Chapter 8 - Back
Naestatwa ako.
"Hello.."
Isang halakhak ang pinakawalan niya.Napalunok ako.
Napatayo ako ng dahan-dahan.
Bumuhos lahat ng emosyon sa akin ngayon. Galit, inis, pagtataka, pangungulila...
"Hello, Nadine.. are you still there?" Malumanay niyang tanong.
Nagtiim-labi ako. Siya ba 'to? Nagngilid ang luha sa aking mata. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako! Leche siya! Bakit ngayon lang siya nagparamdam! Nakakainis! Hindi niya ba alam na dalawang taon na siyang hindi nagpaparamdam?!
"Hey.."
Umismid ako sa kawalan."Anong kailangan mo?" Maski ako ay nagulat sa tatag ng tono na pinakawalan ko. After 2 freaking long years ngayon lang siya tatawag?
Humalakhak siya. "Aww, grabe ka talaga sa akin kahit kailan."
Umupo ako sa kama at pinaglaruan ang kumot. Bakit siya tumawag? 2 years walang ni Hi-hello. Tapos ngayon? Anong naisipan niya? Nauntog na ba siya at naalala niya na na may bestfriend siya na nakalimutan?
"I miss you.."
Muntik ko ng mabagsak ang phone dahil sa sinabi niya. Leche talaga 'to!"Oh?" Pambabara ko.
Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga sa kabilang linya.
"Sino 'to?"
Kahit kilalang-kilala ko na ang tumawag ay tinanong ko pa rin iyon. Dalawang taon tapos ngayon lang siya magpaparamdam?"Nadine Haven.."
Hindi ako sumagot.
"Nandyan ka pa?"Hindi ako nagsalita, hinintay ko ang kanyang susunod na sasabihin.
"Sorry.. "
Kinagat ko ang labi ko. Sorry huh? Tss."Ang tanga ko noh? Umalis ako ng hindi nagpapaalam? Hinanap ko siya pero... wala eh."
Tinikom ko ang bibig ko."Payat? Sorry ha? Hindi ko na nakayanan na tawagan ka simula nung araw na umalis ako kasi baka 'pag narinig ko boses mo bumalik ako." Halakhak niya. Hindi ako kumibo. Talaga lang huh?
"Sabi ni Mommy.. hindi ka raw makakapunta sa linggo?" Basag niya sa katahimikan.
"Bakit hindi ka makakapunta? Gusto na kita makita.." bulong niya.
Napakurap-kurap ako."Naddie? Parinig naman ng boses mo oh.."
Binaba ko na ang tawag at dumapa sa kama.
Gago! Nakakainis ka! Bwisit! Tapos ngayon magpaparamdam ka? Magso-sorry ka?! Bahala ka sa buhay mo!—————————
"Beh!"
Nag-angat ako ng tingin kay Hazel. Nginusuan ko siya nang tutukan niya ako ng kutsara."Sabog ka ba? Anyare sayo?"
Umiling lang ako. Halos hindi ako makatulog kagabi. Tinawagan pa ako ulit ni James pero hindi ko na sinagot. Pinatay ko na lang ang phone ko para hindi na ulit siya makatawag."Problem?" Tinitigan ko siya. Sinundan ko ng tingin ang pagkain niya ng nestle yogurt bago nagsalita.
Huminga ako ng malalim.
"Si James babalik na."
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko."Si gago babalik na?" Histerikal niyang tanong.
Napangiti ako.
"Charot! Buhay pa pala 'yun no? Akala ko nalunod na sa pagmamahal niya kay Ev!"
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...