bulong ng isa kong kaklaseng lalaki.
Tinakpan ko na lang ang mata ko gamit ang hem ng suot kong bonnet.
"So let's move on... our topic for today.." Basag ni Miss Dana sa namuong katahimikan.
Nagsimula na akong dumausdos sa upuan para matulog. What a boring class.
"May long quiz tayo bukas! Bat ka natulog?"
Hinayaan ko lang na sermunan ako ni Hazel. It's just a quiz. Magse-self study na lang ako mamayang gabi. Mas malaki pa ang tsansang maintindihan ko ang lesson kaysa makinig na naman kay Miss Dana na maya't mayang sinisingit ang mga hugot niya.
"Oh sila James oh."
Bumaling ako sa aking likod nang makita sila James na halatang kagagaling lang sa basketball game. Tumatawa si Bret sa kung anong sinabi ng 3 pa nilang kasama habang si James naman ay nangingisi lang habang hawak ang bola."Hi, Nadz!" Bati sa akin ni Bret nang makalapit sila.
Natigil ang pagbati ko pabalik nang biglang lumapit sa akin at akbayan ako ni James. Awtomatiko kong siniko ang kanyang tagiliran.
"Amoy pawis ka! Yung damit ko!" Angal ko.
Nagtawanan lang sila kaya mas lalo akong nairita.
"Pre, pakilala mo naman kami sa mga chicks." Kindat ng isang lalaki kaya napatingin ako kay Hazel. Nanliit ang mata ko nang makita na biglang pumula ang pisngi nito.
Napasapo na lang ako sa aking noo. Siguro kung kagaya lang din ako ni Hazel na madaling nahuhulog sa mga bitag ng mga lalaki ay kinilig din ako sa banat ng isang 'to. Pero wala eh, sa isang tao lang ako nagpapaka-tanga.
"Hazel, Nadz, si Zip, Daje 'tsaka si Jason ka-team ko." Pakilala sa amin ni James sa kanila.
Pareho silang matatangkad, maganda ang katawan. Katamtaman lang para sa kanilang edad. Si Zip ay parang may lahi dahil sa kulay ng mata niya si Jason naman ay pamilyar na sa akin dahil isa siya sa magaling maglaro ng basketball dito. Siya ang laging itinatanghal na MVP.Si Hazel lang ang naglahad ng kamay sa kanila dahil ngiti lang ang itinapon ko.
"Ah Nadz, nga pala. May napili ka na bang club na sasalihan?" Baling ni Bret sa akin.
Tinitigan ko si James na hinihintay ang sagot ko."Ah wala pa e, kailan na ba 'yun?"
"Bukas na 'yung registration, pero next week pa naman ang start ng activities o sessions."
Tumango ako. Kung saan mas marami ay doon ako. O kaya ay kung saan nalang si Hazel o si..... James."Ayaw mo ba sa music club? Ako ang president dun, nakapag-register na sina James at ang barkada. Si Janna lang ang nahiwalay kasi gusto niya sa cheer leading team sumali."
Ngumuso ako.
Nakakatukso. Gusto ko sana sa volleyball team dahil nami-miss ko na ang maglaro kaya lang ay nasa iisang club lang pala sila. Si Janna at Hazel lang ang nahiwalay. Pero paano 'yun? Music club? I can't even sing! Or play any instruments. Papasa kaya ako?"Ah... Baka hindi ako mag-qualified," mahina kong ani.
Tinitigan ako ni Bret, tinatantsa.
Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagbaling din ni James sa gawi ko."I think I know what to do about that, basta ililista na kita huh?" ngiti ni Bret sa akin.
Dahan-dahan akong tumango. I smiled back.Nakatunganga lang ako habang may nagsasalita sa unahan. Tapos nang magsalita si Bret, nakinig ako sa sinabi niya kanina. Isang welcome remarks iyon.
"Tutal naman ay na-arrange na kayo sa mga strengths niyo ay ayos na. Bukas ay may meeting para sa magaganap na program ng university this coming week. May malaking papel ang club natin...."
Nalunod ang sinasabi ng babae nang biglang bumulong sa tainga ko si James.
"Inilista kita sa singing, parehas kayo ni Bow. Kami nina Gaizer at Theo sa all around."
Nanliit ang mata ko. All around? Ano 'yun katulong?
Sumimangot lang ako.
Paano na? Hindi ako kumakanta! I mean, sa CR oo pero sa harap ng maraming tao ay hindi! I don't have the guts to even show any of my talents. Ang galing ko sa pagbato o pagsalo ng bola lang ang naipapakita ko."So as we scan the lists of participants of our club, I'm glad one of the rising star joined!"
Napalingon kami sa harap. Nagkatinginan kami nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng babae na mukhang vice president.
I made a face when James just cockily scratched his forehead.
Leche, pa-humble.
"Can we request James Demian Reid in front?" Ngiting-ngiti na ani babae.
Agad na tumayo si James para paunlakan ang babae.
Naghiyawan ang nasa lagpas na 30 na kasali sa club na ito. Iilan lang ang mukhang pamilyar sa akin, ang iba ay siguro'y nadadaan-daanan ko lang."Can you sing for us? Please?"
Tumaas ang kilay ko nang biglang magbago ang boses at kilos ng babae. What the? Kailan pa siya nakalunok ng ipis at nagbara ata sa lalamunan niya?"Sure,"
"Your wish is my command, my lady." Malanding tugon ni James na siyang ikinapula ng pisngi ng babae.
Muling naghiyawan na nagpalala ng iritasyon ko.Landi! Pagtatampalin ko kayo eh. Kagigil.
"Hm-mm." madrama pang naglinis nang lalamunan si James.
Isang baling ang ginawad niya sa aming banda bago siya nag-strum sa gitara.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...