Chapter 34 - Falls
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Narinig ko ang hiterikal na boses nila ng makita akong nagmulat.
"Nadz? Are you okay?"
"Anong masakit? Saan?"
"Anong nangyari sayo? Anong nararamdaman mo?"
"Nadine, okay ka na ba? May masakit ba sayo?"
Wala akong naisagot ni isa sa kanila kundi ang titig lang. Malamlam akong ngumiti.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang naalala ko ay bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Para akong biglang binawian ng karapatan na huminga. Siguro epekto iyon ng inumin na ininom ko sa party o sa pagod? Hindi naman ito ang unang beses na nangyari sa akin..
"May nainom ako sa party, yun siguro ang dahilan kung bakit nawalan ako ng malay." mahina kong sabi.
Sumimangot si Janna.
"Hay! Sabi ko sayo wag kang basta kuha ng kuha ng drinks! Ayan!"
"Are you okay now?" tanong ni Hazel.
Tumango lang ako.
Pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa.Gaizer, Theo, Hazel, Bow at Janna. Nasaan yung iba? Si Bret? Si.. James?
"Where's Bret?"
Awtomatikong naningkit ang mata ni Bow sa sinabi ko.
"Speaking of him, Nadz. Is it true? Kayo na?"
Tinikom ko ang bibig ko.
"This group of ours has this habit of having a secret relationship with one another." bulong ni Janna.
Natahimik ako. Tinitigan nila ako na parang naghihintay ng kompirmasyon sa tanong nila. Ngumuso ako bago nagsalita.
"Sabi niya gusto niya ako.. tapos nagulat na lang ako pinakilala niya akong girlfriend niya kay James.."
Tumaas ang kilay ni Bow. Wala namang sinabi ang mga lalaki. Nanatili lang silang nakamasid.
"Nanliligaw ba siya?" ani Hazel.
"Hindi ko alam," iling ko.
"Okay ka na ba talaga?"
Tumango ako.
"Ang mama mo ang kausap ng doctor, mukhang okay naman kaya makakalabas ka na mamaya."
Tinaguan ko si Hazel. Maybe a little rest is just what I need.
"Wala pa ba 'yung iba?"
Tahimik kong pinagmasdan sa 'di kalayuan ang mga kaibigan ko. Pagkatapos kong makalabas sa hospital kahapon ay napag-usapan naming ituloy na ang pagpunta rito sa Daranak Falls. Natsempuhan namin na bilang lang ang taong narito kaya natuwa sila. Masosola namin ang lugar sa mahabang oras.
I felt the warm feeling in my heart. This is one of my favorite view. Them. The special people in my life. Ang mga kaibigan kong simula pa lang nandyan na sila, hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin sila. I am beyond happy.
Indeed, no man is an island. You need someone or group of people along the way. Hindi maipagkakailang kulang ka kapag mag-isa ka lang. You are not completely happy if you're alone. You are not completely contented if you're all by yourself. Maski Siya, ginawa tayo para samahan siya.
"Bat mag-isa ka dito, Nadz?"
Nilingon ko si Janna. Umupo ako ng ayos ng maupo siya sa tabi ko.
"Nagpapahangin lang,"
"Hmm. Mamaya raw ang dating nila James."
Tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
Fiksi PenggemarPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...